6. Coincidental Accident

Magsimula sa umpisa
                                    

"Amina lahat-lahat ng gamit mo!!" hinablot ng isa na katabi ko yung kamay ko, tinanggal yung wrist watch ko. Babae yung katabi ko kanina sa pagkakaalam ko. Putik! Aaaaggghhh! Sinikmuraan ako nang isa nang subukan kong bawiin yung wrist watch ko.

Nakaramdam ako ng kirot... halos masuka ko sa pamimilipit.

"pwede na to.. puta, pulubi pala 'to e!!" binuksan ng isa yung pintuan ng taksi, sinipa pa ko palabas. Nalaglag ako sa upuan, bumagsak ako sa lupa. Napadapa ako. Bumaba yung isa, at tinutukan ako ng baril. Gusto kong aninagin yung mukha niya pero mata lang talaga yung kita. Napakadilim pa ng lugar, walang street lights. Hindi pamilyar sakin ang lugar, liblib masyado...

"S-SIGE PUTOK MO NA YAN!" sigaw ko, na kahit namimilipit ako sa sakit. Ngumisi lang yung lalaking nakabonnet. Kahit madilim, nakita kong naninilaw yung ngipin niya. Sinikaran lang uli ako sa tiyan.

"Adre, hayaan mo na yan!" sigaw ng isang may hawak ng wallet ko,

"Wag ka munang magtumba ngayon, batse na muna tayo.." bago umalis yung tumutok sakin ng baril, isang tadyak uli ang binigay sakin. AAAHHHhhGGGG!!

Ang bilis nang pangyayari. Masyado akong natulala, nakakabigla. Lahat-lahat nakuha sakin -wallet ko, cellphone, relo ko, pati sapatos ko.

Nasaan ba ko ngayon?! Kalyeng sobrang dilim. Saang lugar ba to, bakit walang street signs. Parang tagong village sa kung saan.. mabilis na pinatakbo yung Fx Taxi. Shet lang wala silang placards. Para kong basang sisiw na iniwan dito sa madilim na kalye. Tumayo ako. Pilit tinatanggap sa sarili ang nangyari.

Iika-ika akong naglakad. Gabing-gabi na, naglalakad ako nang pasuray-suray. Hindi naman ako lasing pero bangag! Walang signs ng highway. Walang tunog ng kotse.

AAAHHHHHHH!!!! Answerte mo naman Mikko. Ambobo mo pa, bakit di mo nakitang mga holdaper yun! Antanga ko!

Habang naglalakad sa kalsada.. sinipa ko yung bato sa daan.. Kainis!!!

"AARRRGGGHH!! GGRHH!!RR AARRFFF AAARRFF!!" ano yun? waAAAHAHHAH! Ansyete!! Tinamaan ng sinipa kong bato yung asong naghahalukay ng kung ano sa basurahan.

"GGRHH!!RR!" kinagat ko yung dila ko, instinct defence. Kapag may aso daw na tinatahulan ka, kagatin daw ang dila para- "AAARRRGGHH!! ARRFFGGHH!!" Atras.. Syete talaga oh..takbo!!

putik lang talaga, na-straight bigla yung lakad ko! Takbo!

***

Napagod na rin siguro yung asong humahabol sakin.

Gusto ko ulit umiyak! Ang malas ko naman! May balat ka ba sa puwet??! Wala akong CP, pano tatawag sa pamilya ko? Wala akong sapatos o anumang sapin sa paa! Ansakit na nang paa ko. Literally nagdudugo na ang mga paa ko.

Nakakarinig na ko nang tunog ng sasakyan. Nabuhayan ako ng loob, malapit na ang highway, may masasakyan na ko.

"Ay!! Wala akong wallet! Tinangay lahat! Shet!!" Lahat-lahat!!

Nang nakarating na ko sa highway. Nakita ko yung simbahan, Lord, gusto ko munang magpahinga. Gusto ko munang umupo. Pumasok ako ng simbahan. Hingal-kabayo ako nang umupo sa isa sa mga hanay ng upuan na yon, sa bandang bukana ng simbahan. Marami pang tao..

The Hitler Girl I Know (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon