Prologue

13 0 0
                                        

"Hay naku. Late ka nanaman, Takagi." Sabi ni Inspector Megure

"Pasensya na po. Medyo na late po kasi ako natulog." Sabi ko

Ako nga pala si Takagi Wataru. 26 years old. Siya si Inspector Megure. Tinuring ko rin siyang ama tulad ng crush ko na si Sato Miwako.

"Uyy, Takagi. Tinatawag ka ni Sato. Sabi niya may pupuntahan kayo." Sabi ni Shiratori

Siya naman si Ninzaburo Shiratori.

"Sige. Mauuna na ako!" Sabi ko bago lumabas sa istasyon

Sato Miwako POV

Tatlong taon na pala ang nakakalipas. Nung nangyari ang insidente.

Nasa isang amusement park ako ngayon. Kaya dito ako pumunta dahil may gusto akong aminin sa sa isang tao.

Sa dinami daming lalake na nandidito. Siya ang napili ko.

"Ah! Detective Sato." Sabi ng isang bata na si Ayumi

"Ah. Kayo pala mga bata." Sabi ko

"Ano pong ginagawa nyo dito?" Tanong ni Conan

"Nandito ako para---"

"Hulaan ko. Nandito kayo para mag date ni Detective Takagi." Sabi ni Haibara

"Eh?!?!" Sabi ni Ayumi

"Pano mo nasabi?" Sabi ni Conan

"Base sa mukha ni Detective Sato. Tiyak na may iniisip na kakaiba." Sabi ni Haibara

"H-hindi naman yon ah! Tsaka wala kaming date ni Takagi." Pagdadahilan ko

Mga bata talaga ngayon.

"Sato-san!!!" Tawag ng isang tinig

"Si Detective Takagi!" Sambit ni Mitsuhiko

Conan Edogawa POV

"Kudo. Mukhang may nararamdaman akong kakaiba." Sabi ni Haibara

"Anong ibig mong sabihin?" Sabi ko

"Naalala mo ba yung nangyari sayo?" Sabi ni Haibara

Agad kong naisipan yon. Yun din ang nangyari sa akin nung dumating ang BO sa buhay ko.

"Bakit mo nasabi?" Sabi ko

"Baka sa isang iglap. Mawala rin siya." Sabi ni Haibara at napaisip ako ng malalim

Sumiko Kobayashi POV

"Kobayashi." Sabi ng isang lalake

"Shiratori." Sabi ko

"Magpunta tayo sa isang parke. Gusto mo?" Sabi ni Shiratori

"Oo naman." Sabi ko at agad ako sumakay sa kotse niya at pumunta na sa isang parke

Sato Miwako POV

"Ang galing!" Sabi ni Ayumi

"Cross pitch ang ginawa ni Detective Takagi." Sabi ni Conan

"Ano yon?" Sabi ni Genta

"Ang cross pitch ay isang uri ng pitch sa baseball. Kadalasan pababa ang kilos nito." Sabi ni Haibara

"Wow!" Sabi ni Mitsuhiko

"Sandali lang, Sato. May naiwan ata ako sa kotse. Hintayin nyo ko." Sabi ni Takagi

Conan Edogawa POV

Eto na...ang nangyari sa akin nung nakita ko ang BO.

Takagi Wataru POV

Pagkarating ko sa kotse ko. Agad kong hinanap ang susi.

"Hala. Nasaan susi ko?" Sabi ko

Maya-maya biglang may humampas sa ulo ko ngunit agad akong nakatayo don. Sa pangalawang paghampas. Dun ako nawalan ng malay.

Third Person POV

Makalipas ang insidente na yon. Agad umalis ang lalake na nakasuot ng kulay itim.
Halos 30 minuto na ang nakaraan nung may dumating na gwardiya sa kinaroroonan ni Takagi

Takagi Wataru POV

"Bata..."

"Bata..."

Bata? Anong ibig niyang sabihin?

"Bata. Nasaan mga magulang mo?"

Anong ibig niyang sabihin?

Agad kong inimulat ang mga mata ko at nandoon ang isang gwardiya.

"Alam mo ba numero ng magulang mo, Bata?" Sabi ng guwardiya

"Ano pong ibig nyong sabi---"

Di ko na natuloy ang sinasabi ko nung nakita ko ang kamay ko. Kasing laki ito ng isang pitong taong gulang. Ibig sabihin kaya tinawag niya akong bata ay!!!

Lumiit ang katawan ko.

[End]

It all start with a lie (Takagi Wataru AU)Stories to obsess over. Discover now