5. Suicide Mode

Magsimula sa umpisa
                                    

Pasensya na kung masyado akong madrama, kanina pa ko sa mall hanggang sa pag-uwi dito sa bahay parang tanga lang, ang drama ko! curse the author of my life, langya e! Pero sorry talaga di ko kasi mapigil ang umiyak e, hindi ako bakla! Hindi naman ata kabaklaan ang umiyak , e sa kanina pa ko iyak nang iyak. E sa nakakaiyak e, lalo na ngayong nandito ako sa kwarto ko at nag-e-emo! teacher na emo?! Hays! Anong itsura ko kaya ngayon! Youth parin naman ako ah! 22 years old pa lang ako... kaya accepted parin ang sitwasyon ko. Waaaaaaaaaaaahhhh!!

Nagbabalak talaga akong mag suicide kaya lang hindi ko alam kung paanong paraan. Para naman ma-feel ko yung pakiramdam ng mga kabataang nagsu-suicide... Minsan tinalakay naman yun sa klase e, sabi nga ng mga estudyante ko → "what they're doing -the suicide thingy of an EMO- is so sucks!"

Nasasabi natin na sucks ang bagay na yon kasi hindi naman natin nararamdaman kung anong nararamdaman ng isang nag-e-emo e! So, for the sake na maramdaman ko man lang -Trinay ko talaga kanina yung magbigti... kaya lang "Tanga lang" masyadong marupok yung lubid nasira ko pa yung ceiling fan, ambobo lang doon pa naisipang isabit.

Sorry ulit, e wala na ko sa tamang pag-iisip e! Sinubukan ko naman maglaslas, kinuha ko yung kutsilyo sa kusina -pinagalitan pa ko ni ate jenny kasi hindi daw ako marunong magbalik ng mga gamit! -hindi ko siya pinakinggan, sige kayo na marunong magbalik ng gamit!! Naalala ko bigla yung box na binalik sakin ni Cherryl! Sucks!!

Nag-lock ako ng kwarto at dahan-dahan na hiniwa ang balat sa may bandang pulso, at waaaaaaaAAHHHH!! Ansakit! Hindi ko kaya! Bakit ba ang sakit magpakamatay! Pero feeling ko am already dead.

Higher than the sky above you

Clearer than blue

Brighter than the rays of sunshine

Warmer than what you feel

More than all the wonders you see

It's the most wonderful thing

nag-vibrate sa bulsa ko yung cp ko with true tone ng One Love (Spring Waltz Ost) Lyrics by Acel Bisa , dapat ko na ring palitan ito! Si Cherryl ang naglagay ng tone ng CP ko e, kung gusto kong maka-move on agad, tingin ko kailangan ko na ring burahin ang lahat-lahat ng mga mga bagay na magpapa-alala sakin tungkol kay Cherryl. Pero gusto ko ba siyang kalimutan?! Bakit?

Baka hindi, galit lang siguro ako. Nasaktan lang siguro ako, pero ang kalimutan ang almost 2 years mo nang girlfriend? TSK!!!

Calling... Co-F Neil. Bakit kaya tumatawag si Sir, alam ko nasa Bar siya kasama ang iba pang ka-department namin e "Sir, sunod ka dito sir -" di ko masyadong marinig, anlakas ng disco sound, mukhang nagkakasiyahan sila a,

"Sir, Nagtatampo kami sayo, di mo sinabi kanina, e Birthday mo pala.. " hindi ko nga sinabi sa kanila. Kasi nga e wala din naman akong balak na mag-imbita at wala rin naman akong balak maghanda - siguro si tatang magluluto lang ng spaghetti o Carbonara na para lang samin. Konting salu-salo ng pamilya with Cherryl sana...

Ayt! birthday ngayon ng co-faculty namin -si Mam. Kristine. Magkasunod kami ng birthday hehe.

"Sir Bukas pa birthday ko! Pasensya na kung di na ko nang-invite, Sir A-ayos lang po ako, mag-enjoy lang po kayo," ang hirap sabihin ng salitang ayos lang -kahit ang totoo hindi ka talaga ayos. At ano na bang kahulugan ng salitang ayos? Ewan!

"Anduya mo Sir, dapat ngayon na mantreat ang Birthday celebrant," ang kulet nila, naririnig ko yung mga tawanan ng mga co-faculty ko.

"Sir Saturday bukas e, wala naman pasok, wait ka namin dito ha.. Bilis sir ha!" hala, ibinaba na. Putik pupunta ba ko dun? 8:30 pa lang naman e, maaga pa. Pero tinatamad ako sa buhay, ayoko ngang lumabas ng kwartong 'to kasi feeling ko anumang oras magko-collapse ako dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Haist. Stress sa pagtuturo, stress sa bahay at pati sa love life nae-stress!! "Help! Pwede magrequest ng taong magbibigay sakin ng Stress Tab! I need medicine!" Shit!

Pupunta ba ko? Kung susunod ako sa Padis point ngayon, sana makabawas ng bigat ng nararamdaman ang pag-inom ng alak. Kahit never akong uminom. Waaahhh! first time ko talagang iinom pag nagkataon, laking kumbento ako e, pasensya naman! pero kung ang pag-inom ng alak ay isang paraan ng pagsu-suicide? SIGE NA NGA!!

Mawala lang tong sobrang hapdi sa dibdib ko. Sa parteng puso, WaaaaAAAHH!! Lulunurin ko ang sarili sa isang basong alak!!

*** *** ***

Higher than the sky above you

Clearer than blue

Brighter than the rays of sunshine

Warmer than what you feel

Magbibihis na lang sana ako nang nag-vibrate Cellphone ko. 1 message receive. +63999*******

number lang, sinu naman kaya to!!

"SIR SIR!! HITLER GIRL's HERE!!

I GOT UR NO. IN UR FB SIR!! PLEASE SIR! SAVE MY NO.

AHHHMM... HAV U READ MY STORIES SIRS? HOW IS IT SIR?"

Nagkamali yata ako nang in-accept ko itong batang to! Naku talaga Casandra Malaya, You're true HITLER GIRL!!! Nag-collab ata kayo ni Cherryl para i-torture ako e. Haist!

The Hitler Girl I Know (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon