Sana

8 1 0
                                        

Posible pa lang hilingin ko na...

Sana hindi na lang kita nakilala

Posible pa lang kamuhian mo yung taong minahal mo ng husto

'Yong tipong siya na lang ang gustong makita ng mga mata mo...

At posible din palang masaktan ko sya ng hindi sinasadya

Gusto kong tumakas, gusto kong makalimot, gusto kong iwanan ka

Gusto ko na lang masaktan ng todo para hindi na muling uulit pa

Lumayo ako, nag-isip at minahal kong muli ang sarili ko

Natutunang kong kailangan ko munang mahalin ang sarili ko

Dahil pag nawala ka, mawawala ko rin ang sarili ko

Dapat matatag na ulit, hindi 'yong ilalahad mo lang sa akin ang 'yong mga mata, magigiba na ulit ang tinayong pader sa pagitan natin

Dahil nung nakilala kita, nung sinabi ko sa'yong mahal na kita

Naubos ang lahat ng dapat ay sa akin, ni hindi ko nagawang magtira kasi mas inuna pa kita

Hinayaan kita sa lahat ng gusto mo, sa lahat ng gusto mong mangyari

Pero ngayong bumalik na ako, pwede ba makisama ka?

Kasi wala nang mapagsidlan ang saya at tuwa ng puso ko

Kontento na ito kung anong mayroon ako ngayon

Pero, bakit?

Bakit kailangan mong magpakitang muli?

Sana hindi ka na lang bumalik...
Kasi hanggang ngayon, ang sakit sakit

Bakit, ha? Ako na ba ulit kasi iniwan ka na?

Iniwan ka na kaya naririto ka, inaabangan mong masira ang mga ginawa kong pader para hindi mo na maabot pa

Alam mo...
Sana natuturuan ang puso

Sana madaling lagpasan lahat ng sakit na dinulot mo

Sana hindi tayo tanga kapag nagmamahal tayo, para hindi masakit kapag nawala na

Ang yabang mo e, iba ka!

Ngayon, ang mga tingin mo'y may ipinapahiwatig

Pangalawang pagkakataon ba ang iyong hiling?

Nagpapatawa ka, alam mong bibigay ako kaya gan'yan ka

Pero nagkakamali ka... natuto na ako,

Hindi ka nababagay bigyan ng pagkakataon pa

Sana nagawa kitang pahalagahan dati

Sana noon ko pa lang narealize kung ano ka sakin.

Sana nagawa kitang ipagmalaki dati

Sana ako pa din ang mahal mo

Sorry pero ayoko na, tama na

Hindi ka deserving ng second chance.
Sana nga hindi ka na nagpakita sakin

Sana hindi ako nasasaktan ng ganito

Dahil letse! Mahal pa rin kita, pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil ayaw ko na, pagod na ko. Mahal na mahal kita pero hindi ko na kaya.

Madami pang dadating na iba
Pero bakit ganon?

Lahat ng gusto ko hindi pwede

Sana mas nauna nya kong nakilala

Sana makita kita

Sana mayakap at mahalikan kita

Sana ako lang ang mahal mo

Sana kilala mo ko

Masaya ko sa tuwing nagre reply ka sa mga message ko

Masaya ko sa lahat ng ginagawa ko

Kaya kong mag hintay para sayo
Nandito lang ako sa tabi mo

Alam kong priority mo yang pangarap mo

Hindi kita pipigilan, susuportan kita sa lahat ng gusto mo

Sa ngayon kuntento na ko dahil alam ko dadating yung araw na makikilala mo ko.

Dahil alam ko pagkatapos mong abutin ang pangarap mo ako naman ang aabutin mo.

‎Alam kong mamahalin mo din ako

Na hihilingin mo na

Sana matapos na agad ako

Sana mas maaga kang dumating

Sana hindi ka nasaktan dati

Sana tayong dalawa na talaga

Sana Sana Sana

Ako ang tutupad ng lahat ng sana mo.

Poems Where stories live. Discover now