CHAPTER FOURTEEN

Comincia dall'inizio
                                    

Napatingin ako sa kaniya at hindi ako naniniwalang bioang kaibigan lang. Kakasabi niya lang kanina ng lahat-lahat tapos bilang kaibigan.

Pero masyadong nang masakit ang katawan ko para makipagtalo pa.

Humiga ako at inalalayan naman ako ni Draco at kinumutan pa ako.

"Huwag mo rin sasabihin kay Lucas, baka mag-alala pa."

"Hindi talaga, dahil pupunta pa siya rito.."

"Ayaw ko ring mag-alala siya sa akin"

"Iniisip mo ang pakiramdam ng iba tapos ako hindi.."

"Dapat ko bang alalahanin ang nararamdaman mo?"

"Oo kasi....kasi....dapat" sabi niya at tumayo na.

Akala ko ay aalis siya o matutulog siya sa maliit na sofa dito. Pero umikot siya at hinawakan ang kumot bago tumabi sa akin. Hinawakan niya ba ang ulo ko bago pinag-unan ang braso niya.

Niyakap niya ako sa bewang at pumikit.

"H-Hoy! Doon ka, bakit ka tumatabi sa akin?"

"Hmm...para namang wala pang nangyayari sa atin na mas higit pa dito. Come on Serenity, pagod ka at pagod na din ako. Syempre nakipaglaban pa ako kaya pagod ang knight in shining abs at face mo. Matulog na tayo..."

"Hambog, hindi ko naman din kasalanan kung bakit ka napaaway.."

"Shh...shh...tulog na"

Tumahimik nalang ako at hinayaan siya. Para ngang wala pang nangyayari sa amin ng mas higit pa dito nga.

Ang dami naming dalawang pinag-uusapan kanina lang. Na dapat ko siyang iwasan pero eto kami. Kayakap niya ako at parang walang hindi magandang nangyari kanina lang. Nagkakasagutan kami kanina pero heto kami, tahimik na magkasamang nakahiga sa kama.

Iniiwasan ko na rin ang sarili dahil unti-unting may nabubuo sa puso ko na kinatatakutan ko dahil baka masaktan lang ako sa huli.

May mga manliligaw naman ako pero hindi ko naramdaman ang ganito. Ngayon palang at kay Draco pa.

Ano kaya magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang may anak kami. Siguradong magagalit siya at magagalit din ako sa kaniya. Magkagalitan na kami sa isa't-isa, pero hindi niya mahihiwalay ang anak ko sa akin.

Kahit na gusto o ano ko siya, hindi ko ipagpapalit ang anak ko. Mahal ko ang anak ko at siya ang unang lalaking minahal ko.

"Sleep na...." Napatingin ako kay Draco na nakapikit parin. Nagsalita kasi siya o nagsalita siya habang tulog. Hindi na ako nagulat ng dumilat siya. Pero ang kinagulat ko ay bigla niya akong hinalikan.

"Hindi mo naman kasi sinasabi na kailangan mo ng goodnight kiss.."

Bahagya ko siyang siniko. Etong lalaking to.

"Sige na, sige na. Tulog ka na. Ilang oras nalang at umaga na..." sabi niya at pumikit na ulit.

Napatingin ako sa kisame. Minsan ay gusto kong matulog sa labas dahil gusto kong magstar gazing pero sakitin naman ako. Matagal tuloy akong makatulog kasi may katabi ako.

Nabigla ako ng umupo si Draco at medyo pinatalikod ako. Ngayon ay nakatagilid ako. Nakatalikod ako kay Draco.

"Anong ginagawa mo?"

"Para makatulog ka.."

"Huh?"

Nabigla ako ng dumampi ang kamay niya sa likod ko at ilang segundo lang ay nagsimula na siyang magkamot sa likod ko pero hindi ganuung kadiin.

