Hintayan Sa Dulo Ng Bahaghari

32 2 1
                                        

"I'm a survivor of hell week!" Sigaw ko pagkalabas ko sa gate ng school. Sa wakas at Semestral break na den! Ang dami munang pahirap bago ang 3 linggong pahinga ah! Masyadong sinulit yung gawain bago kami magpahinga, pero buti na lang nandyan yung childhood bestfriend ko tyaka study buddy ko. Si Ron, cold lang siyang tignan na tao pero pag nakilala mo yan for sure makikita mo pagiging galawgaw niyan tyaka kabaliwan.
"Ang ingay ingay mo Ben!" Sermon saken ni tandang Ron sabay batok saken. Sakit non ahh!!

Pagdati saming dalawa ako yung extrovert, hindi po talaga ako nahihiyang mag-ingay sa kalsada. HEHEHEHEHE. Kahit si Ron di niya mapigilan kadaldalan ko at kaingayan ko. By the way I am Benedict Rosario nga pala! Grade 10 student pero isip elementary, HEHEHEHEHE. Kilala rin ako bilang active na student leader sa school namen. Bida-bida kase ako masyado ehh. HAHAHAHAHA. Then yung kaibigan ko ayun si Ron, Calixtron Mercado, ayaw niya sa Calix masyado daw kaseng sosyal pakinggan kaya Ron na lang daw. Math wizard and campus crush yang isa na yan. Like everytime na naglalakad kami lagi na lang may nagtatawag sa pangalan niya sabay tili, di ako naiinggit sadyang naiirita lang ako sa tili ng iba.

Mag-amiga yung mga nanay namin kaya ayun naging childhood bestfriend kami. Marami kaming pagkakaiba niyan for example, siya introvert ako extrovert, ako English ang kalakasan siya Math, siya puro anime ako naman puro kpop. Kaya ayun halos marami kaming pagkakaiba pero magkasundo naman kami.

~*~

"Pards! anong tinitignan mo diyan? Ikaw ahh! Babae yan noh?" Tanong niya sakin.
"Di ah! Ang ganda lang ng mural kase dun kaya napatigil ako saglit." Sagot ko sa kanya sabay lapit na sa kanya.
"Mural mural! Wag ka na magpalusot!" pang-aasar niya sakin.
"Oy! Wag mo ko igaya sayo, halos kada ligar na lalakaran naten may biglang magtatawag sayo sabay tili. Napaka babaero mo talaga. HAHAHAHA" bawi kong pang-asar sa kanya, bigla namang aambang mangongotong si Ron kaya tumakbo na ako agad. HAHAHAHAHA.
Paliko na kami sa street namin ng bigla kong naisip na iprank siya.

"Pards, may tanong ako sayo." Sabi ko sa kanya, sabay sagot naman siya ng ano.
"Anong gagawin mo pag nalaman mong bakla ako pards?" Tanong ko sa kanya na bigla naman siyang nagulat at napahinto sa paglakad.
"Sabi ko na nga ba pards eh! Tanggap ka namin basta wag mo lang ako hipuan. HAHAHAHA." sabi niya na may halong pang-aasar.
"Pards, I love you pards!" Sabi ko sa kanya kaya biglang napablangko ang mukha niya na naging dahilan kaya napatawa ako. HAHAHAHAHA kabado.

Isang malakas na kotong ang natanggap ko galing sa kanya.
"Langya ka! kinabahan ako sayo ba't bigla mo kaseng nilalapit mukha mo kanina akala ko tuloy kung ano na! Bwiset ka bahala ka sa buhay mo pards!" Sabi niya sakin na may halong pikon. HAHAHAHA.

Nandito na rin kami sa street namin at nagkahiwalay na kami ng daan.

~*~

So dahil malapit na ang Christmas nagstart na kami mamili ng mga pang-regalo tyaka mga gagamitin namin sa Outreach Program ng organization namin. Niyaya ko na si Ron sa pamimili kahit hindi namin siya ka-org. nababagot na rin naman daw kase siya kaya gusto niya lumabas

Kami na lang ni Ron ang naiwan dahil naghatian na kami ng gawain at dadalhin sa may Quiapo palang. Then ito namang isa sabi niya may gusto daw siyang bilhin na damit kaya ayun natagalan kami dito sa Quiapo.

