30. THE BOX OF MEMORIES

Depuis le début
                                    

"Che, may sasabihin lang ako," hindi. Mikko wag na!


"D'YAN KA LANG SABI, wag kang papasok," naiiyak na talaga ko, ayokong maawa lang siya sa kalagayan ko.


"ayokong makita mo kong ganito... ano ka ba, wag mo na nga kong pahirapan, umalis ka na lang!!" umalis ka na, mas maganda nang wala ka e, bakit nandito ka pa,

"may ibabalik ako sayo, Che, hindi mo sinabi sakin kung bakit ka umalis, p-pero ayos lang yun ka-kasi naiintindihan ko na naman ngayon e," gusto kong magtakip ng mukha ko pagkapasok niya. Alam ko, nakikita ko sa mata niya na nandidiri na siya sakin, gusto kong tumayo sa pagkakahiga ko pero masyado akong mahina para gawin yun kasi parang sasabog na ang utak ko

"Masaya ka na?! ang pangit ko na no? alam ko na nandidiri ka na sakin,

... yung mahaba kong buhok, wala na e, hehe, pangit na b-"

binitawan niyang dala niya at naramdaman ko na lang ang mga labi niya, "Che, MAHAL KITA," gusto ko sanang pahintuin yung oras, please -please panginoon pahintuan mo muna niyo ang oras kahit ngayon lang.

"M-Miko, mahal na mahal kita, sana.. ma-maging masaya ka parin kapag nawala ako ha.." nandiyan naman siya para sayo e,

"Hindi ka mawawala Che, hindi mo ko pwedeng iwan, ano ka ba," masyado na akong mahina para kumawala sa pagkakayakap niya sakin, parang nauubusan na naman ng hangin ang ulo ko. Masakit, makirot, Mikko,

"M-Miko -gusto kong-samahan mo muna ako ha-magpapahinga lang ako -saglit" magpapahinga lang muna ko Miko. Sana sa paggising ko, sana kahit wala na ko Miko, sana mahal mo parin ako. Paalam muna sayo.

***

[MIKKO SALVADOR'S POINT OF VIEW]

"Sige, magpahinga ka, hindi ako aalis sa tabi mo," promise, dito lang ako,

"pero wag mo kong iiwan ha" mula ngayon hindi na ko aalis. Hinding hindi na ko aalis.. hinding hindi na kita iiwan,

at "kahit sino pang maglayo satin di ako papayag. Hindi kita iiwan," matulog ka muna, habang yakap kita, habang nandito lang ako sa tabi mo magpahinga ka muna.

"natatandaan mo pa ba...

noong tayong dalawa'y unang magkita,

panahon-ng-kamusmusan"


nakita ko yung picture ko sa tabi niya, kinuha ko yun. Ito yung picture ko nung nakagraduate ako sa college, nasa kanya parin pala 'to.

"malayang tulad ng mga ibon,


ang gunita ng ating kahapon,

hon, sasauli ko na yung binalik mo sakin ha, yan na yung box. Wag mo na uling ibabalik sakin ha... kasi, k-kasi magagalit ako,"

anu ba 'to, dapat masaya ko e, dapat hindi ako umiiyak e, sorry.

"Hon, matulog ka lang, kakantahan lang kita para mahimbing ang tulog mo,

l-lumilipas ang panahon

kabiyak ng ating gunita

sa -sa paglipas ng panahon bakit

bigla"

pasensya na... dapat akong nagpapalakas sayo e. p-pero ang hina ko ngayon kasi. Ano ba to!

"bakit.. bigla nang lumipas

panapanahon ang pagka-" che-

"cherryl, hon?? gising ka pa ba? teka" yung machine, ayokong marinig yung ganyang tunog.


"DOOCC, NURSE?! DOKTOR!!"

Wag kang magbiro ng ganyan. "CHE?? W-WAG KA NAMANG GANYAN OH! PUTA! NURSE!! SAAN BA KAYO?"

"DOC, DOOOKK!! Anong nangyayari, dok?!" ambagal naman ng doktor na 'to! "BILISAN NIYO NAMAN!!"

"DOC -DI-DIBA-OOPERAHAN PA SIYA?? S-SIRA YUNG MAKINA NIYO E, A-AYUSIN NIYO YAN," HINDI E, AYOKONG ISIPIN NA GANUN YUNG MANGYAYARI, yung aparato na nakakabit kay Cherryl,

"Dok, anu ba magsalita naman po kayo, yang aparato niyo po, e sira yan oh!"

"sorry for what happen, hindi na kinaya ng katawan ng pasyente, mas-"

"N-NO!! Che! CHE!! gising, ano ka baaaahh!" hindi totoo yan! HINDI TOTOO YAN!!

"Miko tama na," b-bes Jessica kasi-


"di ba, di ba sabi mo sakin bukas pa siya ooperahan? b-bakit,"

"Miko sorry," nurse jes wag!

"wag kang magso-sorry, ka-kausap niya pa ko

kanina e, sabi niya magpapahinga lang siya! Mag"


"mikko," bes, kasi mali kayo ng hinala e.

"tu-tulog lang naman siya- sshhh! wag kayong maingay. Tulog lang si Cherryl e,"

"tulog lang siya, s-sabi niya sakin e," che, gumising ka muna. waaahhHHH!!

The Hitler Girl I Know (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant