"May I have this dance?" sabi niya sa akin. Kinikilig ako kasi matagal ko na 'tong pinapangarap.
"S-sige" kinuha niya ang kamay ko at idinala sa gitna.
Maraming nakatingin sa amin pero sa mga mata niya lang ako tumingin. Ang ganda ng mga mata niya. Kaya siguro naging crush ko siya.
"I like you" ang nasabi ko na lang sa kaniya.
Lumapit siya sa akin. Pinagdikit ang noo naming dalawa. Pagkatapos ay bumulong sa akin.
"I love y--"
"HOY! GISING NA!"
Napaupo ako dahil sa sigaw ni Sejun na siyang kasama ko sa dorm.
"P-panaginip lang 'yon?" Tanong ko sa sarili ko. Tinaasan ako ng kilay ni Sej. "Hulaan ko, napanaginipan mo na naman yung long time crush mo na si Ken?"
Tumango ako sa kaniya. "Oo, istorbo ka nga eh" sabi ko sa kaniya pagkatapos ay bumangon na dahil may pasok pa kami at may laban din pala ang jowa nitong si Sejun na si Stell sa basketball kasama si Josh at Ken.
Speaking of Ken, ilang years ko na siyang crush. Since grade school ata, iwas ako sa kaniya kasi nahihiya ako atsaka isa pa tahimik lang ako noon kaya nga si Stell, Sejun, at Josh lang mga naging kaibigan ko.
Magkaiba kami ni Ken kasi siya friendly talaga ako hindi.
"Ang tagal niyo" sermon agad sa amin ni Stell pagdating namin sa court ng university. Lumapit siya agad kay Sejun at hinalikan 'to sa pisngi. Oh, sana all.
"Sisihin mo 'tong si Justin, ang bagal bagal" sabi ni Sejun. Inirapan ko siya, kung hindi niya lang sana ako ginising edi sana natuloy pa yung panaginip ko.
"Wala pa yung hinahanap mo" sabi ni Stell at nagtaas baba pa ang kilay.
"Bakit ko naman hinahanap si Ken?" sabi ko sa kaniya sabay iwas ng tingin.
"Wala naman akong sinabing si Ken ang hinihanap mo, napaghahalataan" sabi niya pa sabay iling. Inirapan ko na lang siya.
Pumunta na kami ni Sejun sa bleachers, mamaya pa naman start ng klase ko, manonood muna ako. Atsaka isa pa, gusto ko rin makita si Ken.
"Ayan na bebe mo pero hindi ka naman bebe" itong si Sejun porket may jowa ang lakas mang-asar.
Tumingin ako sa entrance ng court at nakita ko si Ken na naka varsity kasama niya si Josh na grade school friend din namin nila Stell.
Actually lima kaming magkakaklase nung grade school pero silang apat lang yung close, iwas nga ako kay Ken noon, well ganoon din naman siya sa akin.
Nakatingin lang ako kay Ken habang nakikipag apiran siya sa mga kateammate niya. Nilabas ko yung cellphone ko at patago ko siyang pinicture-an, lagi ko namang ginagawa 'to. Sakto nga palagi kasi nakita siya palagi sa mga picture ko.
Sa sobrang pagtitig ko kay Ken hindi ko na namalayan ang paparating na bola kaya tumama ito sa mukha ko.
"Justin, okay ka lang? Bakit kasi hindi mo tinitignan yung bola?" sermon ni Sejun habang tinatayo ako. Tangina ang sakit ng ulo ko.
"Sorry, hindi ko sinasadya" napatingin ako sa lumapit sa amin at natulala na lang ako sa itsura niya.
Nasa harap ko si Ken Suson. Si Ken na team captain ng basketball team. Si Ken na crush ko noon pa.
Feeling ko matutunaw na ako dahil ngumiti siya sa akin.
"Sorry ulit, Jah" sabi niya sabay kuha sa basketball at bumalik na ulit sa court.
PERO WAIT! KILALA NIYA AKO?!
=~=~=~=~=~
This is my first kentin story here in wattpad.
Enjoy reading.
KAMU SEDANG MEMBACA
PROM (KENTIN)
Fiksi PenggemarKENTIN Story wherein Justin has a secret crush on Ken, a basketball player in their university.
