Under Ni Kumander

11.4K 256 5
                                    


"You may now, kiss the bride." Sabi ng pari sa dalawang ikinakasal sa harap ng altar. Tuwang tuwa ang mga taong nanunuod at nagpapalakpakan pa. Minsan ay napahahagikgii dahil sa kalokohang ginagawa ng groom habang tuloy tuloy ang misa ng pari.

"Huy! Kiss mo na ko." Sabi ng baklang groom. Tinaasan siya ng kilay ng bride na may pa-cross arms pa.

"Bride ka?!" Sumbat ng bride kaya nagtawanan ang mga tao. Sino ba namang hindi matatawa, kanina pa kating kati ang groom sa tuxedong suot nito at sa pink nitong buhok.

"A-ah.. Sorry naman, kumander. Eto na po.." MSabi ng groom at unti unting lumapit sa kanyang now-to-be bride. Masuyo niya itong hinalikan kaya't nagpalakpakan ang mga tao sa paligid, lalo na ang mga tarantandong kaibigan ng baklang groom na walang ginawa kundi sumegway ng sumegway ng sigaw.

"Woooh! Brad nasa simbahan ka wag agresibo!" Tawang tawang sigaw ni Vhong habang naghahampasan na sila sa tuwa ng best man na si Billy. Pati ang mga tao sa loob ng simbahan ay natawa sa sigaw ni Vhong.

Humiwalay sa halik ang grom at tumingin ng masama sa dalawa habang tinataas ang kamao niya sabay mouth ng 'lagot kayo sakin sa reception.' . Napa-peace sign ang dalawa pero mapang-asar parin ang mga mukha.

"Let us give an around of applause for the newly wedded Mr. & Mrs. Viceral!" Sabi ng pari at pumalakpak rin. Lahat ng mahahalagang tao sa buhay ng mag-asawa ay nandun kaya iba nalang ang saya nila lalo na't ngayong kasal na sila.

Habang palakad ng red carpet may mga rose petals na nahuhulog mula sa taas nila kaya napakaganda ng view.

Nang makalabas ng pintuan ng simbahan, oras na para ihagis ni Karylle ang bouquet ng bulaklak. Mga malalapit na kaibigang babae ang nagsisitulakan kahit na hindi pa hinahagis ni Karylle ang kanyang bulaklak. Sina Iza, Anne, Diana, Coleen, ang naka-abang sa likod at naghihintay sa bulaklak na ihahagis ni Karylle. Nang maihagis na......

"Hala?!" Sabaysabay nilang sigaw dahil ang nakasalo nito ay si... Buern. Kaya naman napa-poker face si Vice at sinamaan siya ng tingin ni Bernard.

"Nay, inagaw.. Wala na." Walang emosyong sabi ni Bernard at inirapan si Buern.

✖️✖️✖️

After 1 year....
.
.
.
.
.
.

VICE

"Vicey ano ba!! Sabi ko hindi ito! Ube hopia 'to eh! 'Yung walang flavor gusto ko! Sisipain talaga kita eh." Reklamo sakin ni Karylle. Haist, ang arte naman nito, hopia rin naman 'yung binili ko eh! Ano bang pinagkaiba ng ube hopia sa original na hopia?

"Opo, eto na po. 'To naman ang bilis magtampo. Baka mainitin din ang ulo ni baby dyan sa tyan mo." Sabi ko sabay ngisi.

Yup, tisbun si misis ko. 7 months na. Nakakaloka nga eh, kung ano ano ang gustong kainin! Sabi kanin, tapos pag binigyan mo ng kanin, magagalit. Yong totoo?!

"Bilisan mo ha!? Tapos umalis ka na agad! Male-late ka pa." Umirap siya. Aba bastos 'to ah. Kung di ko lang talaga to mahal kanina ko pa 'to sinapatos eh.

Ngumiti nalang ako sa kanya ng may halong takot. Hindi niyo kilala 'tong misis kong kamag-anak ni incredible hulk.

9:30 na kasi, ta's babalik pa ako ng bahay pagkatapos bumili ng hopiang pinabibili ni misis. Pupunta pa kasi ako sa trabaho ko, sa showtime syempre. Nagtatrabaho rin si Karylle dun, dun ko nga siya nakilala eh, dun din ako nainlove sa kanya. Eeeh. Enebe.

Siyempre pinatigil ko muna siya, pati si Direk Bobet sinabihan narin siya na wag munang maghost hangga't hindi pa lumalabas yung bata sa tyan niya. Nung nag-6 months kasi si Karylle, lumaki na yung tyan niya ng konti, kaya pinatigil ko muna mag-trabaho. Baka makasama kay Baby. Baka mapagod rin siya.

Pagkatapos kong makabili ng hopia sa isang shop, bumalik agad ako ng bahay. 5 pack na 'tong binili ko, jusko mukhang boondat si baby pag labas ha. Di ko pa man din alam kung boy ba o girl. Next week pa namin malalaman kasi next week pa rin ang check up ni K sa ob.

"Kareel! Andito na po hopia mo." Sabi ko pagkapasok ng bahay namin sabay halik sa pisngi niya.

"O? Ba't naka simangot ka nanaman?" Sabi ko sa kanya at kumunot narin ang noo ko.

"Eeh.."

"Wag mong sabihin na mali nanaman 'yang nabili ko? Naker, Hopia na ang ipapangalan ko na talaga sa batang 'yan." Sermon ko ng nakapamewang. Mapapagalitan nanaman ako ni Direk niyan, lagi akong late.

"Noo.." Nagpout siya.

"Eh ano?"

"Gushto ko pa ng lumpia." Wadapak. Pabalik balik na ako ha? Buntis na pinapahirapan pa ako. "Shigi na pleash.. Shige bakla ka.." Bakla naman talaga ako. -.-

"Haist! Minsan kumander, itext mo nalang ako para hindi ako pabalik balik. Kaloka ka tignan mo 'tong hair ko ni-piraso ng extensions wala pang nakakabit." Sabi ko sabay hawi hawi sa buhok kong natural.

"Pleash. Pogi ka naman eh." Sabi niya sabay halik sa labi ko ng mabilisan. Yen nemen pele eh.

"Fine, babalik ako agad. Love you." Tinatamad kong sinabi at humalik uli sa kanya.

Hayst,. Under talaga ako ni Kumander.

♦️.
♣️.

To be continued....

Under ni Kumander | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon