Code 1: Red Jacket

50 0 0
                                        


LILITH

"Late nanaman tayo!!!" sigaw ni Kim samin

agad na nagtawanan ang mga lalaki sa grupo namin

"Chill , umuusok na ilong mo oh" sabi ni Renzo sabay nag tawanan lahat

" Tingnan mo nga tong si Lilith mukhang wala pa sa sarili" Pang aasar ni Kenzo sakin

" tiNgnAn mO nga tOng si Lilith muKhang wAla pa saSarili" pag gaya ko sa sinabi nya , sabay nag tawanan nanaman ang lahat

" Easy kalang Kim , first day palang oh sigurado na puro schedules lang naman yung ibibigay satin ngayon" utas ni Daph sakanya

napabungtong hininga nalang si Kim at tumingin sa bintana ng Van

First day of school , you know what's the drill

hanapan ng section at room

" sana may classmate akong pogi" utas ni Daph habang kinikilig kilig pa

" Yan djan ka magaling" pang aasar ni Kim sakanya habang nag tatawanan ang lahat

" Nasasaktan si Kenzo , Daph" pag aasar ni Renzo sa kapatid nya

" Weh ikaw nga kay Lilith e" pang aasar ni Kenzo pabalik sa kapatid nya sabay tawanan ng malakas lahat

" Gisingin nyo na yang si Drake, nandito na tayo" Utas ni Kim sabay binuksan ang pinto ng Van

isa isa kaming nag babaan sa Van

" Drakee bilisan mo na!" pagalit na sabi ni Kim dahil di padin gising si Drake

" Eto na eto na!!!" utas ni Drake at bumaba na din sa Van

Nag lakad kami papasok sa campus , halos karamihan ay mga bagong mukha

" Sana mag kakaklase tayo" utas ni Kenzo

" Asa 1st year kami" Pang aasar ni Renzo sakanya

Naghiwalay hiwalay kami para hanapin ang mga pangalan namjn sa bulletin board

" Lastimosa, Block A-349" kita ko na

nagkita kita kami uli at nagsabihan ng Block mukhang nahati kami sa dalawang grupo

" Block A, let's go" sigaw ni Kim samin , Nag asaran pa si Renzo at Kenzo bago mag hiwalay

" Anong room nyo?" tanong ni Kim samin

" 349" sagot ko sakanya

" Oh parehas pala tayo e!!" utas ni Renzo at nag simula na sila mag asaran

" wag nyo kami ina-ayie ayie djan kasi parehas kayo ng room ni Drake!" pang aasar ko sakanila

nakita kong natahimik si Kim at halatang nahihiya

alam namin na may gusto sila sa isat isa di ko lang talaga alam bakit hindi nalang maging sila

ambagal din kasi ni Drake e

" Shut up! Tara na Drake" nahihiyang sabi ni Kim

naunang nag lakad si Kim at sinundan naman sya ni Drake

ngayon ay kami nalang ni Renzo ang mag kasama

" Tabi tayo!" anunsyo ni Renzo kaya naman agad akong ngumiti sakanya

pag pasok namin sa room ay umupo kami sa bandang likuran at malapit sa bintana

" Mamaya ichat nalang natin sila para magkita kita tayo sa cafeteria" utas ko kay Renzo at agad nya namang sinang ayunan

Rule Number 1:Stories to obsess over. Discover now