-Kamusta?-

3 0 0
                                        


Isang mensahe mula sakaniya
'Kamusta ka na?'
Isang ngiting umabot sa iyong mga mata
'Ayos lamang ako'
Simula pa lang
Alam mong iba na to

Dalawang salita ang nabigay niya
Nang tanungin mo kung mahal pa niya ang dating nobya
'Minamahal pa'
Ito ang inaasahan mong sagot niya
Ngunit bakit nasasaktan ka?
Ipikit ang mga mata't itatak sa isipan
Itigil na ang kahibangan

Tatlong salita
'Mahal kita, Bunso'
Mahal ka niya bilang kapatid
Di man sa dugo
Ngunit sa puso
Itigil mo na ito
Wag kang mahulog sa taong ito
Hindi maganda dahil mahal rin siya ng kaibigan mo

'Kamusta ka na?'
Hindi ba't dito iyon nagsimula?
Ano ang pwedeng dahilan
Upang ito ay wakasan?
Itigil na
Dahil ikaw lamang ang masasaktan

Balang araw
Makakatanggap ka ng mensahe mula sakaniya
Walang kagalakan
Walang kainisan
Normalan

Ngayon
Itigil mo muna
Dahil alam mo naman na
Hindi kayo para sa isa't-isa

-Mga tulang ikaw ang paksa-Historias para obsesionarse. Descúbrelo ahora