Chapter 29.2: True colors

16.4K 204 66
                                    

 Author's note: 

Dindedicate kong chapter na ito kay FTH3Art dahil sa inulit mo ulit basahin ang chapter 29.1 na self control hehehe. Sa mga mababait na laging nag cocomment diyan at nag vovote kayo na ang next na dedicatetan ko hehehe. 

Sana mag enjoy po kayo sa chapter na ito, kahit sobrang bitin hehehe lagi naman eh, kasi kung hindi bitin, ibig sabihin tapos na ung love riot hahaha. chozzzzz.... 

************************************************************************************************

" Good morning everybody, what a beautiful morning." bati ni Niko habang papasok sa kusina. 

" Oh bro, mukhang ang ganda ng gising natin huh." sabi ni Gio na kasabayan lang ni Niko papasok sa kusina. 

" Oo nga, bakit ang saya saya mo ngayon huh, baka gusto mong sabihin sa amin." sabi ni Drake habang nag lalagay ng plato sa lamesa. 

" UHmmmmmm sabihin nalang natin na, lahat ng nakatakdang mangyari ay nangyayari na ngayon." nakangiting sabi ni Niko

" Wuuuhhh ang lalim nun bro huh, teka naka drugs ka ba o naka inom man lang, kasi ang lakas ng tama mo eh." sabi ni Drake

" Teka teka kung may masaya, may isang tao naman diyan na parang pinag sakluban ng langit at lupa." sabi ni Elmo habang nakanguso sa direksyon ni Tammy na nakapangalumbaba sa may lamesa at bakas sa mukha nito ang pag kaasar. 

Flashback 

" Wala ng pagkain, inubos na nila kanina." sabi ni Vlad habang nag hahanap ng kung ano sa ref. 

" Teka wala naman akong sinabi na nag hahanap ako ng pagkain huh." sabi ni Tammy at palakad na ito palabas ng kusina ng biglang magsalita si Vlad. 

"Yang tyan mo, wag na matigas ang ulo at umupo ka nalang diyan, sandali lang ito." sabi ni Vlad habang sinisimulan ng mag luto. 

Lihim naman na napangiti si Tammy at sumunod sa sinabi ni Vlad. 


" Salamat huh." seryosong sabi ni Tammy 


" Para saan?" tanong naman ni Vlad ng hindi tumitingin sa kanya. 


" Sa pakikinig ng mga problema ko , kahit alam kong ayaw mo sa akin at sobrang asar ka na sa akin, lagi kang nandiyan para tulungan ako kaya salamat." sabi ni Tammy 


Parang walang narinig si Vlad at patuloy sa pag luluto.


" Teka marunong ka ba talagang mag luto, baka gusto mo lang akong lasunin huh." sabi ni Tammy habang sinisilip ang pag luluto ni Vlad. 


Love Riot ( Romantic Comedy ) Edit Edit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon