Tubig at Langis

521 60 39
                                    

Magkaibang bagay na pilit pinaghahalo
Gaya ng ikaw at ako na pilit pinagtatagpo
Ginawa natin ang lahat at naging tayo
Ngunit sadyang mapaglaro ang kapalaran
Na pilit tayong pinaglalayo ng tuluyan

Mahirap bumangon kapag ang puso'y bigong-bigo
Na parang may matatalim na bagay ang nakatusok
At sa bawat tusok nito'y lumalalim sa pagpasok
Tila'y nagdudulot ng matinding pagkalugmok
At ang pag-ibig ko sayo'y gusto ng sumuko

Hanggang kailan tayo magsasama
Itong pagmamahalan nating 'di magtatagal
Hanggang saan tayo mananatili
Pagsasama nating walang mararating
At ika'y bigla nalang mawawala sa aking piling

Masakit isiping lumalayo ka na rin sa akin
Kung sa bawat hakbang mo'y kay bigat sa damdamin
Mga agos ng aking luha'y ikaw ang dahilan
Habang sumasabay sa lakas ng pagpatak ng ulan
At kasabay ng paglaho mo ang iyong paglisan

Gaano man kalalim ang sugat na aking nararamdaman
Kahit ang sakit nito'y paulit-ulit ko nararanasan
Ayoko pa rin ipilit ang hindi naman magiging akin
Ngunit mahirap sumuko sa taong mahal mo pa rin
Oo, ikaw pa rin na pilit inilalayo sa aking tabi

Kakalimutan ko na ang lahat sa atin
Kakayanin ko ng ibaon ka sa limot
Kahit itong puso ko ikaw pa rin
Na umaasang babalik ka pa rin sa akin
Pero ba't ganun pag-ibig ko sayo'y di masabi

Hahayaan na kitang lumayo oh, aking sinta
Dahil itong pag-iibigan nating 'di mapinta
Na kasing kulay ng itim sa dilim ng langit
Ang hiling nating maibalik ay 'di makakamtan
Kung ang kamay mo mismo'y 'di ko mahawakan

Balik baliktarin man ang ating mundo
Hinding-hindi pa rin maibabalik ang dating tayo
Dahil may mga bagay na 'di na kayang ibalik
Tulad ng iyong mga yakap at halik
Na hindi na dapat hinahanap-hanap

Mga ala-ala nating dapat ng kalimutan
At mga kamay mo'y dapat ko ng bitawan
Na minsan ko ng hinawakan at iningatan
Ako'y bibitaw at handa kang talikuran
Kahit itong puso ko'y uuwing luhaan

Paalam, sana'y ika'y maging masaya
Puso't isipan ko'y gusto ng maging malaya
Mula sa magulong relasyong 'di makaya
Na parang kay lalim ng paglubog ang ating pagsasama
Dahil nagmimistulang tubig at langis itong ating pag-ibig

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon