We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

Episode 1

8 0 0
                                        

          Si Aleinna ay isa sa tatlong anak ng mag asawang Reyes siya ay pangalawa sa magkakapatid isang lalaki ang panganay siya ang pangalawa at bunsong babae
         Sila ay isang simple at masayang pamilya silay nakokontento na kung anong meron sila bastat silay sama sama at masayang nagmamahalan...
        Kung tutuusin kaiinggitan sila ng ibang tao sa sobrang closeness nilang pamilya para silang magkaka edad kung mag biruan pero may pag galang sa mas nakakatanda tinuruang silang magkakapatid ng tamang asal at pagmamahal sa pamilya tinuruan sila na maging handa sa lahat ng hamon ng buhay..... 

NAKARAAN.....

***** Aleinna!  Allen!  Alexander! Gumising na
            kayo at tayoy mag aalmusal na.. 

                                
   =  iyon ay boses ng kanilang ina na nag luluto sa kanilang labas ng bahay gamit ang mga tuyong kahoy na kanilang kinukuha sa kakahuyan...
          Nasa labas ng bahay ang kanilang lutuan ito ay dirty kitchen kung tawagin ng karamihan ngunit sa kanila ito ay ang pinaka magandang lutuan para sa kanila dahil ito ay ginawa ng kanilang ama na may kasamang pagmamahal..
          At ang ginagamit doong kahoy ay masaya nilang pinamumulot sa kakahuyan para igatong sa kalang ginawa ng kanilang ama..
         Sila ay nakatira sa itaas ng bundok sa lupa ng lolo ni Aleinna ito ay pamana ng kanilang lolo sa mama nina Aleinna..
         Hindi naman kataasan na bundok ngunit sila ay nasa pinakang ibabaw nito kayat tanaw mula doon ang dagat at bayan sa kanilang probinsya.. 


*****   Ate,Kuya  gising na daw sabi ni mama. 

=Boses ng bunso nilang kapatid.
  Agad namang bumangon si Aleinna ngunit naiwan ang kanilang nakatatandang kapatid na si Alexander dahil ito ay mahirap gisingin dahil sa himbing ng kanyang tulog..

*****Ma. ano pong ulam natin?

=tanong ni aleinna sa kanyang mama.
        Agad namang lumingon at ngumiti ang kanilang ina..


*****pumunta n kayo sa kubo at mag hain na ng
           makakain na tayo.. Hndi parin ba
           bumabangon ang kuya ninyo? Talagang
           ginagalit ako..  Gusto yatang makurot sa
           singit niyang bata na iyan!
        

=iyon ay pabiro na may pag babanta kayat bumangon agad ang kanilang kuya para lumabas at sabay sabay silang makapag almusal..
        Masayahin ang kanilang ina at mahaba ang pasensya dinadaan nya lagi sa lambing ang pagkausap sa kanilang magkakapatid..
        Pero kahit ganon ay malaki parin ang takot ng mga ito sa kanilang ina..
        Ang ama nman nila ay isang tahimik lang na tao...  Pag bago palang sya nakita ng tao iisipin na masungit at palaging nagagalit o nakasimangot...  Pero iyon ay natural lamang na reaksyon ng kanyang muka normal lng iyon sa kanya pero sa iba ay hindi 😂😂
        Pero pag oras ng kanilang gaslawan o biruan nagiging makulit at ngumingiti rin nman ang kanilang ama lalo na pag ang ina nila ang pasimuno sa pag gagaslawan o biruan nilang pamilya...




*****Aleinna, Allen magkatapos kumain mag
           liligpit ng pinag kainan...

          Opo ma.. 

       Alexander,  mag titimba ka sa poso ng ating
        tubig at ang dadi ang bubuhat paakyat..

        Opo mama...


=Pag ka tapos nilang mag almusal nag pahinga lng sila at sinimulan na nila ang kani kanilang gawain...
          Ang ina nila ay nag wawalis ng paligid ng kanilang tahanan..
          Ang ama naman nila ay nag sisibak ng kahoy para itoy maibilad sa araw para matuyo iyon ay puno ng ipil na sinisibak ng kanilang ama sa kakahuyan okaya namay mga malalaking sanga na napuputol sa mga puno sinisibak para lumiit at maipang gatong sa kanilang kalan na kahoy..


WILD TEENAGE LIFE Stories to obsess over. Discover now