"HOY KA DIN MAGUI! Aba kung makasigaw ka ah! Baka nakakalimutan mo ako ang Boss dito! Ako ang boss!"pero sa halip na matakot ay tinawanan lang namin si Luci. Ewan ko ba? Di kasi sya yung tipo ng tao na seseryosohin mo... pag galit.

Humalukipkip si Magui at tinaasan ng kilay si boss haha iba din ang lakas ng loob nitong babaeng to. "Yun na nga boss e, ikaw ang boss pero ikaw yung wala dito para mag-asikaso ng event, one week na lang oh! Baka mamaya sa mismong event ikaw ang wala ha!!!"

"Sorry na kaseeee!!! Tsaka di ko naman kayo kinalimutan e! Binabasa ko naman mga messages nyo!-"

"Seen lang." Singit ni Felix sa paghuhuramentado ni Luci hahah

Malalim ang naging buntong hininga ni boss Luci bago sya nagpatuloy. "Sorry na nga ii! Tsaka uuwi naman na talaga dapat ako kasi si Papa dinramahan na naman ako huhu. You know I can't resist Papa."

Napabuntong hininga na lang si Magui at Felix at tsaka nginitian si boss. "Okay lang boss, gets naman namin. Pinagtitripan ka lang namin haha" sabi ni Felix. Seriously? Ang lakas ng loob nilang ganituhin ang boss nila. Napailing na lang ako.

"Basta boss ha, wag ka mawawala sa 14! Naku talaga! Sama mo na lang si Tito dito ha para di ka masyado namimiss ha." Sabi naman ni Magui.

Ngumuso si Luci "Hmpft. Sana nga pwede e, pero di naman nya maiwan work nya. But don't worry, I'll be there before 14. Anywaysss, Andrew! Bakit ang tahimik mo?? Teka binubully ka ba ng mga maliligalig na to?! Sabihin mo lang! Nako!"

"Boss grabe ka! Hindi kami ganyan!" Protesta nung dalawa hahaha. Ngumiti ako at umiling kay Luci. "No, I'm fine. Don't worry boss, mababait sila sakin."

"Kita mo na boss! Mabait kami no!" Ani Felix sabay kapit sa braso ko. Gumaya din naman si Magui sa kabilang braso ko "Hmp see boss! Maligalig lang kami pero mabait kami!"

Napaface palm si boss luci at umiling na lang. A thought came to my mind "Boss, how's your enrollment? Are you done?" Tanong ko kahit alam ko naman ang sagot. I just want to know, and maybe she'll share more.

"Haynako! Di ako nakaenroll e. Tumawag kasi uli sakin si Papa noon. Ah ewan, basta di ako nakaenroll, bad trip nga ako noon e! May bumangga pa sakin! Anyway tsaka na lang siguro ako mageenroll kapag di na nagiinarte si Papa haha"

Ahh so it's all about her dad. From what she said a few days ago, maybe her dad wants her to stay in Manila and leave her life here. That's why she's thorn. Ayt maybe that's it. It's been four days, I guess since we last talked about this issue. After that message she never texted me again until now. Hindi ko alam kung bakit, but maybe she's busy bonding with her dad?

I didn't bother to text her too. I just don't want to be pushy and if she wants to leave out conversation like that, then I should respect that. Sabi ko nga, andito ako para makinig lang. Hindi para makialam.

Ngumiti ako kay Luci, "Well you can late enroll so think thrice before choosing what to live, and what to leave."

Tinitigan ako ni Boss "Ha?" And then it hits me, Fudge! I shouldn't said that! Baka makahalata sya!

"Nothing! Just enjoy your stay there! And take care! See you soonest boss!" Nagpaalam na ako kay boss at pumuntaat umalis sa counter para magligpit ng mga kalat sa tables.

That was a close call. Sinimulan kong ligpitin ang mga kalat na cups at straws sa malapit na mesa. Habang sina Magui naman ay patuloy sa pakikipagusap kay boss. Wala pa nmaan kasing customer uli kaya ayos lang na magchikahan sila doon.

Habang nagpupunas ng lamesa ay patuloy kong iniisip ang pagkakamali ko kanina. Hindi pa ako handang malaman ni Luci na ako ang nakakatext nya. Pero pagdating kaya ng valentine's maging handa na ako? Hindi ko alam. Pero sana, sana.

Nang matapos ako dito sa loob ay naiisipan kong sa labas naman maglinis. Palabas na ako nang may makabangga ako. Isang panira ng araw.

"Watch where you're going." Masama ang tingin nya sakin at ganun din ako sa kanya. Mas matangkad sya sakin pero di nya ako masisindak. Tusukin ko mata nya e!

Pinandilatan nya ako. Hays bwisit! Kung hindi lang customer to!

"I'm sorry SIR Zeus." Labag sa loob ko akong gumilid at pinadaan si Zeus. He smirked at me pagkapasok nya ng cafè. Tss pasalamat sya di ko pinatulan kayabangan nya.

Bumuntong hininga ako at nagsimula nang magpunas ng lamesa. Hindi pa ako nakakatapos sa isang lamesa ay tumunog na ang phone ko.

"Hello Yvette, why? I'm working."

"I'm working too! But a bitch ruined the set! Tss. She's looking for you!"

Kumunot ang noo ko "Who?"

"Chelsea."

***

Hi guys! How's everyone? Again, I hope you are all safe! May God bless you all!

Thank you for reading my story! 💜

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 09, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

About HerWhere stories live. Discover now