"What?" hindi makapaniwala si Deib Lohr, mapait na tumawa si Maxpein. "Paano kung hindi ka marunong?"

"Kaya nga may ensayo, para matuto." Ngumiwi si Maxpein at muling natawa. "Sino naman ang hindi marunong sumuntok at sumipa? Lahat, marunong. Hindi nga lang lahat ay tama." Saka siya ngumisi.

"Ikaw?"

"Anong ako?"

"No'ng pumasok ka ba sa ensayo, alam mo na lahat?"

"Hindi ba't naikwento ko na 'yon sa 'yo?"

"Oo nga."

"Bakit tinatanong mo na naman?"

"Syempre, gusto kong ikwento mo ulit. Duh?"

"Tss."

"Ulitin mo, Taguro. Sige na," pangungulit ni Deib Lohr.

"Tss. Nakalimutan mo, 'no?"

"Tch! Gusto ko lang ulit marinig ang kwento mo! Ngayon lang kaya nabakante ang schedule mo! Ang hirap-hirap humingi ng oras sa 'yo, masyado kang busy. Akala mo naman ikaw ang umaasikaso sa buong Pilipinas. Tch."

"Napakarami mong sinabi, Sensui."

"Eh, paano, sasagutin mo lang ng oo o hindi 'yong tanong ko, ang dami pang pasikot-sikot, napakalayo rin ng sagot mo, Taguro."

"Mag-aaway talaga tayo sa umagang 'to?"

"Simula no'ng ikasal ka sa 'kin ay hindi na tayo nag-away, Taguro. 'Yon ay dahil iniintindi ko ang ganyang ugali mo. Wirdo at hambog."

Umawang ang bibig ni Maxpein. "Sa iisang tanong, napakarami mo nang isinumbat."

"Iisa lang din kasi 'yong sagot, kung saan-saan ka pa pumunta. Gustong-gusto mo talagang nag-aaway tayo."

Umangat ang kilay ni Taguro. "Hindi ako ganito makipag-away, Deib Lohr, alam mo 'yon."

"Eh, di pagtatalo."

"Hindi rin pakikipagtalo sa 'kin ang ganito."

"Oo, kasi ganito ka makipag-usap! Normal sa 'yo to! Tch! Niyayabangan mo na naman ako! Gustong-gusto mo 'yong angat na angat ka, babe!"

Ngumisi si Maxpein saka muling nilingon ang anak. "Hindi ako mahusay no'ng pumasok ako sa ensayo." Saka siya sumeryoso. "Hindi ako mahusay sa lahat ng bagay. Ang totoo, parating ako ang nahuhuli."

Sumama ang mukha ni Deib Lohr at palihim na ngumiwi. Hindi na talaga nagbago ang ugali niya! Hindi siya makatiis nang hindi nagyayabang! Hindi mo malaman kung nang-aasar kasi seryoso naman! Gustong-gusto mo talaga 'yong mapapanganga ako sa paghanga sa 'yo, Taguro, 'yun 'yon! Iyon ang naisip niya sa asawa. "'Kita mo na? Tapos bigla kang magkukwento?"pabulong na naisumbat niya.

Natigilan si Maxpein at napatitig sa kaniya. "Eh, di hindi na, king ina. Magkakape na lang ako. Daig mo pa babaeng may regla," asik ni Maxpein saka nilaghok ang noon ay malamig niya nang kape.

"Pero seryoso, Taguro," si Deib Lohr naman ang sumeryoso.

"Tss. Sa 'yo pa talaga nanggaling 'yan, ah?" pabulong na ani Maxpein, napapasiring.

"Hindi ka talaga maayos kausap, babe."

"Ikaw ang magulo, babe."

"Tsk! Magkwento ka na kasi Taguro!" asik ni Deib Lohr.

Napabuntong-hininga na lang si Maxpein sa ugali ng kaniyang asawa. Natawa siya nang makitang maging ang anak ay napalingon sa kanila. Dahil sa kanilang dalawa, mas maingay ang asawa niya.

MTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon