THE ONE THAT GOT AWAY

Start from the beginning
                                    

"Ha? Oo naman anak. Nag iisip lang akong punishments para kay yael." pag dadahilan ko ss kanila.

"Oh my gosh! Kinakabahan ako sa mga punishments na naiisip mo vice. Baka makawawa naman si Yael."at syempre, ang slow sa mga hosts ng showtime si Karylle. Sya lang talaga tumalab ang alibi ko.

Nakatawa pa siyang naka tingin sakin at slightly nyang hinampas ang braso ko.

" Aray ko Karylle ha! Masakit na ha!" pag bibiro ko pero tumawa si Jhong at Vhong. Bwisit tong mga to eh, nahahalata na nila.

"Uy karylle masakit na daw bruh, tama na. Alam mo naman si brad sensitive."Vhong.

Kunwari ko siyang sisipain kaya natawa si Karylle sa ginawa kong yon, inaawat naman ako ni Ryan.

" Vice"

Napatigil ako sa pang aabot kay Vhong ng tawagin ni direk ang pangalan ko.

"Yes direk, yes tay?" taranta kong tanong dahil ang seryoso ng boses nya. Nakaka shookt.

"Okay lang ba sayo na si Yael ang tumpak tracer?" Direk. Halos mapa nganga ako ng sakin niya itanong yon. Nakakaloka. Nandito ang asawa direk oh.

"Yes po direk, bakit naman po hindi? Okay na okay po sakin." Ayaw ko ng mag kontra no, baka kung ano pang isipin nila.

"Direk, yael is here"Karylle. Nag lingunan lahat sa direksyon kung nasaan si Yael, maging ako.

Feeling ko hindi naman na kailangan ang opinion ko, so nagpaalam na ko kay direk na aalis na ko para makagawa na rin ako ng punishments.

Tumingin muna ako kina yael, naka akbay sya kay karylle habang kausap si direk.

"tara na?" isang boses ang narinig ko mula sa tabi ko. Si Ion.

"Tara"

Lumabas ako ng office ni drek habang hawak ni ion ang kamay ko pero bumitaw ako.

"punta ka na sa dressing room ko, hintayin mo na lang ako doon." sabi ko. Humalik siya sa pisngi ko bago nya ko sundin.

Paglapit ko sa mga staffs, ngumiti ako sa kanila at kumuha na ko ng pen. Nag kukwentuhan kami habang nag iisip kami kung anong punishments hanggang sa hindi nila maiwasan na mag tanong sakin.

" meme, okay lang ba na si yael ang tumpak tracer natin?" tanong ng isang writer sakin.

"oo nga meme?" sang ayon pa ng isa.

"Yes. Okay sakin noh. We're really okay." nginitian ko sila kasabay ng pag sulat ko sa isang pirasong papel.

"Yang puso mo ba meme kaya na? Kase pwede naman na mag suggest kami kay direk na--

Umiling ako sa kanila.

" No. Ayoko. Kausap na siya ni direk, at okay sakin na siya ang tumpak tracer. Pagkatapos niya sa Mas Testing may prod number sila ni karylle."

Tinignan ko ang mga nagawa kong punishments, okay na to. Bago ako umalis, binigay ko na sa mga writer ang papel.

" Tapos na yan. Dagdagan nyo na lang kung gusto nyo ha." sabi ko sa kanila at umalis na ako.

Gusto ko na mag rest, sobrang pagod ko today. Dumagdag pa ang nakita ko kanina. Hindi ko din maintindihan eh, I shouldn't feel that way kasi ano ba kami ni karylle? Wala naman.

I'm just her best friend. Matagal siyang kasal tapos hanggang ngayon para kong nasasaktan. Wait, oo nga pala. Sure na sure akong nasasaktan ako.

Mahal ko siya e.

Kinabukasan, naglalakad ako sa hallway papunta ng stage ng mapansin ko si Vhong.

"Uy Vhong!" tawag ko bago ko umakbay sa kaniya.

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now