AKO MUNA

4 0 0
                                        

ang mga hangin na humahampas sa aking katawan
ay nagsisilbing isang yakap mula sa kawalan
nagpapahiwatig na ika'y nandito lang
bawat patak ng ulan ay syang lungkot na nararamdaman
sa pagkawala mo'y ako'y nakulong sa nakaraan
hindi ko maintindihan
kung ba't hindi makalimutan
ang mga halik na nais muling makamtan
kailan kaya makakawala sa isang paniniwala
na ang pagbabalik mo ay sadya lamang naantala
pero ito pala ay isang malaking maling akala
dahil ikaw ay malabo nang maabot na parang tala
patuloy paring nagsisisi sa nagawang pagkakasala
kahit anong pilit na paglimot sa mga ala ala
ay patuloy paring bumabalik pagpikit ng mga mata
patuloy parin iniinda ang hapdi na nadararama
kahit ang panahon ay lumipas
hindi parin makatakas
sa pait na dinaranas
kailan ba magwawakas
itong sakit na walang lunas.
paano ba malulutas
ang pag ibig na wagas,
kailan ba magtatapos
sa pagkakagapos
ang puso kong naghihikahos
ang puso kong nasaktan ng lubos
tila ba dinaanan ng unos
paano kaya masasagip
mula sa pagkalunod
sa matatamis mong salita
at ano nga ba ang kasagutan
sa mga katanungan
sa ngayon kakalimutan na kita
at ngayon ako na muna
~orenji




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ako munaWhere stories live. Discover now