Your old FB accounts :)


Pupusta ako na namumula na siya sa hiya dahil sa kajejehan niya dati sa Facebook. Suki ba naman siya ng snow, candy camera, at B612 dati dahil sa akin. Naiinis siya kapag naalala niya ang mga dating accounts niya na hindi niya mabuksan. Ang dami raw nakakahiyang memories doon at gusto niya nalang mag laho. Nagpatulong pa nga siya sa akin dati para i-report ang mga accounts niya. Sinuportahan ko naman ang gusto niya pero malas niya lang at hindi talaga nabubura ang mga accounts niya kahit anong report naming dalawa.

Lucas Adriel Gonzales

I want to say bad words :)

At tama nga ako. Siguradong naiinis na naman siya dahil naalala na naman niya ang mga iyon. Hiyang-hiya siya sa mga pictures niya pero ang cute niya kaya doon. Ang inosente tingnan ng batang Adrien. Hindi mo aakalaing manhid na siya ngayon.

Lucas Adriel Gonzales:

But I want copies of those.

Damara De Guzman:

Sabihin mo muna "please master".

Lucas Adriel Gonzales:

Please, master. 🧎

Mahina akong natawa bago nag print ulit para mabigyan ko siya ng kopya. Naabutan pa ako ni Lola habang inaantay na matapos ang piniprint ko. I showed her our photos and she looked so happy as she stared at it. She witnessed how we met and how our friendship grows through the years. She also treats Adi as her grandson. Minsan nga ay mas paborito niya pa si Adi kaysa sa akin.

Kapag nga mag sisimba siya tuwing linggo ay may inuuna niya pa sabihan si Adrien kaysa sa sarili niyang apo.

"Apo," Lola called me. When I looked at her she was smiling brightly at me.

"Why po?" Nagtatakang tanong ko. There was something different in Lola's smile.

"Sigurado ka ba na hindi mo gusto si Adrien?" May bahid ng pang-aasar na tanong niya.

Agad na tumaas ang kilay ko at ramdam ko ang pag protesta ng buong sistema ko. Ako? Hindi gusto si Adrien? Sinong nag sabing hindi?!

"Hindi ko po gusto 'yon. May iba akong crush," pagsisinungaling ko. Sorry po Lola.

I don't like telling lies to my Lola but I'm afraid that Adi will know about my feelings for him. Crush lang naman pero natatakot ako na baka masira ang pagkakaibigan namin kapag nalaman niya. I treasure the friendship that we have and I don't want to ruin it. The thought of losing him as a friend scared me even more than admitting my feelings for him.

I had a crush on him since we became friends during Junior High School. I was always too scared to tell him, constantly worried about what would happen if he found out her true feelings. I had seen a lot of girls trying to date him but he turned them down and because of that I tried stopping my feelings for him.

Pero ang hirap.

Sino ba kasing hindi magkakagusto sa kaniya? Mabait, gentleman, palaging amoy Johnson's baby powder, may pakialam sa acads at higit sa lahat may respeto sa lahat. Mahina pa naman ako pagdating sa lalaking may pakialam sa acads tapos palaging amoy Johnson's baby powder.

In short, kahinaan ko si Adrien.

"Hindi ba math ang kahinaan mo, Damara?" Napangiwi ako nang pitikin niya ako sa noo.

We are here in our favorite place, our escape. Pareho kaming nakasandal sa puno at nakaharap sa ilog. Gustong-gusto namin ang lugar na ito kasi tahimik at sariwa ang hangin. Solo namin ang paligid at ako lang daw ang sumisira sa katahimikan at kapayapaan ng lugar.

Twist of Fateحيث تعيش القصص. اكتشف الآن