Plano na niyang sabihin ang lahat dito ngayong gabi, bakit ba kasi naisipan pa nitong mag research tungkol sa kanya?! Nakakagalit talaga.

At bakit ba ganoon si Aya sa kanya?! Hinusgahan na agad siya nito? Nasasaktan siya dahil doon at dahil pinutol na nito ang lahat sa kanila, ayaw na raw siya nitong makiita?! Damn! Ano ba kasing tumatakbo sa isip ng babaeng iyon at ganoon nalang kabilis mag desisyon? Talong – talo siya! Ni hindi siya nakahuma! Niratrat na agad siya nito ng bala ng hindi pa man nagsisimula ang giyera! Ang daya!

Pinalayas siya nito sa bahay nito! Fuck, nanggigigil talaga siya.

Dumeretso siya sa bahay ng mga magulang niya, ayaw niya sa bahay niya, lalo lang siyang malulungkot don, wala siyang kasama don, isa pa, ang lapit lapit non sa bahay ni Aya, baka takbuhin niya lang pabalik yung papunta sa bahay ng kasintahan, dating kasintahan pala at magmakaawa siyang tanggapin nito ulit at pakinggan ang mga paliwanag niya, shit, ayaw niyang pati ang pride niya ay mawala na sa kanya, wala na nga ang puso niya dahil nakay Aya na, pati ba naman ang pride niya? Shit, ang daya talaga ng babaeng yon, akala pa naman niya ay mag se-sexy time silang dalawa yun pala ay palalayasin na siya nito sa bahay nito at nakipaghiwalay pa sa kanya!

Nagulat pa ang mama niya nang Makita siyang pumasok sa bahay nila, kasunod nito ang nakababatang kapatid nilang si Bridge.

“Hijo, gabi ka na yata? May kailangan ka ba?” tanong sa kanya ng kanyang ina.

“dito ako matutulog ma” padarag na sabi niya.

“ayos ka lang ba?” nag aalalang tanong nito sa kanya.

“hindi ma, hindi ako ayos, mainit ang ulo ko at masakit ang puso ko, aakyat na ako sa dati kong kwarto” yun lang sang sinabi niya at dere-deretsong umakyat sa kwarto niya, naiwan niyang nagtataka ang ina at ang kapatid niya.

Totoo ang sinabi niya, mainit ang ulo niya, talagang mainit ang ulo niya at masakit din talaga ang puso niya.

Hindi niya naramdaman nito nung sila ni Kat ang naghiwalay, pero bakit kay Aya? Talagang nagagalit siya, galit na galit! Wala siyang ginagawa pero pinagbintangan siya nito ng kung anu-ano! Bahala ito, kung ayaw din nito, ayaw din niya!

Bumalik siya sa ibaba ng kanilang bahay at kumuha ng isang bote ng whiskey, kailangan niya iyon para tumigil na ang isip siya sa kakaisip kay Aya, at ng tumigil naman kahit ngayon lang ang pagkirot ng puso niya. Hindi na niya napansin ang kanyang ina na pinagtatakhan ang mga ikinikilos niya.

Kasalanan itong lahat ni Aya.

Ngayong gabi ay lulunurin niya ang sarili sa alak at pansamantalang kalilimutan si Aya, kahit ngayong gabi lang, at ipagpapasalamat niya kung mag kakaroon man siya ng hangover bukas pag gising niya dahil kung wala siyang hangover ay siguradong tatakbo siya papunta kay Aya.




XVI

 

Namumugto man ang mga mata ay pumasok parin si Aya sa trabaho, kailangan niyang ibaon sa limot ang anumang masasayang ala-ala kasama si Migz, hindi ito nararapat para sa kanya.

The UsedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon