TML 1

689 26 3
                                    


DEX'S POV

After nang kasal namin ni Nathan ay bumalik nadin kami sa Pilipinas at dahil kasal na nga kami ay ang balak namin ay tumira na sa pinagawa nyang bahay at magsama na nga bilang mag-asawa.
"Anak bumisita ka lagi dito ha?"

"Syempre naman Ma wag ka na nga umiyak naiiyak din ako eh."

Tinulungan ako ni Mama na magligpit ng mga gamit ko. Sa totoo lang mahirap sakin na umalis dahil buong buhay ko ay sila ang kasama ko.

"Kuya babye po."

"Anak yung mga turo namin sayo ah?" Medyo naluluhang paalala ni Papa.

Kainis haha ang drama ng Pamilya namin. Pero ramdam ko talaga ang lungkot sa mga boses nila.

"Wala man ako lagi sa tabi nyo ay panghahawakan kopo ang mga aral na tinuro nyo."

Hindi nadin kami nagtagal ni Nathan at gabi na kailangan nadin naming umuwe sa bago naming bahay.

Pagdating namin sa tapat ng bahay ay tinitigan ko muna saglit. Ito na ang panibagong yugto ng buhay namin at sana maging masaya at maganda ang pagsasama namin.

"Nathan?  Gusto kolang magpasalamat sa lahat lahat ng ginawa mo sakin. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon dahil lahat ng pangarap ko lang dati ay totoong totoo ngayon. Napakaswerte ko kasi may lalaking katulad mo na nagmahal at tumanggap sakin."

"My loves? Thank you din kasi dumating ka sa buhay ko hindi ka man tunay na babae pero tinuturing kitang reyna ng buhay ko."

"Sus! Talaga lang ha?" Biro ko sa kanya.

"Oo bakit ayaw moba maniwala?"
Bigla akong binuhat ni Nathan.

"Oyy ibaba mo nga ako!"

"Bago ang bahay natin? Saan moba gustong magsimula?"

"Simula?? Ano yon?"

"Alam mo nayon My loves."

Mukhang alam kona talaga ang ibig sabihin ni Nathan kahit kailangan talaga napaka ano nya haha.

"Ibaba mona ako."

"Si My Loves talaga naglalambing lang ako eh."

"Eh kasi naman magpahinga na muna tayo dahil bukas mapapalaban tayo."

"Laban? Anong laban?"

"Eh kasi bukas bibili na tayo ng ibang mga gamit para dito sa bahay natin."

"Ah yun lang ba?? Wala bang ano?"

"Tigilan moko wala ako sa mood ngayon."

Kailangan kong iserve ang lakas ko para bukas kaya tiis muna si Nathan haha may kamay naman sya eh edi gamitin nya. Alangan naman subuan kopa sya sa pagkain. (OYY Green Minded yung nagbabasa!! Haha)

//////

Maaga palang ay umalis na kami ni Nathan para maghanap ng mga gamit para sa bago naming bahay.
Ganito pala ang feeling kapag nagasawa kana tapos tumira na kayo sa bago nyong bahay.

"My loves ano bang mga bibilhin natin?"

"Basta. Konti lang naman kaya wag kang mag-aalala."

Haha sana nga konti lang.

Pagdating namin sa isang store na bilihin ng mga gamit na pang bahay ay agad akong pumili.

Una kong nakita yung magandang kama tamang tama para sa kwarto namin ni Nathan.

"Hi sir? Gusto nyo po bang matulog ng mahimbing at maaliwalas! Tamang tama po ang kama nato para sa inyo matibay at subok na."

Wala pa nga Kaming sinasabi pero nakadami na yung saleslady bigla ko tuloy naalala si Mama.

KUNG AKO NALANG SANA (THE MARRIED LIFE)Where stories live. Discover now