"Yung kamay ko. Hinalikan mo ang kamay ko." seryosong sabi nito.. What? Kamay? Bakit kamay lang? Choss..










"Totoo ba???" di makapaniwalang tanong ko dito.









"Oh? Bakit parang nadisappoint ka? Or may ibang parte pa ng katawan ko ang gusto mong halikan?" pang iinis nito kaya inirapan ko na naman ito..










"Ang gwapo talaga ng boss ko!!! Pwede bang hintayin mo akong magbihis para sabay na tayong pumasok?" biglang hirit ko dito. Try ko lang kung mabubudol ko ito ngayong umaga.











"Ang bait naman! Sige na, magbihis ka na, i-locked mo na lang yung bahay ha! Bye." sabi nito sabay lakad paalis.. Kita mo yan!!! Ayaw talaga akong isabay !!!! bwisit!!











"Ang damot mo!!!!" habol na sigaw ko dito..















"Maligo ka na! May mapa ng laway yung gilid ng pisngi mo!" sigaw nito mula sa labas kaya mabilis kong chineck ang pisngi ko.. wala naman!!! Aaaarghh...









"Para sabihin ko sayo Ken Chan, magtotoothbrush ako 100 times dahil sa paghalik ko sa napakadumi at makasalanan mong kamay!! Eeeeewwww!!" napansin kong natawa ito bago niya isara ang bintana ng kotse niya at nagsimula ng umalis...































9am ng makapasok ako sa office. Yes, late ako ng 30 minutes. Hindi ko na nga nagawang kumain pa ng breakfast dahil hinahabol ko ang oras. Pagdating ko sa office ay busy na ang lahat ng team ko. Kanya-kanyang monitor na ang kaharap nila at eto ako, papaupo palang sa upuan ko..










"Maaga pa para bukas RitaDoooooo..." pang-iinis ni Iza.







"Napuyat ako dahil sa project na yan! Juskoooo, iniisip ko palang na dapat matapos natin yan ng 1month ay naiiyak na ako. Sa tingin niyo, kaya ba natin?" tanong ko sa kanila at sabay-sabay naman silang tumango.






"Wow hah! Lakas ng fighting spirits niyo! Sana ako din!"  Lumapit si Camille sa akin at may inilapag na isang pirasong bond paper sa harap ko. Mukha itong printed email. Mabilis ko itong binasa.





"1 month and 14 days? Dinagdagan niya ng 14 days? Wow hah! Laking tulong nun!" sarcastic na sabi ko sabay lapag ng papel sa desk ko.. Nag email pala si Ken kaninang umaga na dinagdagan niya ng 14 days ang deadline.








"Okay na yun! Nagtataka nga kami kung bakit niya dinagdagan. Siguro sinuhulan mo si Sir Ken no?" tanong nito sa akin at umirap ako.





"Bakit ko naman siya susuhulan hah? Close ba kami?"








"Oo nga pala. Mas close parin kayo ni Oli.."










Napa-snap ako ng fingers ko ng marinig ko ang pangalan ni Oliver.











"Speaking of Oliver, ilang araw na siyang hindi pumapasok ano? Diba PR Supervisor parin naman siya dito? May position parin siya sa kumpanya pero hindi tulad ng dati.."







"Baka nagbakasyon muna?"









"Haaays. Miss ko na Oli ko." kinikilig na sabi ko..









My Perfect DisasterWhere stories live. Discover now