Bahaghari

28 10 8
                                    

Dedicated to BBIBBITCH i hope you like it hehezz..

Kung sa tingin mo'y kilala mo na talaga ako...
Tingnan mo ulit ng mabuti..
Dahil sinisigurado ko sayo,
Wala pa sa kalahati ng ako..
Yung nakikita mo..

Maaaring lahat ng alam mong ugali ko..
Yun lang ang pinipili kong ipakilala sa iyo...
Sa t'wing tatawa ako sa harap mo na parang wala ng bukas...
Hindi mo alam kung gaano kadaming luha ang pinipigilan kong pumatak...
Sa t'wing ngingiti ako sa harap niyo..
Hindi mo alam kung ilang hikbi ang itinago ko...

Sa t'wing tatahimik ako sa isang tabi..
Hindi mo alam kung gaano ko gustong sumigaw ng malakas..
Sa t'wing dadaldal ako
Na halos ikairita mo..
Hindi mo alam kung ilang milyong sikreto ang iniingatan kong lumabas sa bibig ko...

Sa t'wing matapang akong tatayo, sa harap mo nang may ngiti sa labi..
Hindi mo alam kung ilang beses akong nadapa at umiyak dahil sa kahinaan ko...

Sinasabi ko sayo..
Hindi mopa ako kilala..
Hindi pa..
Mahina ako kung kailan mo iniisip na malakas ako..
Malakas ako kung kailan hindi mo naiisip ang pangangailangan ko..

Malungkot ako kung kailan mo ako nakikitang masaya...
Kung sakaling naguguluhan ka..
Masdan mo ako sa mata..
Doon mo makikita..

Ang tunay na kulay ng bahagharing..
Akala mo'y makulay...
Pero hindi pala...

Random Spoken PoetryWhere stories live. Discover now