"You called him Oli. He's you boss before hah."








"Pakialam mo ba hah?? Nangengealam ka diyan! Gusto mo bang tawagin kitang "Boss manyak" sa office??" inis na sabi ko dito.









"Try it lady, na-inform mo na ba silang magkasama tayo sa iisang bahay?" No. Never kong ipapaalam iyon! Nakakahiya! Ano na lang ang sasabihin nila pag nalaman nila iyon. Baka pagchismisan pa ako sa office. Gulo iyon. tsss











"Kaya nga pinapalayas na kita eh! Ayoko ng gulo sa trabaho ko."












"Then mag behave ka." paghahamon nito sa akin. Inirapan ko na naman ito tsaka ako tumayo para hugasan ang pinagkainan ko..











"Hindi ka ba nahihilo kakairap mo?"









"Nahihilo ako sa presensya mo. Tabi nga diyan!" inis na sabi ko dito tsaka ko pinalo yung braso niya gamit ang dulo ng kutsara..








"Pakidamay na tong pinagkainan ko hah! Bye!" sabi nito sabay pasok sa kwarto niya, magbibihis na yata.. Kita mo yan! Iniwan yung pinagkainan at ako pa ang pinaghuhugas ng pinggan niya! Tssss..






















Kakatapos ko lang maghugas ng mapansin kong lumabas na si Ken sa kwarto niya. Nakasuot na ito ng puting polo. Ang presko niya tingnan sa suot niya!!! Naningkit ang mga mata ko ng mapansin king nakatanggal ang tatlong butones mula sa itaas ng polo niya kaya mas lalo yata akong nawalan ng hangin at hindi na makahinga. Tumalikod ako at bumalik ng kusina para kumuha ng tubig.. Naka isang lagok pa lang ako ng mapansin kong papalapit si Ken sa akin..






Hindi ako gumalaw at nakaharap lang ako sa water despenser. Pinapakiramdaman ko kung anong gagawin niya. Hanggang sa marinig ko ang tunog ng nagbanggaang mga baso... Kumuha siya ng baso?











"Ano bang ginagawa mo diyan sa harap ng water despenser? Nag wiwithdraw? Oh baka naman umiihi ka na diyan? Naging rebulto kana? Bilisan mo dahil nauuhaw na ako!" sabi nito kaya pasimple akong tumabi para makakuha siya ng tubig.. Naririnig ko ang pag "Tsk" niya dahil sa inip. Uhaw na uhaw naman! Aaarghh..


















Halos sabay lang kaming lumabas ng bahay para pumasok sa trabaho.











"Pasuyo naman yung gate.. Pa-open.." pakiusap nito. Ayoko sanang sundin pero dahil maaga pa naman at ayoko munang mabwisit ng tuluyan ay ginawa ko nga ang utos nito.. Matapos kong buksan ang gate ay napatingin ako sa magara nitong sasakyan. Mukhang masarap sumakay sa kotse nito. Feeling ko ay mabango ang loob ng sasakyan nito at napakalamig sa loob.. Nagsimula na itong i-start ang kotse niya.. Inip akong naghihintay sa gilid ng gate dahil feeling ko ay papasakayin niya ako. Napangiti ako ng huminto ito sa kinatatayuan ko at binuksan niya ang bintana..













"Pakisara na lang ulet yung gate pagkalabas ko. Thanks." sabi nito sabay mabilis niyang pinatakbo ang kotse niya..









"Nuknukan talaga ng kagarapalan yung pagmumukha! Napakadamot! Iisang kumpanya lang naman ang pupuntahan namin hindi pa ako sinabay! Aaaagggghh!! Bwisit talaga sa umaga !!!" inis na sigaw ko pero wala namang nakakarinig dahil umalis na ito... Irita kong sinarado ang gate tsaka ako naglakad para makalabas ng Village..













My Perfect DisasterWhere stories live. Discover now