Ganito ko pinapatulog ang anak ko. Hindi ko alam kung bakit pero nakakatulog sila kapag ganuun. At ngayon na ginagawa ni Draco ito sa akin ay ganito pala ang pakiramdam. Nakakaantok yun.

Nararamdaman kong bumibigat ang talukap ng mata ko at talagang inaantok na ako.

Naramdaman konpang hinalikan ako ni Draco sa gilid ng noo ko bago magsalita.

"Goodnight, Serenity..."

....

...

Nagising ako sa amoy ng bawang na ginigisa. Dahan-dahang umupo ako at medyo ok na yung sinuntok ako sa sikmura pero masakit ang ulo ko.

Dahan-dahan kong kinuha ang cellphone ko at 10:00 na pala.

Dahan-dahan lang ang bawat galaw ko dahil baka matumba ako. Masakit ang ulo ko, sobra. Parang ngayon konlang naramdaman ang pagkasuntok sa pisnge ko at nang mauntog ang ulo ko sa semento.

Napakunot ang noo ko ng makita ko si Draco na nakatopless at nakaapron.

Kailan ako nagkaroon ng apron?

Naramdaman niya siguro na may taong nakatingin sa likod niya kaya humarap siya at nang makita ako ay ngumiti ito.

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil ito ang bungad sa akin ng umaga. Hindi ko maiwasang isipin na kapag mag-asawa kami ay ganito lagi ang bubungad sa akin sa umaga.

"Morning! Pinagluto kita. Nagising kanina ako ng mga 7 kaya nagsaing ako. Pero tulog ka pa kaya nagkape nalang ako. Lumabas ako kanina para bumili ng mga ulam. Pinainit ko nalang ang kanin. Nagluluto ako ng ulam. Kumakain ka naman ng adobo diba?"

"Sino naman ang taong hindi kakain ng adobo. Unless kung marte ito..."

"Sabi ko nga..."

Sabi niya at pinapatuloy ang pagluto.

Pumunta muna ako sa CR para maghilamos at magtoothbrush. Napatingin ako sa salamin at napakunot sa namumula at may kunting violet sa pisnge ko. Hinawakan ko yun at medyo napangiwi ako. Mabuti nalang at hindi nagkasugat at talagang babalikan ko yung lalaking yun at talagang mapapatay ko.

Nang matapos na akong magtoothbrush ay talagang nagtagal pa ako sa paghilamos. Masakit kasi sa pisnge.

Nang makalabas na ako ay saktong naghahain na si Draco. Nakasandok na siya ng kanin at nakahanda na ang juice at kutsara. Ang ulam na nalang ang hinihintay.

Umupo sa upuan at napatingin sa kaniya. Naka-apron parin siya. Siguro binili niya na.

Inalis niya na nag apron at sinabit sa may sabitan na ginawa niya pa yata dahil ngayon ko lang nakita yun.

"Alam mo, ang swerte ng mapapangasawa mo. Marunong kang magluto.."

"Talagang swerte siya kaya sikapin mong maging asawa ako.." sabi niya at humarap sa akin at sumandal sa lababo.

Pinagmamalaki niya pa sa akin ang katawan niya.

"Hmm....gusto ko sa lalaking marunong magluto dahil hanggang itlog at hotdog lang ang kayang kong lutuin. Hmmm...mabuti na lang din at marunong magluto si Lucas..."

Nakita ko ang pagsalubong ng kilay niya.

Umayos siya ng tayo at tinignan ang niluluto niya at hinalo bago tinignan ako.

"Marunong siyang magluto..."

"Oo, nakatikim na ako ng niluto niya..."

Yun yung nagbirthday ako tapos may dala siyang niluto niyang kaldereta. Talagang masarap.

"Mas magaling akong magluto sa kaniya.." sabi niya at finlex pa ang muscle niya sa braso...." at mas hot pa"

Natatawang napailing nalang ako sa kaniya. Wala na siyang nagagawa sa buhay kundi buwisitin ako at guluhin ang puso't isipan ko.

....

....

Lost and Found Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora