Pagpapakilala

6 1 0
                                        

Oy, kumusta kayo? Ako nga pala si Yael

Isa akong taong may hilig sa pluma't papel

At hindi man ako kilala sa gan'tong lebel

Ipahahayag ko lang ang nasa aking kwartel


Ito ay koleksyon ng mga tulang naisulat

Mga kwento na kung saan ako ay namulat

Mga pangyayaring napatanto nang kagyat

Aking inipon, para sa inyong lahat


'Di na pahahabain ang panimula

Ang makilala ako'y 'di mahalaga

'Pagka't mas mahalagang ito'y mabasa

Saka magpasalamat 'pag tapos ka na

Mga Tulang NaisulatStories to obsess over. Discover now