“hell I’m serious” pagalit na sabi niya.

Kumunot ang noo nito at akmang lalapitan siya

“wag kang lalapit sakin de Angelo” babala niya rito.

“anong nagawa ko?” parang walang muwang na sagot nito.

“so you’re getting married? Kailan? Kanino? At ano ako? Kabit mo? Walangya ka de Angelo lumayas ka sa pamamahay ko ngayon na! wala akong pakialam kung nakatapis ka lang ng tuwalya basta lumayas ka sa bahay ko! Ang kapal ng mukha mong pakipaglapit sakin samantalang ikakasal ka na pala?! Manloloko! Manggagamit! Walangya! Layas! Sa akala mo ba ay papayag akong maging kabit mo?! Ganoon ba ang tingin mo sa akin Migz?! Iyan ang hirap sa inyong mayayaman eh!” hindi niya napigilan ang sarili niya, hindi niya napigilan ang galit niya para dito, ang kapal kapal ng mukha nito at nag iigting na ang mga ugat niya ssa panggigigil dito.

“babe, it’s not what you think” pag sisimula nito, pero ayaw niya itong pakinggan.

“Umalis ka nalang Migz, I’m breaking up with you, I don’t want to ruin your relationship with your fiancée so please iwan mo nalang ako Migz” pakiusap nya dito, kaunti nalang at kakawala na ang mga luha mula sa kanyang mga mata.

“babe, just let me explain” sabi nito sa kanya na akmang lalapit parin sa kanya, tumayo siya at humakbang palayo dito.

“just go Migz, please, iwan mo na ako, ayaw na kitang makita pa” pagsusumamo niya dito, ayaw niyang umiyak sa harap nito kaya kailangan na talaga nitong umalis pa at iwan siya kahit pa sa totoo lang ay ayaw niya pero nasasaktan siya sa katotohanang niloloko lamang siya ni Migz, mas lalo iyong hindi kakayanin ng puso niya kaya mas mabuti ng ganito, ang maghiwalay na agad sila ng landas.

“if that’s what you want” mahinang sabi nito sa kanya at tinalikuran na siya at mabilisan itong nagbihis at hinagilap ang mga gamit nito.

Walang salitaang umalis na ito sa kanyang bahay makalipas ang sampung minutong pagaayos ng gamit nito o mas tamang sabihing bastahang pagkuha nito sa mga gamit nito sa bahay niya.

Pagkalabas nito sa kanyang pintuan ay hinayaan na niya ang pagtulo ng mga luha niyang kanina pa nagbabadyang pumatak.

Goodbye Migz

Sabi ng puso niya.





XV

 

Ngali-ngali ni Migz na ibangga ang sasakyan sa posting nadadaan niya, pero yung hindi naman siya mamamatay, naiinis siya, nagagalit siya, nalulungkot sya at nasasaktan siya, bakit ganon? Bakit napaka unfair sa kanya ni Aya? Ni ayaw nitong pakinggan ang paliwanag niya? Napansin niyang sa isang site nito nabasa ang tungkol sa kasal niya, ipapatanggal niyang kaagad ang lahat ng balita tungkol sa kanila ni Kat noon at ang muntikan na niyang pagpapakasal.

The UsedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon