Chapter 35 |Russell's|

Start from the beginning
                                    

"Oh? Mamamatay ka na ba?" Bungad nya at bahagya akong natawa rito. Kahit kailan talaga ang taong ito.

"Hindi pa. Masyado akong gwapo para mamatay" sabi ko naman at ngingisi-ngising tumingin sa malayo kahit alam kong hindi nya makikita ang ngising nakapaskil sa muka ko.

"Ulul! Demonyo ka lang talaga kaya hindi ka mamatay-matay." Sabi nya kaya ay napatawa ako. Narinig ko naman ang pag-tss nya sa kabilang linya.

"Oh, eh kung hindi ka pa mamamatay, ano 'tong tawag mo? Trabaho?" Tanong nya at bahagyag napakunot ako ng noo. Kung magsalita kasi sya ay parang may laman ang bibig nya. Tumingin naman akong muli sa relo ko at nakita kong magse-seven na kaya napa-buntong-hininga nanaman ako at tumingin sa malayo.

Ngayon palang sya kakain ng agahan.

"Oo trabaho. Ano pa bang ibang importanteng itatawag ko?" Sabi ko naman. Biglang may dumaan na dalawang babae sa gilid ko at ngingiti-ngiti silang dumaan habang naka-harap sa'kin at nakatagilid na naglakad. Ngumiti ako sa kanila nang matipid at medyo iniyuko ko pa ang ulo ko. Agad naman silang nagmamadaling naglakad kaya ay bigla silang napatigil.

May mali ba akong nagawa? bakit ba pag nginingitian ko sila, lagi nalang silang nagmamadaling umalis? Ganon ba ako ka-gwapo?

"Malay 'ko ba kung mamamatay ka na. Oh, eh ano raw sabi?" Sabi at tanong nya naman. Nakarinig ako ng isang pagbuhay ng makina ng sasakyan kaya ay bigla akong napakunot ang noo.

Akala ko ba ay kumakain ang taong ito? Bakit biglang nasa kotse na sya? Tsk! hindi nanaman nito tinapos ang pagkain nya panigurado.

"8:00 at Rhee residence. All clear. 'Yan ang sabi." sabi ko na luminga pa sa paligid at hininaan ang boses ko. Halos nagkalat na kasi ang estudyante dahil maga-alas syete na rin.

"Ah. 'Ge. Wala akong pakialam sa nararamdaman nila." rinig kong muling sabi nya sa kabilang linya at napatigil ako nang marinig ko ito. Napakunot pa ang noo ko.

"Michelle, nababaliw ka na ba?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Narinig ko naman syang napabuntong-hininga.

"Listen Mr. Monasterio, labas sa trabaho ko ang mga Rhee. Ni hindi ko nga natanggap ang mensaheng iyan. Malamang dahil hindi ako involve. Hindi ako tanga para isali ang sarili ko sa larong hindi naman ako kasali. Ipapa-alala ko lang sayo dahil parang nalimutan mo na, ang trabaho ko lang ay si Voler at si Hush, at hanggang ngayon ay namomroblema pa rin ako dahil hindi ko alam kung paano sumulpot iyong bespren ni Hush. Ngayon, kung wala ka nang iba pang sasabihin, ibababa ko na 'to dahil nagda-drive ako. Mamatay pa ko, edi nagdiwang ka pa. Bye!" Mahaba at sunod-sunod na litanya nya na hindi manlang ako nakasingit sa kanya.

Hindi makapaniwalang napa-tingin ako sa cell phone. Ibinaba na nya bigla ang tawag at may sasabihin pa sana ako sa kanya. Grabe talaga ang babaeng 'yon. Walang hiya talaga kung walang hiya. Ni hindi manlang ako binigyan ng pagkakataong magsalita! bakit ba ganito ang mga babae?

Napa-tingin nalang ulit ako sa malayo at nagbuntong-hininga. Heto na naman ako at napapatanong na naman ako kung ano bang ginagawa ko sa buhay ko. Araw-araw nalang, kada gumigising ako sa umaga ay napapahinga nalang ako nang malalim dahil buhay pa ako. Gusto ko nang umalis at tumakas pero alam ko namang wala na akong matatakasan. Ito na ang buhay ko at kailangan ko itong gawin nang maayos.

I clucked my tongue and made my way inside the room. Kailangan ko nag maghanda dahil tumunog na ang first bell para sa morning assembly. Inilagay ko ang phone ko sa loob ng bag ko at nakita ko naman si zeya na nasa loob na pala ng room.

Oh? Hindi ko sya napansin kanina na pumasok.

Napakunot naman ang noo ko nang makita kong matamlay ang mukha nya. I scanned the room at nakita kong wala pa si Jen sa loob. Napansin ko naman na nakapatong ang ulo ni Sky sa balikat ni Alexa. Kung titignan mo nang mabuti, parang halos pareho ng awra si Sky at Alexa. May nangyayari kaya sa kanilang tatlo?

Arranged MarriageWhere stories live. Discover now