Off's POV
"Papiiiii~"
Malambing na boses ang aking naririnig.
"Hmm?" sagot ko habang unti-unting minumulat ang aking mga mata.
"Papiiii, gising na kasi. Anong oras na oh"
At sa pagmulat ng aking mga mata ay nasilayan ko ang napakagandang ngiti. Ngiting araw-araw kong nasisilayan sa loob ng pitong taon.
"Good morning, love." sambit ko habang nakangiti. Yumakap naman siya sa akin ng napakahigpit sabay halik sa aking leeg.
"Good morning, papii. Let's go downstairs and eat breakfast." malambing niyang sagot sa akin.
"Hmmm, can I have you for my breakfast instead?" napatigil siya at tumawa naman ako.
"Papiii!!!" sabay hampas sa akin ng marahan. Hayyy, bakit napaka cute ng taong 'to? Ano bang nagawa ko para ipagkaloob ka sa akin? I kissed his forehead and whispered, "I love you so much, love." naramdaman kong ngumiti naman siya,
"I love you so much too, Papii" at yumakap siya ng napakahigpit.
---
Bumaba na kami para kumain ng breakfast. Habang nakain, hindi ko mapigilan ang sarili kong pagmasdan siya, sobrang mahal na mahal ko talaga si Gun. Walang makakatumbas sa pagmamahal na mayroon ako para sa kanya. Hinding-hindi ko na siya papakawalan. Napatingin naman siya sa akin na parang nagulat.
Gun's POV
Habang nag b-breakfast kami ni Papii, napansin kong nakatitig lang siya sa akin habang nakangiti.Naalala ko namaman, kung paano kami nagkakilala.
*Flashback 20 years ago*
"Mommy! Punta lang po ako sa park ha?" paalam ko kay mommy bored na bored na kasi ako dito sa reunion nila ng college friends niya. Habang naglalakad ako papunta sa duyan, may isang batang lalake akong nakita, nakasimangot. Nilapitan ko naman agad siya.
"Huy! bata! Are you okay?" tanong ko sa kanya, pero hindi parin niya ako pinapansin. Nakasimangot parin siya.
"Hey, I'm talking to you" tumingin na siya sa akin pero nakasimangot parin. Ano problema neto?
"What?" malamig niyang sagot.
"Wala naman. I just saw you here. Bakit ka ba kasi nakasimangot?"
"Bakit ka ba kasi nandito?" sagot niya naman sa akin habang nakataas ang isang kilay niya.
"Eh nab-bored ako don, may reunion kasi si mommy with her college friends, you know, oldies" bigla naman siyang tumawa. Kaya nagulat ako. Ako naman ang nagsungit
"What? May nakakatawa ba?"
"Wala naman. You're funny" Siraulo yata 'tong batang 'to? But atleast hindi na siya nakasimangot.
"So, bakit ka nga nandito at nakasimangot?" umupo na ako sa duyan sa tabi ng duyan na inuupuan niya.
"Eh kasi sabi ni mommy, saglit lang siya, I'm bored din, eh kaso ang nangyari ayan, nagkukwentuhan pa sila" ohhhh, so nandun din ang mommy niya?
"Ohhh, so nandun din ang mommy mo?" tanong ko sa kanya.
"Yup" tipid niyang sagot.
"Ohhh, so our moms are college friends pala. By the way, I'm Gun" sabi ko habang nakangiti sa kanya. Iniabot ko ang kamay ko, waiting for his response para makipag shake hands
"Hi Gun, I'm Off, and I'm sorry if sinungitan kita kanina" sagot naman niya habang iniabot din ang kanyang kamay at nakipag shake hands sa akin.
*End of flashback*
Ngumiti nalang ako habang naaalala ang lahat.
"Papiii! Hey! Hahaha. Matunaw naman ako" sabi ko sa kanya at nagulat naman siya. Ngumiti lang siya ng sobrang tamis. Hayyy, Lord. What have I done para bigyan mo ako ng isang Off Jumpol? 7 years.... 7 years na kami pero everyday, parang laging nagsisimula palang kami, sa bawat araw na nagdaan, lalong nag g-grow yung pagmamahal na meron kami para sa isa't-isa. Hindi ko makita yung buhay ko na wala siya, na hindi siya ang kasama ko.
Tiningnan ko ulit siya, habang kumakain, and out of nowhere.... "Papi, mahal na mahal kita" tumigil naman siya sa pagkain, tumingin siya sa akin, kinuha nya ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit
"Mahal na mahal din kita, Love" . Ngumiti kami sa isa't-isa at tinapos na ang pagkain ng almusal.
ESTÁS LEYENDO
ISANG BUONG ARAW KASAMA KA
FanfictionAn OffGun one shot story wherein Gun and Off have been together for 7 years. Pero isang araw, may natuklasan sila na sana hindi nalang nila nalaman.... ano ang gagawin nila pagkatapos ng lahat? Sapat na ba ang Isang buong araw na kasama ang isa't-is...
