SIGN 35: Family Picture

Zacznij od początku
                                    

Pasaway talaga eh no?

Hindi ako nagsalita kasi wala namang lumalabas sa boses ko. Nakakagulat nga lang dahil huminto siya sa harapan ko mismo.

I gasp!

"W-What are you doing?" I stuttered, my eyes got bigger because of what he did next. "I want your picture...now." Sabi niya sabay kinuhanan niya ako ng litrato sa polariod na dala niya pala saka ako hinila patungong elevator.

Nagpatangay ako sa kanya dahil hindi parin nagpr-process ang sinabi niya eh! Is this---WAAAAAAAAA!!! Ewan ko ba kung ano  ang i-rereact ko sa nangyayari ngayon?

"Kung aalis ako at gusto kitang isama, sasama ka ba sa'kin?" Tanong niya out of nowhere pero hindi ko alam ang isasagot! Don't know what to do!?

Okay self--- kalma ka lang, tanong lang naman yun kaya 'wag mong seryosohin ha!

"At bakit naman ako sasama sa'yo? Bakit close ba tayo?" Buti na lang at hindi ako nautal sa naging sagot ko. Naku! Ano ba itong pinagsasabi ko!? Bahala na nga!

Eksaktong pagkasabi ko nun ay bumukas naman ang elevator at hinihila ulit niya ako palabas ng elevator at sa hotel. "Wait up! Bakit ka ba nanghihila ha!?" Sumbat ko sa kanya, ang sakit kasi ng paa ko tapos kung makahila naman ang isang 'to ay parang nagmamadali eh?

"I want to make it up to you, kaya ngayon palang ay mag-sosorry na ako Cindy, dahil sasama ka sa akin...wether you like it or not!" He said while smirking at me, at ako? Nakanganga akong tumingin sa kanya!

Anong nakain nito na para bang wala kaming naging problema noon at kung makahawak sa akin ay parang okay na kami!? What's the meaning of this?!

At ngayon ko lang napansin ang pagiging madaldal niya ha, wow! Isang malaking wow lang!

Agad kaming nakarating sa parking lot kung saan pinarada ni mang Javier sasakyan pero nasa malayo palang ay nakita na niya agad kaming dalawa ni Anton na pilit kong binabawi ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Pwede ba! Bitawan mo ako?! Did you forget what you've done to me years ago!? Kung ikaw nakalimutan mo na yun, pwes ako hindi! Kaya wag mo akong isama sa kalokohan na yan kung saan mo man ako dadalhin, dahil hindi ako sasama sayo! You get it!?" Napasigaw na ako, and I'd get this chance na kumawala sa kanya pagkatapos niyang luwagan ang hawak niya sa pulsuhan ko.

Umiiyak akong tumakbo sa van at bigla naman binuksan ni mang Javier pinto nun. I went inside while my tears won't stop falling from my eyes! Anong akala niya, na pagkatapos nun ay makakalimutan ko na ang lahat ng yun? Hindi! Iyak ako ng iyak sa loob ng van na kahit si mang Javier ay pilit akong pinapatahan at sinasabihang "Okay lang ba ako?" pero hindi ko siya sinasagot dahil patuloy lang ako sa pag-iyak!

Minutes had passed ay kumalma na ako at tumuloy na kani sa mansyon dahil ito naman talaga ang orihinal na nasa plano ko ngayon, ang bumisita sa mga magulang ko.

Pagkarating namin ay agad binuksan ang malaking gate ng mansyon para makapasok lang kami.

I forced to put a smile on my face even though I'm really not okay, pero para sa kanila kahit magsuot ako ng maskara at paulit-ulit kong isuot ang maskara na yan na magpapasaya sa pamilya ko, ay gagawin ko 'wag lang silang mag-alala sa akin.

Lumabas na ako sa sasakyan at pumasok sa mansyon pero naabutan ko pa ang pamangkin kong si Clara sa labas ng pinto kasama ang yaya niya dahil naglalaro silang dalawa. Nakuha ko ang atensyon niya dahil lumingon ito sa gawi ko, "Tita Cindy! Why are you here po?" Tanong niya pagkatapos akong yakapin at halikan sa pisngi.

"Binibisita ko lang kayo kasi ilang linggo o buwan ko na kayong hindi nabibisita dito eh, bakit ayaw mo bang nandito ang beautiful tita mo?" Kunwari ay may tampo effect pang kasama, at hindi siya pinapansin pero dahil sinusundot niya ako tagiliran na malakas ang kiliti ko, ay tumawa na lang ako sa kakulitan niya! My niece Clara Pharell Felipe is the daughter of my brother Clarence and Alpha.

Sign Of Love: (FC Series #2)[COMPLETED]✔️ UneditedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz