HIS PROMISED 11 YEARS AGO

Start from the beginning
                                    

Tumango sya at tila nag-isip. "Uhm, okay. I will marry you after 11 years." He promised.

HINDI ako nakatulog kagabi kakaisip tungkol sa sinabi nya.

Pwedeng imposible at pwede ring posible.

Imposible dahil alam kong sa daraan na 11 years, magbabago ang pagtingin nya sa akin at syempre makakahanap sya ng ibang taong magmamahal sa kanya.

Posible naman kung ako lang talaga ang babae sa buhay nya pero hindi.

So, hindi na ako aasa.

LUNES na ngayon kaya papunta na ako sa school. Malapit ang school, walking distance lang.

Maya-maya ay naramdaman kong may sumusunod sa akin. Palingon-lingon ako sa likod pero wala akong nakikita na sumusunod sa akin.

Mabuti ay agad kong nakita si Klei na nag-aabang sa labas ng gate ng school.

Mukhang inip na inip na sya pero nang makita ako ay agad lumiwanag ang mukha nya.

Nawala ang takot na bumalot sa akin kakaisip tungkol sa pakiramdam ko kanina.

MABILIS na lumipas ang oras at ngayon ay vacant na. Sinundo ako ni Klei sa classroom ko kahit na mamaya pa ang vacant nila.

Lagi nalang ganito, umaasa ako sa motibo na pinapakita nya.

Pagdating namin sa cafeteria ay puro bulungan ang bumungad sa amin.

Ang iba ay nakatingin sa akin habang bumubulong. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ako ang pinag-bubulungan nila.

Umupo kami ni Klei sa bakanteng upuan. Doon ay mas lalong lumakas ang bulungan.

'Diba sya yung nasa video?'

'What video?'

'Iyong scandal'

'Nag-iisip kaba?'

'Bakit?'

'Magkaiba ang uniform natin sa suot na uniform nung babaeng nasa video, so stop spreading fake news.'

Lumakas ang boses nila kaya nakita kong tumingin sa akin si Klei. Napa-kagat ako ng labi, hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Sigurado akong kapag nagsalita ako ay sasabihin nilang totoo ang nasa video, na ako 'yon kahit hindi naman.

Dahil sa panahon ngayon, makikitid na ang utak ng mga tao.

Akmang tatayo na si Klei nang pigilan ko sya.

"W-Wag ka nang maki-alam.."

"Huh? Mag-oorder ako bg pagkain natin."

Napayuko ako at unti-unting tinanggal ang pagkakahawak sa kanya.

Alam kong narinig nya 'yung mga bulungan.

At hindi nga ako nagkamali, nilapitan nya ang babae at may ibinulong sa mga iyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ONE-SHOT STORIESWhere stories live. Discover now