36. There's always a Thunder when there's a rain

Start from the beginning
                                    

"Mr. Salvador maayos ka nang sumama sa kanila, wala ka na ba talagang kahihiyan??" ang payo ng matandang babae at saka agad tumalikod.


pinusasan na ang isa niyang kamay, "Granny -teka -Granny maawa kayo -" nasa isip niya kung paano na ang kanyang anak at si Cassandra, pag nakulong siya ay mas lalong hindi na niya makikita ang mga ito.


Bigla na lang ang pagpalag niya, "AAAAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYY!" sigaw ng matanda nang binigwasan ng lalaki ang isang pulis na pilit pumuposas sa kanya,


"TABI-TABI!!" Kung ayaw mong madamay,


Nakatutok ang baril, papalit-palit sa pulis ,sa matanda, sa pulis, sa matanda sa mga nagtatangkang lalapit.


"Mr. Salvador hindi makakatulong ang ginagawa mo, ibaba mo na yang baril,"

"TABI... TUMABI KAYO SABI E, wala akong masamang gagawin," napipe bigla ang matanda dahil sa kanya na nakatutok ang baril


"Granny, ginagalang ko po kayo, mahal ko si Case, ang mag-ina ko," umiiyak ang may hawak ng baril, hindi naman makagalaw ang mga pulis dahil sa pangambang baka biglang iputok ang hawak na baril.


"WAG KAYONG SUSUNOD!! MAGPAPAPUTOK AKO," papasok si Miko sa loob ng hospital,


"AAAAAYYYY!!" at nagtitilian naman ang makakapansin sa kanya, mabilis ang kanyang kilos, naghahanap ng kung ano.


Wala nang sumusunod sa paligid nang napahinto siya dahil sa nakita sa harap ng salaming bintana,


Nursery room, maraming mga sanggol, nasaan na ang kanyang anak? parang magkakamukha ang mga baby, "asan nang baby ko," binasa niyang mga pangalan, napahinto siya sa isang sanggol na mahimbing ang tulog, Cherryline M. Ang sanggol malago ang buhok nito. Napahagulgol ng iyak si Mikko, halos nakadikit na ang mukha niya sa salamin,


"k-kamukha niyang mama niya,

buti na lang malusog ka, Cherryline.. iyan bang pangalang binigay sayo ng mama mo.

Anak ko n-narito na si daddy-narito na ang daddy,"

Dininig ng Diyos ang panalangin ko,


Nananabik siyang mayakap ang kanyang anak ngunit nagulat siya nang may gumapos sa kanyang bisig, wala na sa kanya ang baril, "DAPA!! DAPA SABE E!" utos ng pulis.


"sa-saglit lang, ang anak ko. gusto ko lang sanang mayakap ang anak ko,"


Tuluyang naposasan ang kanyang kamay, "Bigyan niyo lang ako ng ilang minuto, please... gusto ko lang makitang mag-ina ko,"


"kaladkarin niyo na yan," utos naman ng matandang babae mula sa likuran, pinilit niyang makalapit sa matandan babae, nakayukod sa paa nito, "Granny parang awa niyo na, payagan niyo nang makita ang mag-ina ko, ang anak ko,"


"GET OFF!! YOU BASTARD! Do you want to hear the truth?

okay, listen... patay ang sanggol nang ipinanganak ni Cassandra,"


"Hindi nabuhay ang bata, at alam mo kung bakit?"


"Dahil sayo yun! DAHIL WALA KANG KWENTANG LALAKI,"


"Hindi po totoo yan, Granny," pagmamakaawa ni Mikko,

"Na-cesarian ang apo ko at hindi yun maganda sa taong kakaopera lang,


You dont know about that?! DO YOU?!

Hindi mo alam yun! because you choose to escaped from the consequences that you have made,


and the first place, you left my grand daughter, umalis ka nang bansa, dahil hindi mo kayang panindigan ang apo ko,"


"Granny, mahal na mahal ko ang apo niyo, maniwala kayo,"

"well, mabuti na ring umalis ka dahil napatunayan ko lang na hindi ka karapat-dapat para sa apo ko, kailanman hindi ako makakapayag na magpakasal ang apo ko sa isang hampaslupa, and a gold digger one, tsk!"

"Dalhin niyo na yan!" wala nang magawa ang lalaki at binitbit na nga siya ng mga pulis, "hindi totoo yun, buhay ang anak ko," buhay ang anak ko, paulit ulit niyang sinabi sa sarili, tulala siya at walang patid ang luha.

The Hitler Girl I Know (Completed)Where stories live. Discover now