JustBeFriends presents: POR DA PERS TAYM

Start from the beginning
                                    

    Naging friend ko din yung babae, kaso feel ko na ayaw niya sakin at nagpapaka plastic lang siya. Inignore ko yun kasi girlfriend siya ng bestfriend ko. Lagi ko pa nga siyang pinagtatanggol sa bestfriend ko eh. Lagi ko siyang katex (si Dragon) at ganun din ako. Mas madalas nga na kami ang magkatext kasi busy yung babae. Nagtatampo na nga siya eh, kaso sabi ko.. baka busy lang siya, mag-wait lang. Sabi naman niya, namimiss niya daw yung lambing nung girlfriend niya.

    Haay… sakin niya binaling. =________= napapansin ko na na.. Alam mo naman pag may gusto sayo yung tao.. Pero inignore ko yun. Dati kasi pag humihingi naman ako sa kanya ng advice tungkol sa nagugustuhan ko.. maayos yung sagot niya. Kaso, nung tumagal tagal eh.. binabara niya na ko. -____- big help. tch. Lalo tuloy akong naghinala na baka… haay .. inignore ko na lang ulit.

  Tas napansin ko naman sa sarili ko na, di na ko sanay na wala siya, na hindi siya nagpaparamdam, na di ko siya nakakausap, na natutuwa ako sa mga simpleng text niya. Inignore ko na lang ulit. Kasi alam ko masama. May girlfriend na siya e. Nilayuan ko siya nun ng hindi niya napapansin… (kaso pansin pala niya) para dumistansiya..

    Kaso, BOOOM.. Bigla kaming naging magka-group. Nakalimutan ko na lumalayo pala ako. At ang nangyari, lalong lumala. Nagkaroon pa ng time na nagkaroon ng overnight samin. Apat na lang kami na natira. Siya lang yung nagiisang lalaki na kasama nung dalawa. Hindi naman sa kung anong masama ang iniisip ko sa kanya pero siyempre lalaki pa din siya. Kaya naman nakisama na lang ako matulog sa kanila.

    Para nga akong ewan nun eh, nagselos yata ako. Kaso nawala naman yun nung patulog na kami.. tas balik ewan na naman.. Kasi.. nung sinabi kong malaki yung kamay ko, sinabi niya mas malaki yung kanya. Edi sinukat namin, tas.. hinawakan niya yung kamay ko. Namiss niya daw si Kim, yung holding hands nila and whatsoever. Kaso sabi ko ampangit ng holding hands nila XD hindi kasi nakapasok yung mga daliri sa daliri. Gets mo ba? XD sadjang magkahawak lang talaga ng parang sa “Ama Namin”.

    Kaya dinemo ko sa kanya yung gusto kong holding hands. Tapos ayun… Hindi na niya binitawan hanggang sa matulog na kami. Niyakap pa nga niya ko nun sa tiyan. Ang adik eh. =___________=… Kinabukasan, siya agad bumungad sakin. Tapos, bago sila umalis„ Niyakap niya ko.. sa likod… habang nakahiga. Well hindi gaya ng mga green ang utak. =________= naka upo siya nun, ako nakahiga. Sa likod niya ko niyakap. Harmless.

    Haay.. ang hirap iexplain. Basta. XD haay… tapos.. nung tanghali, bumalik siya ulit samin para kunin yung mga bagay bagay na kelangan. Siya pa lang yung kauna unahang lalaki na pumunta mag isa sa bahay. At take note, andun pa si Kuya XD Inaasar din kami na boyfriend ko daw siya. Mula school hanggang bahay. Yung mukha niya parang ang saya. =________= samantlang ako .. duhhh… may girlfriend siya, at bestfriend ko lang siya.. Yun yung mga word na pinipilit kong ibaon sa kokote ko.

   Kaso ang kulit eh, ayaw pabaon! Hanggang sa .. nahulog na ko sa kanya.. At alam ko.. nararamdaman ko nun.. na.. gusto niya din ako. KASO NGA, MAY GIRLFRIEND siya. At kung hindi ikaw ang nasa kalagayan ko, iisipin mo na nilandi ko lang siya at inagaw ko sa isang tao na distansiya lang ang lamang ko sa kanya.

     Duhhh.. kung ico compare sakin, talagang maganda siya.. yung mukha niya.. kaso ampangit nga lang ng ugali. At dahil dun, inignore ko na lang talaga yun. Hanggang sa isang araw, nagconfess siya. Mahal niya daw ako. AGAD AGAD??? dahil lang sa bwisit na kantang “Lucky”.. nagka confessan tuloy.

    Kaso siyempre sinabi ko, baka iba yung nararamdaman niya. Na kaya niya lang nasasabi yun kasi wala dito si Kim, yung girlfriend niya. Sabi niya, naguguluhan din naman daw siya eh. TIME.. yun yung kelangan. Kaya di ko muna siya tinext ng halos… 2 Linggo yata. Nag-isip din ako.. Humingi ng advice, sabi nila.. depende daw talaga kay Dragon yun.

JustBeFriends presents: POR DA PERS TAYMWhere stories live. Discover now