8. My long lost Best friend

Start from the beginning
                                    

"N-Nani, stop dialing that number. Akin na po CP ko... I need to go at the hospital Nani, " Hindi ko pa ubos itong milk coffee ko. Now, I feel so excited, I need to be there.

"Ah Mam, Did I, d-do I need calling Manong Lucas to.. to hatid you sa hospit-" nanginginig ang kamay ni Nani sa taranta,

"NAANII! " sigaw ko. Kinuha ko yung CP ko, yacky naman! Pasmado ang kamay ng matandang gurang na 'to!

"Hindi na ko magpapahatid. Magtataxi ako, malapit lang ang CMH, dont panic Nani ok!" hindi malayo ang Capitol Med Hospital dito. Ilang kilometro lang, to be exact sa likod lang ng Village na to, ang CMH at I knew the place.

"Favor pala Nani, can you make a soup, ahhmmn, mushroom soup for two," Pwede na siguro yun. "Pahatid mo na lang kay Manong," Hindi ko na hinintay ang sagot ni Nani. Excited akong puntahan si Sir Miko. I feel an urge with this curiosity in what reasons it would be, Sir Miko committing suicide?. True blood Idiot!!!

Ano nga kayang reason? Nalaman niya na kaya?? Nagsumbong kaya yung babaeng yun? Malabo, yung Cheryl na yun? pero siya na nga ang nagsabi sakin e,"Please Casandra.. Sa lahat ng mga pinagtapat mo sakin... I decided to let him go! Take care of his heart. He deserves to be happy," ewan, ang labo ng babaeng iyon. Ganun lang ang 2 years sa kanya? Hay! Ayoko nang isipin yun, parang hindi ako ang nakaisa, at mukhang ako ata ang naisihan! Ito
"taxi..!"

"Manong CMH po," mukhang payaso itong driver ng taxi, hugis kamatis yung ilong, ang pula pa. Binabagtas na ni manong ang kalsada, naisipan kong magtanong, "Manong dati ka po bang taga-perya?" sa loob ko natatawa ako. hahahaha. "O-opo mam, marunong po akong mag-acrobat mam, " hindi inaasahang sasagot si Manong. BWAHAHAHAHAHH!!

"k-kaya lang po... e, nalaglagan po ako ng ilaw ng tent e, sumabog po yung bombilya sa mukha ko... m-muntik muntikan na nga po akong mabulag tsaka- abatsakjkjg" napaatras ang tawa ko. Ano ba 'to si Manong!!! Grabe lang, makapagkwento ng buhay talaga, wagas.

"k-kawawa naman po kayo," iyon na lang nasabi ko, tapos humaba yung kwento ni manong. Syete, epic fail. Talaga po Manong grabeng katangahan naman po ninyo. gusto ko sanang sabihin. Buti na lang mabilis din kaming nakarating ng hospital.

(Moral (na hindi) lesson --> Sometimes there is a taxi driver that need someone who will listen in all his tragic history of his life. So, marked the Plate number of that taxi, Sana di ko na siya masakyan ulit. Bwisit lang!!)

[JESSICA DELA VILLA'S POINT OF VIEW]

"OOUUCCHH!!” may bumunggo sakin at muntik na tuloy malaglag ang tray na hawak ko na may lamang mga medical equipments/ kit “So-sorry miss," paumanhin ko pero pagtingin ko sa kanya nakataas ang kilay niya sakin,

"Capitol Med. Hospital, Jessica Dela Villa, Nurse. " binabasa niya yung name plate sa uniform ko.

Ngumiti siya na mukhang nang-mamata, "Thank you po ha, pasensya na... Hindi ka po kasi tumitingin sa dinadaanan mo! " Mataray niyang sabi. ako na nga ang binunggo ako pa ang sinabihang hindi tumitingin sa nilalakaran, siya ngang nagtetext habang naglalakad. "S-sorry po," sambit ko na lang. May attitude din itong batang ito, bigla akong tinalikuran at mukhang nang-irap pa.

She ran along the reception area. This little blonde girl na mukhang otaku anime character. Ang cute sana kaya lang medyo rude ang attitude. She entered sa room 401 which is same room na pupuntahan ko. Baka kamag-anak ng pasyente, yung babaeng kasama ni Miko.

"My Siiiiirrr!!!! Buti po ayos lang kayo!!" kakilala niya si Miko? Sino kaya itong babaeng ito? Nakatingin lang ako sa kanila. Bakit Sir ang tawag sa kanya? Baka estudyante ni Miko? Pero hindi ko alam na teacher na ang kaibigan ko. Grabe, antagal na nga siguro talaga ng panahong lumipas. Marami nang nagbago samin. Si Miko -ang bestfriend ko, mula pa pagkabata, doon sa nasunog naming bahay sa pugad-langaw sa Maynila- isa na pala siyang guro ngayon? Nakakatuwa.

"Siiirr, alam niyo po bang nabalita kayo sa T.V? " Ani ng batang babae kay Miko. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya ngayon, siya ang bestfriend ko na nagligtas sakin noon sa panganib, na dahilan ng huli na naming pagkikita. Hindi ko na nagawang magpaalam sa kanya. Ay! naramdaman ko na lang na may luhang pumatak sa mga mata ko.

"Ayos na po ba kayo sir?" she hug my bestfriend. Ano ba 'tong batang ito, nakikita nang nakaratay sa kama at kalalagay ko lang ng benda sa braso niya. Hindi naman malalim ang sugat, mababaw na tahi lang.

Itong batang 'to? Mukhang close na close sila. Teka.. nabalita sa T.V? Ang bestfriend ko nabalita sa T.V. Mukhang may matindi siyang problema ngayon ah, sabi kanina ng mga rescuer, nang dumating ang ambulansiya -tumalon daw siya mula sa kampanilya ng simbahan, kasama ng isang babae...

Si Mikko? Bakit niya gagawin yon? Ang magsuicide? Hindi. Hindi niya magagawa yon. Kilala ko ang kaibigan ko, may malalim na pananaw yun sa buhay mula pa noon... hindi niya gagawin ang ganun. Pero baka iba na nga ang dati kong kilalang Miko.

"Nagtangka daw kayong magpakamatay dahil broken hearted kayo?" grabe namang makapagsalita ito sa pasyente ko.

"Ahhh M-miss, Masakit pa po yung braso ng pasyente, kalalagay ko lang po ng benda sa kanya, bagong tahi po iyan," I have the rights to interrupt her, napatingin ako kay Miko. Nagkatinginan kami. Kinikilala ang isa't isa, ako ito, ang bestfriend mo Miko. Sana makilala niya ko. Kanina habang tinatahi ko ang sugat niya, habang wala siyang malay naiisip ko ang lahat-lahat samin, bumabalik lahat ng mga dati naming alaala...

"Jessica? I-ikaw ba tal'ga yan?" namukhaan ako ng kaibigan ko, mga 7 years na din ang nakakalipas mula nang huli ko siyang makita.

"B-Bes, Miko, k-kala ko hindi mo ko makikilala e," hindi ko namalayan, tuloy-tuloy na nalalaglag ang luha ko. Dala marahil ng pagkasabik sa matalik kong kaibigan.

"Miko..." niyakap ko siya nang mahigpit.

The Hitler Girl I Know (Completed)Where stories live. Discover now