Note : About myself :))
Tulog na, tulog na
Oras na ng tulog ngunit ang aking mga mata'y mulat pa
Sabi ng iba'y madaling matulog
Ngunit kahit ilang beses ko subukan ako'y nauuwi sa paghingi ng tulong
Tulong! Tulong! Paano ba pigilan ang mga kaisipan na nagdudlot ng pagtulo ng luha ko
Saan nga ba ako nalulunod, sa aking mga iniisip o sa mga luha ko?
Sa bawat gabi ay hindi ako nauubusan ng problema kaya ako'y nasasaktan
Sana ang mga problema ay parang aralin sa paaralan na lagi kong nakakalimutan
Sa bawat gabi na puno ng luha at hinanakit
Ni minsan ay hindi ko nagawang makalaya sa sakit
Kaya ako ay nauuwi sa pagluha kasabay ng pagkawasak ng aking puso
Sana lang ay maiahon ko pa ang sarili ko mula sa kadiliman na ito
Hindi ko na maalala kung kailan, paano nagsimula ang sakit
Ang alam ko lang ay ang sagot sa bakit
Simula nung ako ay nagkaroon ng kapansanan na nagdudulot ng pisikal na sakit
Hindi lang pisikal kundi emosyonal na pait
Pero hindi ako nakatanggap ng lait ngunit ang mga simpleng biruan na sinasambit ay nakapasakit
Bagkus nagdulot ito ng pagbaba ng kompyansa ko sa aking sarili na hindi ko man lamang napansin na eto pala ang dulot sa akin
Ako’y napapagod na
sa paulit-ulit na problema,
Pagod na umiyak sa mga bagay na di ko kayang makontrol,
Pagod na akong magisip sa sasabihin ng iba tungkol sa akin,
Pagod na akong masaktan,
Ngunit kahit pagod na ako ay hindi ito masolusyonan ng pahinga
Sapagkat kahit anong pahinga ko ngayon ay kinabukasan ay babalik pa din sila
Isa na lang ang alam kong tama at totoo
Ay yun ay nasa tamang kaibigan na ako
Sapagkat sa bawat gabi na kahit puno ng hinanakit ay nakakaya kong ngumiti at tumawa
Ito ay dahil sa mga kaibigan na kahit simpleng kwentuhan ay abot langit ang aking saya
Hindi ko man alam sa ngayon kung paano mahalin ang sarili ko
Ngunit may mga taong handang ipakita sa akin na ako'y sapat at mahalaga kahit ako ay hindi perpekto
Ako ay simpleng tao na hindi malaya mula sa kanyang sarili
Sa bawat galaw ay nakikitaan ko ng mali
Hindi magawang pahalagahan ang sarili
Umabot na sa punto na ako ay handa ng sumuko
Pero alam kong mali ito kaya buhay ko ay hindi hihinto
Sana pagkatapos ng araw na ito ay kaya ko ng palayain ang aking sarili mula sa kulungan na ako
mismo ang bumuo
VOCÊ ESTÁ LENDO
Poems
PoesiaWala akong mashareran kaya dito na lang🥺 hope you guys will appreciate it. Yung iba siguro medyo sensitive but I hope you will understand my message :))
