Introduction

49 1 0
                                    

4th year high school ngayon si Andrea Leigh Mendoza.  Nag-iisang anak nina Mr. and Mrs. Mendoza Lahat ng gusto niya binibigay sa kanya. Isa lang yung hindi na maaari. Ang magkaroon ng kapatid. Tila wala na rin kasing magkaanak pa ang mama niya.

Umpisa palang ng kanilang buhay high school, naging magkaibigan na sina Maureen, Andrea, Steph, Shaira, at Eya. Magkasama sila sa lahat ng trips, gala, tawanan, as in sa lahat ng bagay, sila yung magkakaramay. Adik sila sa one direction sa kasalukuyan. Meron din silang tambayan sa tuwing wala silang ginagawa. Sila mismo ang gumawa ng tambayan na to. Isang bahay kubo na pininturahan nila ng kulay itim at pink. Para siyang maliit na bahay dahil mayroon itong sofa, center table, merong maliit na tv , ref na punong-puno ng pagkain, meron ding folding beds at dvd player. Punong-puno rin to ng 1D posters, magazines at kung anu-ano pa. Tinawag nila itong SEAMS’ house. (SEAMS: First letters ng mga pangalan nila)

Madalas sila dito lalo na tuwing weekends. Mahilig rin silang mag shopping at mag grocery. Mahilig kumain pero di naman tumataba. Di nila madalas napag-uusapan ang mga kalalakihan. Yung iba kasi sa kanila, man-hater, NBSB(no boyfriend since birth) at ayaw makaranas. Pero lahat sila merong mga crushes,celebrities nga lang...

Si Shaira patay na patay kay Lee Min Ho; si Eya naman, patay na patay kay Mario Maurer; si Maureen, kay Daniel Padilla; si Andrea naman, kay Jake Vargas; at si Steph, baliw na baliw kay Justin Bieber. Ganun pa man,  sa kabila ng iba’t-ibang celeb crushes nila, MAS adik parin sila sa one direction.

Kung nasa campus naman, favorite past time nila ang KUMAIN. Kaya lagi silang may dalang pagkain sa mga bag nila. Mahilig din silang kumanta at mag gitara.

Last year, nang field trip sila, they went mountain climbing at inexplore nila ang beauty nag 7 falls. Nag zip line sila at nag hiking at the same time. Habang nag h-hike sila, aksidenteng na dulas si Eya sa putik. Gumulong siya at nahulugan ng ilang katamtamang laking mga bato at ayun, na injure yung kanang paa niya. Matapos ang insidenteng yun, di na siya pinapayagan ng mga magulang niyang gumala lalo na kapag nature trippings.

Di nga yata siya papayagang sumama sa farewell party nila. Sa beach kasi ang venue. Dahil na rin sa sobrang pag-aalala sa anak. “Ma,payagan nyo na ako please??” paulit-ulit na tanong ni Eya. Pero wa epek naman, kasi hanggang ngayon, di niya parin nakukumbinsi ang mga magulang.

Actually, nagpaplano sila ngayong sumali sa upcoming battle of the bands sa school nila. Si Andrea sa base, si Steph at Maureen sa guitars, si Shaira sa organ at si Eya naman ang magiging vocalist. Kaya ngayon, yan na yung kinaaabalahan nilang lima kaya napapadalas sila ngayon sa seams’ para mag practice.

Pagdating naman sa Love life, si Andrea at Eya lang yung mayroon. Si Jeffrey  Karl Paras yung kay andrea. 3rd year student din ngayon si Jeff pero magkaiba yung sections nila ni Andrea. Siya ay kasalukuyang varsity player ng basketball team sa school nila. Almost two years na silang mag-on ni Andrea, since 1st year high school. Unforgettable din yung courtship ni Jeff kay Andrea. Intramurals nila nun at mayroong request booth sa campus nila. Babayad ka lang ng 2 pesos, makakapagsalita ka na sa micro phone na maririnig ng buong campus for 1 minute. Dun sinimulan ni Jeff ang panliligaw kay Andrea. He paid 10 pesos para sa 5 minutes niyang speech. That time, nasa classroom si Andrea, natutulog. Nang mag-umpisang mag salita si  Jeff, ginising nila agad si Andrea. Gulat na nakinig naman si Andrea. Maya-maya pa, habang patuloy na nagsasalita si Jeff, may bigla namang humila kay Andrea, si Mark (matalik na kaibigan ni Jeff). Dinala niya ito sa labas dun sa may malapit sa field. Pinaupo siya sa may bench.

15 high school students that appeared sa harap niya. Kasama na dun ang mga kaibigan ni Jeff. Lahat sila nakaputi  at sumayaw. “Ano to, talent show at ako yung judge?”(bulong sa sarili) bumuo sila ng isang mahabang linya at Isa-isang tumalikod habang patuloy sa pagtugtog ang “next to you” ni Justin Bieber at Chris Brown. Sa likod pala ng puting T-Shirts nila may tig-iisang letra na tila bubuuin nila sa isang pangungusap.

W-I-L-L-Y-O-U-B-E-M-Y-G-I-R-L-?

o.O  whoa!

Todo tili naman ang mga babae sa paligid na sobrang kinikilig. Sa gitna ng maraming estudyanteng nanonood, lumabas si Jeff na may dalang bouquet papalapit kay Andrea. He got Andrea’s hand and let her stand. And made another speech : “Andrea I want you to be the only girl that I’ll love for the rest of my life. I Love you Andrea Leigh Mendoza. Will you be my girl? Blah blah blah….”Todo hiyawan lahat ng estudyante. lahat sila kinikilig. “uhm…”       yes na ! yes na yan ! –hiyaw ng mga tao sa paligid. Habang si Jeff, nag hihintay ng sagot niya ..

May ilang minuto rin ng pag-iisip, bago makasagot si Andrea “oo na Jeff, tayo na”  sagot ni Andrea. Niyakap ni Jeff si Andrea at sa sobrang tuwa, napaluha pa ito. “Thank you. Thank you soo much Andz, I promise to protect and love you forever…” Todo hiyawan nanaman ang mga estudyante at nagpalakpakan for a job well done.

A/N :: hope you'll continue reading until the story ends.  I'll update anytime. sorry kung matagal. 

      Now, the REAL story may start. 

-zheyn BE MY FAN !

Back For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon