- s t a r t -
"J-Johnny, sigurado kaba na walang nakakita sa atin dito?" Tanong ko sa boyfriend ko na nagbubuton ng polo. Kakatapos lang namin dito sa likod ng lumang classroom.
"Oo naman, safe na safe tayo dito." Paninigurado naman niya. Nakahinga na ako ng maluwag. Mabilis kong inayos ang nagusot kong blusa at nagtali ng buhok.
"Tara na," sabi ko. Sabay kaming naglakad papalabas. Medyo madilim na rin at wala nang tao rito, tanging mga gwardya nalang kaya doble ingat kami.
Habang naglalakad sa hallway ay bumitaw ako sa kanya.
"Johnny, naiihi ako," daing ko. "Huh? Tiisin mo muna"
"Hindi ko na kaya, please, baka bukas pa 'yung c.r. dito," pagpupumilit ko. "Sige, sige. Iintayin nalang kita sa labas. Do'n nalang tayo magkita, okay?"
"Sige, ingat." Pagkasabi ko n'on at naghiwalay na kami. Umakyat ako sa sa unang palapag at tinignan kung mayroon bang banyo roon. Agad ko namang nakita ang isa sa dulo. Pumasok ako kaagad. Maliit lang ito at mukhang hindi masyadong ginagamit.
Hindi ko na pinansin ang alikabok at dumi na namamahay roon. Nang makatapos ako, dali-dali akong lumabas dahil medyo tila yata bumibigat ang atmospera sa loob.
Nanindig ang balahibo ko nang may marinig na kakaibang tunog. May kung ano sa akin ang nagsabi na sundan ito. Tinignan ko ang magkabilang hallway at nakita ang liwanag na nagmumula sa dulo no'n.
Dahan-dahan akong naglakad patungo roon at nang makalapit ay nakita ko ang kung anong nagbubukas sa pader. Parang lagusan. Muntik na akong mapahiyaw nang makita ang kung ano ang lumabas mula roon.
Napaatras ako ng kaunti at nakaapak ng kung ano at lumikha ito ng malakas na ingay kaya agad akong tumakbo palayo. Nagtatakbo ako sa dilim at wala na akong makita.
Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko nang makita ang sumusunod sa akin. Tila galit na galit ito at gutom na gutom. Dire-diretso lang akong tumatakbo hanggang sa nawalan ako ng balanse at bumagsak sa sahig.
Pinilit kong tumayo pero hindi na tulad ng dati. Kinailangan ko pang humawak sa bawat bintana ng classroom para manatiling nakatulay.
Pagtingin ko sa likod ko ay wala na iyong humahabol sa akin. Nagtaka ako at hinanap ito sa magkabilang gilid pero wala talaga.
Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit paika-ika ako. Napatigil ako nang may marinig ang pamilyar na ungol. Sa pagkakataong ito ay mas malapit na pero wala akong makita.
Hanggang sa may pumatak sa ulo ko na kung anong likido. Sinuri ko iyon at malapot na parang laway. Tinignan ko kung saan ito nanggaling, sa itaas. Laking gulat ko nang mapagtanto kung ano iyon.
"ARGHHH!!" Sigaw ko at tumalon siya papunta sa akin. Wala na akong lakas para tumakas pa. Pagbagsak niya ay agad na tumambad sa akin ang kahindik hindik nitong hitsura.
Muli sana akong sisigaw nang biglang lumabas ang mga galamay nito at tumusok sa sikmura ko. Napaawang ang labi ko at hindi makapaniwala. Lumabas ang dugo mula roon.
Pero tila hindi lang dugo ang lumalabas. Para akong hinihigop. Para akong pinipiga nang walang kalaban-laban. Bago tuluyang pumikit ay may umalpas na luha sa aking mata.
Hanggang sa ang huli ko na lang nakita ay si Johnny. Hinahanap niya ako at wala na akong lakas para humingi ng tulong. Paalam, Johnny. Hanggang sa muli nating pagkikita.
- e n d -
this chapter is dedicated to juleshiaxx
:))
YOU ARE READING
WAKE UP, STUDENTS!
FantasyThe portal is opened. The unknown forces will return. As the night comes, the group of teachers and exceptional students will be reunited again to fight these monsters.
