Kabanata 2

3 0 0
                                    

Sumakay na kami sa jeep papuntang school.

'O paano mauna na ako,Aviana ha!Ingat ka, kita na lang tayo mamaya'

'Sige Cas, ingat ka rin'

Hay!Isa na namang araw ng paghihirap.Pero kailangan ko pa rin ito gawin para kay Flyn.

PARA KAY FLYN.

Hindi maganda ang buhay namin ng kapatid kong so Flyn.Ulila na kami, matagal nang yumao si mama at si papa.Kami na lang dalawa ang natitira.

(ringtone)

'Sino na naman kaya tumatawag?Hello!Sino to?'

'Ate, si Flyn to.'

'O Flyn ikaw pala, san ka nakakuha ng cellphone?'

'Nanghiram lang po ako kay Manang Esriel.'

'Ah, ganoon ba.O bakit ka napatawag?'

'Tatanong ko lang po sana kung ano po lagay nyo dyan.Okay lang po ba kayo?'

'Oo, okay lang naman ako.Ikaw ba?'

'Okay lang rin naman po.A-'

'Hala namatay!Nawalan na siguro ng load yun'

Ting!

Tumunog na ang bell.Kailangan ko na pumasok.

Pagkatapos ng klase hinanap ko si Cassidy.

'Oy, Cass sabay na tayo umuwi?'

'Hindi ako pwede eh, may project pa kami.Susunod na lang ako.Ingat ka ha!'

'Sige, sige ikaw din'

Pumunta muna ako sa silid aklatan.Ang ganda pala talaga ng mundo naisip ko, kung hindi lang sana pabaya ang mag tao malamang hanggang ngayon maganda pa rin Ang kapaligiran.

'Ang random no?' nasabi ko sa sarili ko

Habang tinatalutay ko ang bawat salansan ng libro mayroong isang librong nakapukaw ng atensyon ko.

Kinuha ko ito at pumunta sa isang bahagi ng aklatan upang mabasa ito mg masinsinan.

Nakabasa ako ng limang pahina, bago ko napansin na malapit na pala magsara ang eskuwelahan!

Nagmadali ako lumabas.

Mukang nakauwi na rin si Cassidy.Yung bruhang yun di man lang nanawag.

Nag-abang ako ng jeep pero wala na talagang nagdadaan.

Kaya pumara na lang ako ng tricycle.

'Manong sa Kanto Isaias po!'

Dreams Of 1565 (Ongoing)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