"This is urgent!" tila tarantang sabi nito.

"Why? What happened?" may pag-kahisterikal rin niyang sagot.Napahawak pa siya sa kaniyang dibdib.

"Kailangan mo ng pumunta sa residence ng mga Ferrer," anito.

"Bakit nag-mamadali sila? Hindi ba bukas pa ang usapan? Magmo-mall pa ako!" nakabusangot na sabi ni Bella sa kausap niya sa kabilang linya.

"Hindi na natin ito puwedeng ipag-paliban pa Bella. Kailangan ka na ni Thunder," anito.

"As in, ngayon na? Now na?" nagtatakang sagot ni Bella.Huling-huli siya sa drama ng kaibigan.Kung naging artista lang siguro ito ay nakasungkit na ito ng award for best actor.Lingid kasi sa kaniyang kaalaman ay tinawagan ito ni Summer.Pinapapunta agad si Bella sa mansion ng mga ito dahil iyon daw ang utos ni Kulog.Hindi alam ni Bella kung ano ang nakain ng Kulog na 'yon at agad-agad nalang siya nitong pinapasundo.Alas-sais ng gabi ang kanilang naging usapan sa pag-sundo sa kaniya.Walang nagawa si Bella kung 'di sumang-ayon nalang dahil ang nasa isip niya ay ngayon ay ang kapakanan ng kaniyang bagong pasyente.

Eksatong alas-sais ay dumating ang mag-susundo sa kaniya.Bitbit ang lahat ng kaniyang mga kagamitan sa isang maleta.Konti lang naman ang kaniyang dinalang mga damit kasi mag-u-uniform pa rin siya ng nurse outfit sa mansion ng mga Ferrer.Wala siyang balak mag-suot ng ibang outfit.Work is work sa kaniya.
Kinakabahan niyang nilisan ang kaniyang apartment.Ibinilin niya sa pinsan niyang si Candy na pasya-pasyalin nito ang kaniyang bahay at paki-linis-linisan na rin.

Ilang minuto pa at nakarating na sila sa mansion ng mga Ferrer.Napalula si Bella sa laki ng mansion ng nga ito.Parang bahay lang ng mga artista na nakikita lang niya sa mga magazine.Pero ang mansion ng mga Ferrer ang pinakamaganda at pinakamalaki niyang nakita.Mas nakakalula pa dahil ang laki ng parking erea nila dahil sa dami ng sasakyan at higit sa lahat puro mamahalin pa.Napanganga siya sa sobrang gulat. What the hell the world is so unfair? They are so damn fucking rich! naisaloob ni Bella.
Mapapasana-all ka nalang talaga!

"Ma'am dito po tayo," yaya sa kaniya ni Manong driver ang sumundo at ang nag-drive sa kaniya pahatid sa mansion ng mga Ferrer.

"Ako nga po pala si Nurse Bella," nakangiting pakilala niya sa sarili. "Ako 'yung nurse ni Sir Kulog. Ay, sorry, este Thu-Thunder pala," aniya at napahagikgik sa sinabi para maibsan ang nararamdaman niyang kaba.

"Tawagin mo nalang akong kuya Rudy," anito.

Sumunod siya kay Kuya Rudy.Dinala siya sa may kusina.Nandoon ang quarter ng mga katulong.Mas lalo siyang nalula ng kusina palang ay parang mall na ang laki. Ano'ng klaseng pamilya 'to? Ang yaman.
Sobrang yaman, napapamanghang naisaloob muli ni Bella. Kayang-kaya nga nilang bumili ng kaluluwa. My God! I need to be careful. Really?

"Nurse Bella okay lang po ba kayo?" untag sa kaniya ni Kuya Rudy. Napansin niyang nakatingin pa ang apat na katulong sa kaniya.
Ngiwing-ngiti ang iginawad niya sa mga ito. "Huwag kang mag-alala mababait kami at ang mga amo natin," patuloy nito.

Tumango siya kay kuya Rudy bilang kasagutan. "Ang cook dito, si ate Anna at si ate Celia. Ang cleaners naman ay si Lina at Gina," pakilala nito sa kaniya.Nilapitan ni Bella ang apat na katulong at nakipag-kamay sa mga ito.

"Nurse Bella," nahihiyang pakilala niya sa sarili.Habang nakikipag-
kamay siya sa mga katulong ay malakas at maawtoritibong boses ang pumukaw sa kaniyang atensiyon.Si Thunder. Paano nitong nalaman na nasa kusina siya? Palihim siyang napamura.Bumuntong-hininga muna siya pago niya ito hinirap.Nginitian niya ito ng matamis. "Hi, Sir. Nice to meet you again," bati ni Bella sa binata.Parang kakaibi ang eksena nila ngayon kaysa kaninang umaga.

"Go to my room now!" maawtoritibo nitong utos.

"Now? Right now? As in right now?" paulit-ulit niyang tanong kay Thunder.Nagkatinginan pa ang mga katulong pati na rin si Kuya Rudy.Napapailing pa ito pero nasilayan niya ang pilyang ngiti ng driver.

"You heard what I said, right? I said now!" ani Thunder.Nanlilisik ang mga mata nito sa kaniya.Ngunit hindi siya nagpatinag dito.

"Sure!" ani Bella.Pinatatag ang mukha sa harap ng mga katulong.Sumunod siya sa kay Thunder.Dinala siya nito sa kaniyang silid.Napanganga muli siya dahil sa lawak nito.Parang isang bahay na ang laki.Double sa lawak ng kaniyang apartment.

"Starting tonight you are going to sleep here in my room," ani Thunder.

"What?" gulat na bulalas ni Bella.Itinaas ang kamay. "I just want to remind you that I didn't sign yet our contract," aniya dito. "So, you don't have the right to force me."

"I'm not forcing you. That's my command," ani Thunder.

"Ah, ganoon?" patango-tangong sabi niya. "Bakit naman dito ako sa kuwarto mo matutulog? Hindi ba ang mga nurse ay hindi puwedeng tumabi sa kanilang mga pasyente?" ani Bella kay Thunder.

"You have to!" ani Thunder. "Stay in my room, sleep in my room at stay beside me everytime," anito.

Anong klaseng demand ba ang pinagsasabi ng Kulog nito?Bakit binili ba siya nito para sundin niya ang mga pinag-sasabi nito.Hindi siya robot. 'Di dapat bumili nalang ito ng robot, eh?
"Ah, eh.. Sir. Excuse me lang po. Parang may mali kasi," ani Bella.

"Do my command and I pay you as much as you want."

What the fuck! Kaya nga niyang bumili ng tao! Grrr! "Sir Kulog, 'di po lahat ng tao kaya mong bilhin. Iba ako!" nakahalukipkip niyang sagot.

"Stay and work with me or I ask someone to throw you out of the ocean!" nagbabantang sambit nito.

Ngak!Mukhang hindi nga nagbibiro ang Kulog na 'to. Humanda ka sa akin. Araw-araw kitang i-injection-an. Walanghiya ka! Uhm! Tirisin kita ng parang kuto, eh! Hambog na Kulog na 'to! Yabang. Hayst! gigil niyang naisaloob sabay pasalampak na nahiga sa malaking kama ni Thunder.At ganoon nga ang eksenang naabutan ni Allysa.

Thunder and Miss Private NurseWhere stories live. Discover now