Chapter 1

144 4 2
                                    

Sa apat na sulok ng aking kwarto٫ katahimikan ang syang namumuo. Ang dating ikaw at ako ay bigla nalang nag laho. Tanging iniwan nalang ay ang salitang ako.

Paanong nasisira ng ganito ang relasyong iniingatan ko. Ang relasyon na kung saan inalay ko ang buong buhay ko. Ngayon mag isa kong iniisip ang ating mga ala-ala. Hindi ko mapigilan ang mga tumatakbo sa aking isipan ٫pagkat di ko parin lubusan maintindihan ano nga ba ang dahilan para akoy iyong iwan.

Saan ako nag kulang?

Hindi pa ba ako sapat?

Hindi ba ako karapat dapat para sayo?

It's been a week since nag break up kami ni Carl. Malapit na sana ang 3rd anniversary namin pero iniwan ako ng gago. At ang masaklap pa sya pa itong nakipag break sakin. Ang sakit diba! Subrang sakit.

So when I'm all choked up
But I can't find the words
Every time we say goodbye
Baby, it hurts
When the sun goes down
And the band won't play
I'll always remember us this way

"Hoy gurl nagmumukmuk kana naman dito sa room mo di kapa naka ligo. Yucks!"

Yan ang bestfriend kong si Che to the rescue sa lahat ng bagay at saksi sa pagmamahalan namin ni Carl.

"Che parang gusto ko ng mamatay. Di ko na kaya to! Subrang nasasaktan na ako."

"E tanga ka pala~

"Alam ko! Matagal na. "

"Buti naman! hay nako Dex move on gurl marami pang lalaki dyan. Di mo deserve ang katulad nyang gago."

"Che٫ Bakit ganun sya. Lahat binigay ko na sa kanya pero nagawa nya parin akong iwan."

"Lahat? Hello gurl di lahat noh!Remember nakipag break up sya sayo dahil ayaw mong ibigay ang gusto nya."

"Sana binigay ko nalang para di nya ako iniwan."

"Tanga kaba Dexie! Kanina kapa! Gusto mo untog ko ang ulo mo sa pader para lumabas na ang masamang ispirito dulot ng walang hiya mong ex. Nang gigil na ako sayo."

"Sige untog mo nalang para mamatay nalang ako saka wala na akong iisipin kasi napapagod na ako."

"Sino ba nag sabi sayo na mag isip ka! Hay nako gurl kung ako sayo mag bihis ka nalang at samahan mo ako manuod tayo ng Concert ."

"Ikaw nalang gurl wala akong gana lumabas ng Condo."

"Dexie ano ba! habang buhay ka nalang ba ganyan"

"Di ko alam. Ikaw nalang manuod ng Concert enjoy nalang gurl."

Sabay higa ko ng kama at nag takip ng Comforter.

"Hindi pwedi dapat sumama ka sakin. Sayang naman ang nabili kong ticket kung di ka sasama."

"Di ko naman sinabi sayo na bilhan mo ako ng ticket. Pabayaan mo nalang ako dito."

"Hay nako Dex sa tingin ko kailangan mo ng mag patawad٫ hindi para sa kanya kondi para sa sarili mo. Kasi hangga't hindi kapa nagpapatawad andon kalang sa past٫ sa part ng buhay mo na masakit. Isipin mo umiikot yong mundo٫ tapos ikaw asan ka! Andyan parin nag mumuk-muk na parang tanga walang ng ginawa kondi isipin ang gagong ex mo. Dexie wake up! you must move on. Nandito lang ako para pasayahin ka. kaya bumangon kana jan at mag shower na. Ilang oras nalang mag sisimula na ang concert."

Sabay hatak nya sakin.

"Che ano ba! Sinabi ng ayoko."

"NO!"

"Che ang kulit mo talaga."

"Kukulitin talaga kita٫ Dalian mo na gurl mag shower kana"

Grabe subrang mapilit talaga ang babaeng to! No choice ako tumayo nalang ako para mag shower

"Bilisan mo gurl para my oras pa tayo mag make over."

"Dami mong aalam. Dinadamay mo na naman ako sa mga kaartihan mo."

"Wag kana mag reklamo maligo kana kasi daliiii."

"oo na! ang kulit mo."

Pumasok ko sa CR at nag shower٫ after ko mag shower lumabas ako ng CR.

"Gurl dali itong suotin mo٫ bagay to sayo daliii."

"Tanga ka din ka noh! Pinipilit mo ako mag move on pero yang damit na yan binili sakin ni Carl dati papagamit mo pa sakin."

*pak*

araaaay! sakit ng hampas nya.

"Che ano ba! masakit yon ah!"

"talaga lang ha! masasaktan ka talaga sakin pag di mo tinapon ang lahat ng bagay na galing kay Carl. Gurl٫ dapat kalimutan mo na sya. Burahin mo na sya sa bahay mo. One week na ang naka lipas di manlang nagparamdam sayo. Hello baka my iba na yon٫ kaya kung ako sayo tapon mo na yan yang yan lahat ng mga binigay nya sayong basura. Hay nako! nasira tuloy make up ko sayo."

Ayon hiningal sa kaka sermon sakin. Di ko alam kung matawa ba ako or ma inis sa kanya.

"So tapos kana sa kaka sermon sakin٫ pwedi na ba ako magbihis."

"Basta sinasabi ko sayo tapon mo yan."

"Oo na! pag my time ako tapon ko yan"

"Anong pag my time! dapat itapon mo na! as in now na!"

"Sige kung yan ang gusto mo tapon ko nalang lahat. ikaw nalang manuod ng Concert mo."

Napatakip ito ng bibig nya.

Baliw talaga itong best friend ko.

"Oops sorry gurl hehe nakalimot na ako my pupuntahan pala tayo hehe"

Di ko nalang sya pinansin nagbihis nalang ako. Nag suot ako ng Jeans at naka T-shirt saka converse shoes . Naglagay ng konting lipstick saka perfume then ready to go na. My sling bag din ako para lagyan ko ng Phone ko.

"Gurl im ready٫ lets go!"

"Nge! ba't yan ang suot mo? San ang punta mo sa palengke?"

"Haha natawa naman ako sayo. Shempre sa Concert٫ wag ka nga OA."

"Ang badoy mo naman pumorma kaya iniwan ka!"

"Anong sabi mo ulit? paki lakasan nga."

"Wala! nevermind. Hays bukas ipag shopping kita ng dress para naman my maganda kang masuot."

"Wag na! kontento na ako kung anong meron ako. Wag kana mag aksaya ng pera mo. Palibhasa ang yaman mo kaya gasto kalang ng gastos."

"Shut up please. Okay lets go na. Baka saan naman humatong ang usapang ito."

Di na ako sumagot. Lumabas nalang kami ng Condo saka tumongo sa Carpark.

And Yes my sarili na akong Condo shempre Pinapili nila ako ni Papa at Mama٫ Condo or Car shempre practical ako kaya Condo na ang pinili ko. Atleast ito lifetime ang Car na yan saka na pag my trabaho na ako. Sa ngayon palamunin lang ako ng pamilya ko hehe walang mahanap na trabaho tinatamad pa. Pinapadalhan lang nila ako ng allowance every month pero pinapadaan muna kay kuya. Nasa Canada kasi ang Parents ko at pareho silang Nurse doon.

Ako nga pala is Dexie Briones٫ 29 Years old at single. Iniwan sa ere ng walang hiyang boyfriend ko dahil di ako nakipag iyutan sa kanya. Gago lang diba!Anong akala nya sakin ASO na pwedi nya ng kantotin! kahit matagal na kami di ko parin sinusuko ang bandera ko٫sana nirespeto nya ako pero gago nakipag break. Hay nako! KARMAHIN KA SANANG HAYUP KA!!!

*xoxo*
CrisLee

My Tender  Juicy BoyfriendWhere stories live. Discover now