"San sya?" salubong ko sa kaibigan ko pagka baba ko palang.
Nasa labas kasi sya. Halatang may problema kasi di mapakali.
"Nako day! kanina ko pa sya kinakausap hindi manlang ako pinansin! ano bang nangyari sa kanya?" sabi nya habang nag lalakad kami papasok.
"Lasing na ba sya?" hindi ko pinansin ang sinabi nya. Kasi kahit ako, di narin mapakali.
"ayun" turo nya.
Lalapitan ko na sana sya ngunit natigilan ako. May babae syang kausap.
Naka hawak sya sa braso ng babae at ang babae naman nasa may hita narin nya nakahawak. Ang lapit lapit narin ng mukha nila.
Yung isang tulak nalang talaga mag hahalikan na sila.
Ngumisi ang babae sa kanya tsaka hinalikan sa labi.
Nanlaki ang mata ko sa nakita. Uminit kaagad ang mukha ko sa galit at inis.
"ay! may kasama na sya? teka! si Lia yun ah! nagbalikan ba sila?"
Diko na sya pinansin, dire diretso ang lakad ko. Hinila ko kaagad ang braso sa babae at tinapon sa likod.
"shit!" rinig kong mura nya. "how dare you!" akmang susugurin nya ko ngunit napigilan na sya ni Angel.
Thank God. Wala akong oras pakipag away sa kanya ngayon.
"halika nga dito!" hinila sya ni Angel papalayo. Palabas sila sa bar. Nang diko na sila makita, saka kolang sya hinarap na ngayon ay nakatitig sakin.
Nilapitan ko sya at pinahiran ang labi gamit ang kamay ko.
Napaawang sya sa ginawa ko. Ramdam na ramdam ko ang paninitig nya sakin.
"why are you here? nag bago naba ang isip mo?" ngumisi sya ngunit kita parin sa kanyang mga mata ang sakit at inis.
Parang may humaplos sa puso ko. Hindi ganito ang gusto ko pero wala kaming magagawa. Hindi talaga kami ang para sa isa't isa.
Pero ang sakit sakit kasi eh! mahal na mahal ko sya pero.. pero...
"hhmmm...?" pinulupot nya ang kanyang braso sakin.
Nasa gitna na ako ng mga paa nya. Pero kahit na kinakabahan, pinag patuloy ko parin ang pag pahid sa kanyang labi na kulang nalang icucut nang saganun ay makasigurado.
"umuwi na tayo.." nagulat ako sa lumabas sa bibig ko. Hindi dapat ganun ang tono, sigaw dapat yun eh!
Tumango sya. Pero di nya ko pinakawalan. Bagkus ay, niyakap nya ko. Yung yakap na hindi ka talaga makakawala.
Parang kinurot ang puso kong isipin na mawawala ako... na iwan ko sya.
Hindi.. diko kakayanin na iwan sya. Iniisip ko palang ang sakit sakit na.
"Lance..." pumiyok ang boses ko pagka tawag sa kanya.
"please.. let me" napapaos nyang pakiusap.
Di dapat ganito eh! hindi dapat pwede kami ganito! sa simula't umpisa palang, alam naming mali to. Alam namin kung san kami lulugar! pero anong nangyari? bat kami napunta sa sitwasyong ganito?
May iba bang paraan para masunod naman yung gusto ng puso namin? kasi kung oo, gagawin ko!
Ang hirap lumaban lalo na ang kalaban mo ay mahal mo din.
"just--just for.. now, please"
Napatingin ako sa kanya. Hindi dahil sa nagmamakaawa sya, hindi dahil naiiyak sya, kundi dahil sa sinabi nya.
Now? anong ibig nyang sabihin?
Kinabahan ako sa aking naiisip. Gusto ko syang tanongin pero walang boses ang lumabas saking bibig.
Nakakatitig lang ako sa ulo nya habang ang kanyang ulo nasa 'king dibdib, nakayakap.
Ilang minuto pa ang lumipas tsaka sya tumayo at nag pahid ng kung ano sa kanyang mata.
I can't help but cry. I love him so much!
"shh..." niyakap nya ulit ako "umuwi na tayo.." tumango ako bilang tugon.
Hinawakan nya ang kamay ko tsaka nya ako hinala palabas.
Bawat hakbang ko, pakiramdam ko may nakadagang mabigat na bagay saking katawan.
Parang ang hirap lumakad. Dagdagan mo pa ang paninikip ng dibdib.
Naiwan ang isip ko sa loob. Kung ano ang mga sinasabi nya sakin kanina.
Kaya siguro saka ko palang napansin na nandito na pala ako saking kwarto.
Pinahiga nya ako sa kama. Nagka titigan kami. Pero iwan ko lang 'bat parang gusto ko nang matulog agad.
Bago ko paman maipikit ang aking mga mata, nakita ko pa syang ngumiti ng mapait at mamula mula nyang mata. Titig na titig sakin. Yung parang nimemorise nya ang bawat parte ng aking mukha.
Yung titig na parang may gustong ipahiwatig pero hindi ko makuha kung ano iyon.
"You know how much I love you.. pero wala akong magagawa dahil hindi ko gustong makita kang nahihirapan-" huling narinig ko bago ako nakatulog.
