Win pov..
Pauwi na ko galing trabaho it's already 12 in the midnight. Dumaan muna ko sa isang burger machine, para bumili ng pasalubong sa aking mga pinsan at bestfriend/cousin ko na si Niquita. Pagdating ko sa kanila nasa labas pa sila ng bahay nila inaantay ako.
"Win andiyan ka na pala asan na yung pasalubong ko? Bungad kaagad sakin ni Niquita."
"Oh ito tig iisa kayo nila Nnevvy at Rica."
Nakita kong may lumabas na lalaking matangkad sa kanilang bahay. Shit lang talaga, pagharap pooota ulam hahaha.
"Hoy! Win natulala ka na diyan."
Baklang Niquita to epal.
"Sino naman yan?"
Attitude muna bawal marupok hahaha.
"Si Bright kaibigan ni Ate Nnevvy".
Sabi ni Rica with matching kilig pa ang gaga.
"Win dito ka na muna may bago akong download na movies manuod muna tayo."
"Sige Nnevvy uuwe muna ko sa bahay magbibihis lang ako."
"Sama na ko kuya Win diba naiwan ko doon yung favorite ballpen ko nung tinuruan mo ko?"
Pinanlakihan ako ng mata ni Rica kaya napatango na lang ako. Malamang may hatid na namang chismis to.
Pagdating ko sa kwarto dumiretso ako sa banyo para mag half bath. Dumiretso naman ng higa si Rica sa kama ko. Pagkatapos ko maligo nakita ko si Rica na parang malalim ang iniisip
"Rica anong problema?"
"Kuya Win si Ate Nnevvy at Win nakita ko kanina na mag kayakap sa kwarto. Kuya Win ako yung kachat at text ni Bright sakin siya nanliligaw. Ginamit niya lang ako kuya Win."
"Alam mo Rica napaka OA mo din magkayakap lang eh may something na agad. Alam mo Rica tigilan mo na yang pa teary eye mo. Wala ng epek sakin yan OA ka lang talaga. Baka may problema lang yung tao at kinomfort lang ni Bright. Saka diba may Jowa si Nnevvy si Art?"
"Hindi kuya Win nakita ko yung mga messages nila. Honey pa nga naka name kay ate Nnevvy."
Napatigil ako sa sinabi ni Rica. Si Nnevvy at Art kasi 3years ng mag Jowa. Sabagay hindi ko naman masisisi si Nnevvy napaka yummy ni Bright.
"Hoy kuya Win! ayan ka na naman sa pagiging tulala mo."
"Letse sige tara na bumalik na tayo. Leave it to me ako na ang tutuklas kung totoo nga yang sinasabi mo?"
"Paano naman kuya Win kokomprontahin mo si ate Nnevvy?"
"Syempre pano ko malalaman ng hindi kokomprontahin aber?"
"Naku ako naman mapapahamak jan e!"
"Hindi yan diba sabi ko leave it to me. Tara na doon at baka bulok na sila Niquita doon."
Pagbalik namin kila Niquita. Dumiretso kagad ako ng upo sa mahabang sofa. Nakita ko kasi na doon nakaupo si Bright kaya tumabi ako. Umupo din doon si Nnevvy kaya napapagitnaan naming dalawa si Bright. Si Niquita naman sa Single Sofa na nasa tabi ko at si Rica din ay nasa single sofa sa tabi naman ni Nnevvy.
"Hoy Niquita ilabas mo na yung tinatago nating pampagana para masaya manood."
"Sandali lang Win nanunuod pa ko."
"Abay kelan mo pa kukunin pag nagpalatastas?"
"Oo sandali na lang to."
"Bakla kang tunay Niquita movie yung pinapanood natin pano magkakaroon ng palatastas."
"Haist... Rica ikaw na nga kumuha nung beer sa ilalim ng ref yung balot na balot ng plastic."
Tumalima naman kagad si Rica. Pagdating nito may dala pa tong mga junkfoods. Sinimulan namin uminom. Nung matapos na yung movie medyo tipsy na din ako. Nauna ng pumasok si Rica at Niquita kaya kami na lang naiwang tatlo ni Nnevvy at Bright. Tumayo si Bright para mag CR kaya tinanong ko na agad si Nnevvy.
