"Pero Oli—"















"Please Dani.. Mag-uusap naman tayo mamaya.."














Wala akong nagawa. Nakasimangot kaming bumalik sa office namin.. Walang umiimik sa aming apat. Mukhang wala kaming magagawang maayos na trabaho dahil sa mga nangyayari. Paano kung totoong magsasara na ito, makakahanap ba agad ako ng trabaho? Paano sila Tosh, makakasama ko pa ba sila? Ito ang dream team ko and ayoko ng magwatak-watak pa kaming apat..












"Hindi ito pwede." seryosong sabi ko.










"Wala naman tayong magagawa kung totoo man." sagot ni Camille.










"Pero dapat bigyan nila tayo ng mgandang dahilan kung bakit ito magsasara. Malaki ang sales ng magazine natin.. Sikat tayo sa buong Pilipinas.. So hindi bankruptcy ang dapat na idahilan nila dahil tututol ako.."
































Nagmamadali akong naglalakad papunta ng conference room dala-dala ang print out ng progress report na pinasa ko kay Oliver last week. Nagmomoment kami ng team ko dahil sa issue ng pagsasara ng Ka-Vogue ng tumawag ito sa office para ipaprint ang lahat ng iyon.








Papaliko na ako papunta sa conference room ng biglang may makabunggo ako.. Tumilapon ang mga dala kong papel.. Mabilis kong pinulot ito at ganoon din ang taong nakabunggo sa akin..






"Sorry Miss.." rinig kong sabi nito kaya ng tingnan ko siya na kasalukuyan ding nagpupulot ng mga papel na nahulog ay ganoon na lang ang gulat ko. Alam kong pareho kami ng reaction.. Nagulat din ito.

















"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito sa akin at napansin kong binagsak niya muli yung mga papel na pinulot niya kanina..


















Ken..

















"Wow hah? Ako nga ang dapat na magtanong sayo. Anong ginagawa mo sa kumpanya ko?" tanong ko dito at ngumisi ito.







"Is this your company Miss??" sarcastic na tanong nito at tumayo na siya.. Bago ko siya sagutin muli ay pinulot ko muna ang mga papel na nahulog..












"Company ko, means .. Kumpanya kung saan ako nagtatrabaho! Duuuh!!" pagtataray ko dito.. bakit ko ba kasi sinabing kumpanya ko. tsss..














"Let me guess.. Helper ka dito?" tanong nito kaya mas lalo yatang tumaas ang dugo ko.












"O sige, sabibin na lang natin na helper nga ako dito.. Ano namang masama dun hah? Wag mo ina-under estimate ang trabaho ng mga helper—"









"Shut up. Wala akong sinasabi." seryosong sabi nito..













"Editor ako dito!!" sabi ko dito at mas ikinabwisit ko ng tumawa ito.














"Editor? Editor ka?" natatawang tanong nito..









"At bakit hah? Hindi ba kapani-paniwala???" inis na sabi ko dito.. Umiling ito at nag walkout na naman sa harap ko.. Nagmadali akong sinundan ito.. Hinarangan ko siya para hindi makapaglakad..










My Perfect DisasterWhere stories live. Discover now