one

2 0 0
                                        

Isa itong masayang araw para kay Jung dahil ito na ang matagal nilang inaantay na mangyari.

Ang Kasal

Tama ikakasal na siya sa mismong araw na ito sa babaeng matagal na niyang pinangarap. Sa babaeng matagal na niyang mahal. Si Yurin.

Nakaharap siya ngayon sa isang full length mirror at pinagmamasdan ang buong katauhan niya. Naka tuxedo siya at meron siyang suot na marc anthony expensive watch.

"Jung, oras na!" Yaya ng kanyang kaibigan si Renz. Tinitigan niya muna ito bago tumalima palakad sa pinto kung saan andun ang kaibigan.

"Relax bro, hindi ka bibitayin" sabi nito kasi naramdaman niyang kabado ang kanyang kaibigan. Gumayak na sila ng elevator paakyat ng rooftop garden kung saan gaganapin ang kanilang garden wedding.

Nasa 25th floor sila ng bumukas ang pinto may sumabay sa kanila na isang housekeeping personnel kung saan may dala itong trolly. Ayun sa pisikal na anyo nito nakapuson ang buhok nito sa likod na medyo magulo na sa maghapon na trabaho siguro. Medyo pandak ito sa height nila na 6'1 at 6'2, siguro nasa 5'3-5'4 ata yong babae. Nakasout pa ito ng eye glasses may sira ata ang mata. At speaking of mata namumugto ito sa iyak at namumula. Problemado ata to ni hindi man lang nito pinindot ang close button ng elevator. Nag kusa na lng si Jung na pindutun yun sabay tingin sa babae. Mukhang na habag si Renz at hindi na pigilan tanungin ang dalaga.

"You oke miss?" Tanong nito. Mukhang bumalik sa katinuan ang babae at umayos ng pagkakatayo.

"Opo, sorry po sir!" Sagot nito at tiningnan ang itaas na bahagi kung saan patungo ang elevator.

"Sa rooftop kami!" Nakangiting sabi ni Renz sa kanya. Tumango na lang siya habang pinapahid ng kamay ang mga luha niya.

"Ikaw po ba ang ikakasal?"

"Hindi yong kaibigan ko, ito oh!" Sagot nito at inakbayan pa si Jung.

" Ah, congrats po. Sana all may forever!" Sabi nito at tumulo na naman ang luha nito.

"Here take this!" Sabi ni Renz sabay bigay ng panyo.

"Salamat po hu hu hu !"

"Teka bat ka ba naiyak?" Usisa pa nito.

"Mga lalaki kasi eh, manluluko!" Ngawa nito na parang magkaibigan sila.

"Not all!" Sagot naman ni Jung.

"Oo nga naman, katulad namin hindi kami nag papaiyak ng babae!" Dugtong naman ni Renz.
Hindi sumagot ang babae patuloy lang ito sa pagluha.

"Ibabalik ko na lang po yong panyo niyo!"  Sabay singha ng sipon nito dito.

"Naku wag na!"

"Baka may dahilan kung bakit ka iniwan ng boyfriend mo!" Sabi ni Jung at saka tumunog ang elevator.

"Halos lahat na ibigay ko na anong pang kulang?" Sagot nung babae sa kanya sabya sara ng pintuan ng elevator.

"Weird, kawawa naman siya!" Salita ni Renz kay Jung.

"Hindi natin alam kung anong nangyari!" Sagot naman ni Jung.

"Kung sabagay, mabuti na lang loyal ako!" Sabi ni Renz. Napahinto si Jung ng lakad at hinarap ang kaibigan.

"Sino yong kasama mo sa café nung nakaraan yong babaeng naka pink cardigan? Alam ba ni Amythes ang ginawa mo?"

"Wag kang maingay, hindi ko girlfriend yon!" Depensa nito.

"Kausapin mo ang pagong. Hindi mo ako nakilala kahapon lang!" Nakangiti nitong sagot sa kaibigan.

"Naman Jung !" Ang cute nito pag ganun ang reaksyon ni Renz. Magkaibigan na ang dalawa simula pa nung highschool sila sa isang boys school hanggang sa medical school magkasama sila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LAON AKOWhere stories live. Discover now