Kabanata 3

2 0 0
                                    

Nagpaandar na si manong driver Ng kanyang sasakyan.

Habang aking inuusisa ang mga tindahan na aming nadadaanan.

Hanggang sa napansin ko na lang na mababangga na kami ng isang sasakyan!Bang!Isang malakas na lagutok ang narinig.

Tumayo ako, mabilis na tumitibok ang aking puso, hinihingal ako.Sa wakas, napakalma ko rin ang sarili ko.

PANAGINIP LANG PALA.

Mabuti panaginip lang, binangungot na naman ako.

Nang tuluyan ko na ngang napakalma ang sarili ko, ay bigla kong napansin na nasa ibang bahay ako!

Hala!Anong nangyari kagabi?!Sumama ba ako sa ibang lalaki?

Hala bata pa ako!Hindi pwede to!

Malapit na akong maloka sa kakaisip ng mga bagay na ito ng biglang may kumatok.

Nagmadali akong nagbalot ng kumot.

Narinig kong bumukas ang pinto.

Hala!Anong sasabihin ko!

'Anak, Avril, gumising ka na.Andito ang mga kapanalig mo.Sila ay iyong salubungin,andito rin ang makakaisang-dibdib mong si Hugo.'

'Ho?Sino ho si Avril?Sino ho si Hugo?Baka po kayo ay nagkakamali sapagkat ang pangalan ko po ay Aviana'

Gustuhin ko mang makita ang mukha ng babaeng nagsasabing ako si Avril ay hindi ko ito maaninag sapagkat ang kwarto'y sadyang madilim.

'Ikaw talagang bata ka, sadyang matigas ang iyong ulo.Ikaw ay magbihis na at baka masapok kita sa pinagsasabi mo'

'Magbihis ka ng disente yung walang nakikitang kahit ano.Ayokong mapahiya ka sa kasintahan mo.'

Tumayo ako mula sa aking pinagkakahigaan, hindi pa rin nawawala ang pagkakagulumihanan.

Naghanap ako ng damit upang malaman na ang tanging laman ng kabinet ay puro baro't saya!

May nagsusuot pa ba nito sa panahong ito!

Sinunod ko na lamang ang babaeng nagpapanggap bilang ina ko at dahan-dahang bumaba.

Dreams Of 1565 (Ongoing)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن