PROLOGUE

1 2 0
                                        

"Oh ma,paano na.Alis na ako ha,kasama ko naman si Abigail sa unit eh.Katabi lang rin namin ang unit ni Kyle at alam ko namang may tiwala kayo sa boyfriend ko hindi ba?" sabi ko kay mama na ngayon ay malapit ng umiyak.

"Oo na may tiwala na ako kay Kyle" Hinawakan nya ang kamay ko."Basta anak mag iingat ka sa manila,Alam mo naman siyudad iyon at hindi probensya kaya maraming masasamang tao doon.Kaya mag iingat ka,tawagan mo lang ako kong may kailangan ka." sabi ni mama sa akin,ngumiti lang ako saka pinunasan ang luhang tumulo kay mama.
Hinalikan ko ang noo nya bago tuluyang pumasok sa bus na sasakyan ko patungong manila.

Pumwesto ako malapit sa may bintana dahil palagi akong nasusuka tuwing hindi ako malapit sa bintana dahil nababahuan ako sa amoy ng bus.

Kasabay ko si Alexandra ngayon patungong manila dahil doon din sya mag aaral,iisang unit lang kaming tatlo ni Abigail.Kasama ko na ang dalawa simula pagkabata hanggang paglaki kaya nga nangako kami sa isa't-isa na hinding-hindi kami mag hihiwalay hanggang sa pag tanda.

"El,matutulog muna ako ha kasi kunti lang ang tulog ko kagabi.4am na ako natulog dahil nag basa pa ako ng wattpad saka nanuod movie eh" sabi ni Alexandra na ang laki ng Eye bags ngayon.Halata ngang nag puyat ito kagabi.

Natawa nalang ako sakanya saka tumango,inihilig nya ang ulo nya sa balikat ko upang makatulog ng mahimbing.Nag simula naring umandar ang sasakyan,kumaway ako kay mama at sa babaeng kapatid ko nangayon ay parihas ng umiiyak.Sa totoo lang ay ayuko ri'n namang mahiwalay at malayo sa pamilya ko eh kaso lang,gusto ko ring makapagtapos ng pag aaral at makahanap ng magandang trabaho para makatulong ako sa magulang ko at para rin mapagtapos ko ng pag-aaral ang kapatid kong babae na huminto na dahil tumutulong kay mama sa pagbibinta ng mga bulaklak.

Malayo na kami at nakatingin lang ako sa labas habang tulog parin si Alexandra sa balikat ko.Dumaan kami sa walang kabahayan at tanging mga nag tataasang mga puno lang ang makikita,nakakatakot ay seguradong hindi mo gugustuhing manatili rito ng mag isa.

Nakaramdam ako ng antok dahil kulang rin ako sa tulog dahil inimpaki ko pa ang mga damit at mga dadalhin kong gamit.Ipinikit ko ang mga mata ko at nakatulog rin naman ako kaagad.

"El,El.Gising,nandito na tayo" nagising ako sa pagyugyog at dahil sa boses ni Alexandra.Agad akong nag palinga-linga at kaming dalawa nalang ang tao sa bus.

Nandito naba kami?

Tumayo ako at sumunod kay Alexandra,kabisado nya ang ibang sulok ng manila dahil noong 17 years old sya ay dinala sya dito ng papa nyang kano at nanatili sya rito ng sampong bwan.Marami nga syang dalang mga chocolates,bags,liptints at iba pa na pinang bigay sa amin.Maputi at makinis ang balat ni Alexandra dahil nga nag mana sa ama,maganda ang mga mata at pinkish ang lips.

Pumara sya ng Taxi,namangha ako sa loob dahil malamig at prisko ang hangin.Ito ata ang sinabi ni Alexandra na air-con.

Inihinto ng driver ang sasakyan sa isang malaking gusali na parang luma na.Pumasok kami roon at dumiritsyo papunta sa isang parang metal na pinto, automatic iyong bumukas na mas lalong nag pamangha sa akin.

"Ito ang tinarawag na automatic elevator....Ibig kong sabihin Elevator lang walang automatic Hahaha" sabi nya at nsg peace sign.Nauna akong lumasok sa Elevator 'kuno' dahil sa excitement na nararamdaman ko ngayon Sumunod sya sa akin at bigla nalang sumara ang pinto,may pinindot sya sa mga button doon at 13 iyon.

"Hindi ba dilikado ang elevator na ito?" nag tatakang tanong ko,Hindi pa kasi ako nakakapunta sa ibang lugar o siyudad at talagang first time kong maka tung-tong sa manila.

At talagang namangha ako sa mga kagamitan at ibang tiknulohiya na gawa ng mga tao na nandito ngayon sa manila.Naramdaman kong parang umaakyat kami,Kinabahan ako pero nag relax lang ako at kinalma ang sarili.

Bumukas muli ang pinto,Lumabas si Alexandra doon kaya sumunod na ako at baka ano pa ang mangyari sa akin.Huminto sya sa kulay-kape na pintuan at nag doorbell doon,Bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Abigail na bihis na bihis.

Niyakap ko sya at hinalikan sa cheek.

"Eloise,Alexandra.Na miss ko kayo,bakit ngayon lang kayo?Leh kayo pasok na kayo sa loob.May pupuntahan pa kasi ako kaya maiiwan ko kayo ngayon dito pasinsya na" ngumiti lang kami sakanya saka kami pinatuloy sa loob ng Unit nya.

Hindi ko na alam pero pag kapasok ko sa loob ng unit ay biglang tumayo ang mga balahibo ko,May mga itim-itim na ang bubong.Luma na nga,iba talaga ang pakiramdam ko sa lugar na ito.Kinakabahan ako na Iwan,Nakakapangilabot.

:> <:
:> <:
:> <:
:> <:
:> <:

KFNstories

The 13th Unit is full of Typographical errors and Grammatical errors,This story is work of fiction,not related in reality.

The Names,Place,Characters and many more is just a fiction,If you dont like the story just leave and dont read it baby;)

DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW OKAY I LOVE YOU SANA MAGUSTUAHAN NYO YONG GINAWA KONG STORY. ❤

FOLLOW THE BELLOW:

FB ACCOUNT:
@KA_R_EN

TWITTER ACCOUNT:
@KFNstories

IG ACCOUNT:
@OKarenFaith

The 13th UnitStories to obsess over. Discover now