❛❛ Ama ❜❜

278 3 3
                                    

「❁ Unknowngirl 」
@Unknownymuse_88 💌

﹂  P O E T R Y 📝 ﹁

— ❛❛ Ama ❜❜

Ama
Iniidolo kita
Simula bata hanggang sa ako’y nagdalaga
Sa bahay, patungong paaralan
Ika’y lagi kung kasama
Ika’y aking naging guro
na sakin ay nagturo

Kung pano mangarap at tuparin ito
Kung pano maging  matatag sa mga pagsubok na kahaharapin ko

Ama ikaw ay nagsilbing salamin ko
Na gusto kung sundin at gayahin sa paglaki ko
ngunit ngayon ay pano?

Pano kung ngayo’y ika'y nang-iwan nalang ng walang kibo-kibo
Pano ngayon kung saan may iba kanang kasamang pamilyang binu-buo
Pano kita gagayahin kung ngayo'y di na tama ang iyong ginagawa?

Ama, bakit iniwan mo kami ngayon kung saan ikaw ang tangi naming  naging sandigan
Sa lahat ng pagsubok na dumaan

Bakit?
Bakit mo sinaktan si ina na sobra sayo kung magmahal?
Bakit mo sinira ang pamilyang inspirasyon ko sana ngunit ngayo’y wala na
Bakit ama?
Bakit? San ba may mali ang pamilya natin?

Noon nama’y sobrang saya natin
Laging  magkakasama hanggang sa pagtulog man at sa pagkain
Ngunit ama alam kong di kuna mababalik pa ang nakaraan
Yung  araw na tayo’y buo at kompleto palang
Nung panahon na tayo’y nagmamahalan at walang iniisip na problema

Kaya ngayon ama pinapangako ko sayo  na gagawin ko ang lahat
Lahat, na pag ako’y magkakaron na ng sariling kong pamilya
Hinding hindi ko sila iiwan
Tulad ng iyong ginawa.

_______________________________________

Ang tulang ito ay hindi tula pa tungkol sa lahat ng AMA . Sanay maintindihan niyo po💞

Please always say THANK YOU and I LOVE YOU sa mga magulang niyo 💞

Please do VOTE and COMMENT 😊

And Please don't copy my works without crdts .
thanks 😉

TulaWhere stories live. Discover now