"Pards!" Sigaw ni Ron na bumasag sa pagkatulala ko sa kalsada.
"Bagay ba?"  Tanong niya sakin sabay harap sakin.
Hindi ko alam kung anong nangyayari na sakin. B-ba't parang ang bilis ng tibok ng puso ko? Di naman ako nagkape ah, ba't para akong nabablangko na kinakabahan, ba't para akong kinikilig?
"Uy Pards! Bagay ba sakin?" Tanong ni Ron sakin na bumasag sa pagkatulala ko.
"H-huh? Oo bagay sayo" utal-utal na sagot ko sa kanya.
"Ba't ka namumula? naiinitan ka ba? di ka makahinga?" sunod-sunod na tanong sakin ni Ron. Umiling na lang ako.

Agad namang nagyaya nang umuwi si Ron pagkatapos namin bumili ng damit niya.

~*~

Mag-iisang linggo na since start na iniiwasan ko si Ron, di na muna ako nagpapakita sa kanya baka sa ganto magbago yung nararamdaman ko sa kanya. Halos tadtad na ko ng chat niya pati missed calls.

"Nak! Andito si Ron! Paaakyatin ko na lang siya diyan ah!" Halaaaa!! Anong ginagawa niya dito? Halaa!! Kalma! Wag ka magpanic!
"Kahit huwag na ma! Bababa na lang ako diyan!" Sigaw ko kay mama. agad naman akong bumaba, syempre nag-ayos na din ako. HAHAHAHAHA.

Pagkababa ko ay agad kong niyaya si Ron na maglakad lakad sa labas para doon na kami mag-usap.

"Bakit mo ko di kinakausap? di ka na nagpaparamdam, may problema ba tayo?" Magkasunod na tanong sakin ni Ron.
"Oo! Meron!" Pasigaw na sagot ko sa kaniya. Kumunot naman noo niya at nagsalubong na ang kilay.
"Ano yun? Anong problema natin?" Pasigaw na tanong ni Ron.
"Ang problema ay nagugustuhan na kita! Oo Calixtron! Ikaw! Di ko--" Napatigil ako ng bigla akong niyakap ni Ron.
"Nagugustuhan narin naman kita pero di ako nagalit." Sabi ni Ron sabay tawa.

Nakangisi siyang nakaharap sakin sabay hawak sa kamay ko.
"I love you Benedict Rosario." sambit niya habang hawak ang kamay ko.
"I love you too Calixtron Mercado." sagot ko sa kanya. Pagpasensyahan niyo na po ang karupukan ko. HUHUU!! di ko kinaya ehh kaya napa-I love you too ako. HEHEHEHE.

~*~

Parang kahapon lang nangyari yun oh! Di ko namalayan na umabot pa kami ng isang taon.
"Happy Anniversary lab!" Bati sakin ni Ron.
"Happy Anniversary den lab!"
"Parang dati lang pards tawagan natin, ngayon lab na. HAHAHAHA" sambit ni Ron.
Parehas na kaming nasa grade 11, HUMSS ang strand ko then siya STEM naman, gusto niya daw kase mag-engineer para may jowa daw akong engineer. HAHAHAHA.

~*~

Masyado talagang ma-effort jowa ko. May pa dinner date. Haysst! Sabi kong wag na masyado gumastos pero sabi niya 1st Anniversary daw namin to kaya kailangan enggrande.

Malapit na kami sa restaurant na nireserve-an ni Ron nang biglang nasilaw ako sa malakas na ilaw ng sasakyan sa harapan namin naramdaman ko na lang pagbangga ng taxi na sinasakyan ko at ang pagkabagog ng ulo ko. Nararamdaman ko ang pagdala sakin sa ambulansya pero hindi ko na kaya pang makilos ang katawan ko, tanging mata at bibig na lang ang kaya kong magalaw. Nararamdaman ko ang kamay ni Ron habang itinatakbo na ko sa loob ng ospital. "Pangako ko! Sa susunod nating buhay hahanapin kita at muling mamahalin ano man ang mangyari." Ayan na lang ang mga huling salita na nasabi ko sa kanya bago tuluyang dumilim ang paningin ko.  Patawad at paalam na Ron. Mahal na mahal kita.

Hintayan Sa Dulo Ng Bahaghari (BL ONE SHOT STORY)Stories to obsess over. Discover now