Chapter 1

40 2 0
                                        

One


"Learn to stop when you feel tired, taking a pause doesn't mean giving up," Loui said, tinapik niya ang ulo ko at saka isinara ang librong kanina ko pa binabasa, pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong naiintindihan. 


"I'm tired of everything, can I pause to everything?" Nanlulumo kong tanong, humugot siya ng malalim na hininga bago ako sagutin. 


"Of course, and when you feel better, edi tuloy na ulit. You can't do something when you don't feel to do it, so take easy for your self." 


"Okay, ayoko na munang mag-aral, maging anak, maging kapatid, maging girlfriend, to make it short, ayoko na munang maging ako," we remained silent. Dahil nandito kami sa Library. 


Tuwing uwian ay dito 'ko tumatambay sa Library para mag-review, pero madalas ay nandito ako para matulog o maghintay sa boyfriend ko na laging may training sa basketball. Laging nasasakto na nandito rin si Loui, nagkakilala lang kami rito dahil iisang table lang lagi ang pinupwestuhan namin. Sa pagkakatanda ko ay mas matanda siya sa'kin ng isang taon.


"Hanggang 8PM lang dito sa Library, anong oras ka ba susunduin ng boyfriend mo?" Loui asked, while fixing his stuffs. Binuksan ko ang phone ko para tignan ang oras.


"7:30 pa lang naman, before eight nandito na 'yon. May training kasi sila ngayon, alam mo naman, buhay student-athlete," tinapunan niya ako nang tingin at saka umiling.


"Palagi ka nalang ba maghihintay sa boyfriend mo? siya yung lalaki dapat alam niya na hindi dapat pinaghihintay ang babae, lalo na't girlfriend ka niya, okay naman sana kung paminsan-minsan lang, pero hindi eh, ginagawa niya ng hobby," tila ba'y nauubusan niyang pasensya niyang sabi.


"Ayy, ang stereotype ha! Lalaki lang ba ang p'wedeng maghintay?" natatawang sagot ko.


"Sinasabi ko lang yung napapansin ko."


Naiintindihan ko naman kung bakit ako yung laging naghihintay, hindi rin kase laging on-time ang training nila kaya minsan naghihintay ako, madalas pala, pero okay lang.


"Naiintindihan ko naman siya at ayos lang naman sa'kin," nagpakawala nalang siya nang buntong-hininga at hindi na sumagot, dahil alam niya na lagi akong may isasagot. Sana pati sa exams at recitations. 


Sinamahan niya 'kong maghintay at gaya ng inaasahan ko, inabutan na kami ng closing time. No choice kundi ang lumabas. I immediately checked my phone to see if there's any messages from him. As usual, wala. 


"I-text mo na kaya, sabihin mo mauuna ka na. Anong oras na oh, for sure hinahanap ka na sainyo, ako nalang ang maghahatid sayo," napanguso ako at saka inilabas ang ang phone ko.


To: Bae

Bae, inabutan na ako ng closing sa Library, matagal ka pa ba? Mauuna na "ko sayo, bukas nalang tayo magkita. Text me when you read this. Drive safely, okay? I love you!! 


"Tara na, walang reply eh, bawal kase silang gumamit ng phone 'pag nasa training kaya for sure hindi pa rin sila tapos."

Stoplight (SharDon)Stories to obsess over. Discover now