"CHAPTER 1"

14.2K 372 4
                                    

Hindi maipinta ang mukha ni Tara habang pinanonood ang paboritong afternoon show sa television. Pero wala naman sa pinanonood ang kanyang atensiyon. Lumilipad sa kung saang dako ang isip niya.

Mayamaya ay padabog niyang inabot ang remote control na nakapatong sa center table. Pagkatapos ay inis niyang pinatay ang tv.

"Shit!"gigil na bulong ni Tara matapos ihagis ang hawak na remote sa kabilang sofa.

Dumako ang kanyang tingin sa nakapinid na pinto ng study room. Nasa loob ng silid na iyon si Bryan Del Rico, her husband at alam niyang abala na naman ito sa pagbabasa ng patong-patong na mga papeles.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at tinungo ang hagdan paakyat sa study room. Kahit pa alam niyang ayaw magpaestorbo ang asawa ay disidido siyang kausapin ito.

Pagdating niya sa tapat ng pinto ay hindi na siya nag-abala pang kumatok. Pinihit niya agad ang seradura at patulak na ibinukas ang pintuan.

Mula sa binabasang papeles ay napaangat ng tingin si Bryan. Bahagyang nagdikit ang mga kilay ng lalaki pagkakita kay Tara.

“Can we talk now?" tanong ni Tara matapos na ipinid muli ang pintuan. Humakbang siya palapit sa kinaroroonan ni Bryan at tumayo sa harap ng study table nito.

"I’m busy," malamig na tugon naman ni Bryan na agad ding ibinalik ang tingin sa hawak na papel.

"But i really need to talk to you! You can continue after that!," giit ni Tara.

"Kailangan kong tapusin ito on time. So please go, and leave me alone Tara. We can talk next day," tugon ni Bryan na hindi na siya muling sinulyapan.

Bumuntong hininga si Tara. "Gusto ko nang makipaghiwalay sa iyo!," mahina pero mariing wika ni Tara.

Doon muling nag-angat ng tingin si Bryan. Halos maging isang linya na lamang ang guhit ng kilay nito sa pagkakakunot-noo. Mayamaya ay biglang nagdilim ang mukha at tumalim ang mga matang tumitig nang matiim sa kanya.

"Narinig mo ang sinabi ko Bryan. Wala rin namang patutunguhan ang pagsasama natin kaya mabuti pa na maghiwalay na tayo! You don’t love me and I don’t love you too! So,  bakit pa natin patatagalin ang pagsasamang ito?"

"Hindi tayo maghihiwalay Tara," matigas na tugon ni Bryan

"What?!" gulat na tanong niya.

"Magsasama tayo sa isang bubong at hindi maghihiwalay. Kaya huwag mong ipilit sa akin ang gusto mo. Mabibigo ka lang."

"Sa papel lang tayo mag-asawa Bryan!"

Ibinaba ni Bryan ang hawak na papeles sa ibabaw ng mesa at dahan-dahang tumayo mula sa pagkakaupo.

"Pagtatalunan na naman ba nating muli ang bagay na ito Tara? Or you want me to remind you, what is the reason why I won't agree! I will never set you free, Tara!", nang-uuyam na sabi ni Bryan.

"Until when, you're going to use our marriage for a revenge Bryan? I made it clear with you before na hindi talaga ikaw ang mahal ko!" tumaas ang tinig ni Tara.

"At sino ang ipinagmaalaki mong mahal mo? Si Daniel ba?!" bahagya na ring tumaas ang boses ni Bryan. "Kung hindi mo ako niloko noon ay baka sakaling hanggang ngayon ay mahal parin kita! Pero ginamit mo ako bilang panakip-butas para lang maghiganti sa Daniel na iyon! Alam mo ba kung gaano kasakit ang naramdaman ko noong ipamukha mo sa akin ng biglaan ang katotohanang iyon? Ni hindi mo manlang inisip Tara ang mararamdaman ko! Minahal kita ng totoo pero ginamit mo lang ako! Ang pagmamahal na naramdaman ko sa iyo noon ay natabunan na ng galit! Tara! I never expected that i can take my revenge easily. In the end, tayo pa rin ang ikinasal dahil na matagal ng kasunduan ng bawat pamilya natin! Napakaliit nga ng mundo".

"Matagal na iyon!"

Humakbang si Bryan palapit sa kinaroroonan niya at pahiklas siyang hinila sa braso.

"Matagal na nga, pero sariwa pa rin ang sugat sa puso ko. At hangga't hindi kita nakikitang nahihirapan ay hindi ako masisiyahan. Iparamdam ko rin sayo ang sakit na ipinaramdam mo sa akin noon!" patulak siyang binitiwan nito.

Hayup ka!" namumula sa galit na sigaw ni Tara.

"Lumabas ka na sa silid na ito bago mo pa makita ang kahayupan ko! Go!" makapangyarihang utos ni Bryan sabay turo sa pintuan.

Isang nakakamatay na tingin muna ang ipinukol niya sa asawa bago padabog na tinungo ang pintuan. Pagkatapos pabalibag niyang isinarang muli iyon.

***votes and comments are highly appreciated***

"Impostor"Where stories live. Discover now