"Secret feelings, ft. Hopeless Romantic"

54 2 0
                                        

💚🐑❤️

"Sha, kumpleto ba piyesa mo? Pahiram ng number 214, ipapa-photocopy ko lang."
"Oh cge ito oh, bilisan mo at malapit ng mag alas 5." wika ko kay Rhealyn sabay abot sa hihiramin niyang piyesa. 
They called me 'Sha' 'coz my real name is 'Ayesha'.

May isasagawa nga pala kaming ensayo ngayon. Habang nakaupo at naghihintay ng mga ibang mga kapatid ay agad akong may napansing hindi kilalang pigura ng isang lalaki habang nag-uusap sa mga kapwa ko mang-aawit. Naka suot siya ng puting polo at may hawak na clearbook. Baka lilipat sa Lokal namin?possibly rin. He seems friendly dahil todo ngiti siya habang nakikipag-usap sa mga kapatid. Inilihis ko na lamang ang tingin sa kanila sabay titig sa kisame at binibilang yung mga butiking naglalaro. Char ahashhshs..

"Ako nga pala si Richmon *****, 17 years of age from Lokal ng Puntian. Dito na po pala ako itatala dahil mag-aaral ako diyan sa kabilang bayan. At dito narin kami maninirahan." wika niya sabay ngiti sa amin at umupo na sa upuan. Wew parang Introduce yourself lang sa paaralan ah, bilang transferees rin hahshsh Nice..

Pagkatapos ng aming ensayo ay agad ko namang nakita si Richmon na masayang nakikipag usap sa mga kapwa naming mang-aawit na mga babae at abot hanggang tenga naman ang ngiti at tawa.. char hahshshs
Hindi na lamang ako nakisabay sa kanilang usapan dahil alam ko namang ma O-OP(Out of Place) rin lang ako. At umuwi na lamang ako sa bahay namin-katabi lang nitong compound ng kapilya.
--------------fastforward--------------------

As time goes by, d ko namalayan na nahulog na pala ako sa kanya which is si Richmon. We're not even close at hindi rin kami nagkaroon ng conversations like Hi o Hello man lang.. 𝑠𝑎𝑑 𝑟𝑖𝑔ℎ𝑡? Ewan ko kung ba't ako nagka-𝑐𝑟𝑢𝑠ℎ sa kanya, he even not my type like sa mga asawa kong mga fictional characters na nasa wattpad hahshsha. Simple lang naman sya, Moreno, Matangos ang ilong, Katamtaman lang ang height, ah basta..
MAHIWAGA talaga ang pag-ibig, chaarot.
Friendly nga sya sa ibang mga kapatid pero hindi naman sakin. Baka nga snob ako? Nope, I'm just very(100x) Introvert person.
Sa tuwing may pag-eensayo kami ay hindi ko mapigilang mapatingin sa kanilang gawi habang masayang nakikipag-usap sa mga kapatid na halatang may mga gusto sa kanya. Mapait akong napangiti sabay sabi saking sarili na "𝑠𝑎𝑛𝑎𝑜𝑙" hahaha at umupo nalang akong mag-isa sa unahan habang naghihintay simulan ang pag-eensayo.
-----------------------------------------
"Ready na ba ang ticket Mahal?" wika ng aking Ama sa aking Ina.
"Oo, nandito na lahat sa bag."

Sooo.. this is it huh? Goodbye Bukidnon and Welcome Cebu na ba? D ko mapigilang malungkot. 𝐼 𝑤𝑖𝑙𝑙 𝑚𝑖𝑠𝑠 ℎ𝑖𝑚. 
Sa Cebu na kami maninirahan at mag-aaral ng aking mga kapatid dahil doon na magtatrabaho ang aking Ama bilang Welder sa EEI Corporation.
-------------1 year later--------------------------
Welcome back Bukidnon!!!!!!

Dali-dali naman akong pumasok sa Kapilya dahil na e-excite ako na ewan hahshs.. May ensayo kami ngayon at balik tupad na naman dito. Pagkapasok na pagkapasok ko sa may pintuan ay agad akong natigilan dahil sa sinong aking nakita. Sa pag-aakalang lumipat na sila ng Lokal pero hindi parin pala.

"Hi Sha"
"He-llo..Ahm Hello" nauutal ko pang ani sa kanya dahil ngayon lang niya ako kinausap!
"Kamusta? Hindi ka man lang nagpaalam sakin na umalis ka pala noon" huh? Di nya alam? Ah baka alam niya pero nag maang-maangan lang... Ah baka nga..
"Akala ko alam mo narin" 𝑏𝑎'𝑡 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑎𝑘𝑜 𝑚𝑎𝑔𝑝𝑎𝑝𝑎𝑎𝑙𝑎𝑚 𝑠𝑎𝑦𝑜? 𝑑 𝑛𝑔𝑎 𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑛𝑎𝑔 𝑢𝑢𝑠𝑎𝑝 𝑜 𝑛𝑎𝑔𝑝𝑎𝑝𝑎𝑛𝑠𝑖𝑛𝑎𝑛. Yan sana ang gusto kong sabihin pero d ko magawa..lol hshshs.
"Una nako dun sa loob"dagdag ko pang wika sabay lakad ng mabilis patungo sa pinakaunang upuan. Pinagpawisan ako na nilalamig at ang bilis rin ng tibok ng aking dibdib. May crush parin ako sa kanya?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"Secret feelings, ft. Hopeless Romantic"Stories to obsess over. Discover now