Sunday ngayon at maaga akong nagising at nagready para sa pagpunta namin ng church mamaya.
"Good morning, Julian!" kakatok palang sana ang kapatid ko nang eksaktong palabas na ako ng pintuan.
"Good morning too, ate! Ang aga mo ngayon. Sasama ka sa'min sa church?" excited na tanong niya.
"Yup!" masayang sagot ko. "Halika na, let's go downstairs para makapagbreakfast tayo." pag-aya ko sa kapatid ko at hawak-kamay kaming bumaba.
"Good morning, Amanda! You look pretty today!" masayang bati ko sa kapatid ko na nakasalubong namin. Pababa na 'rin siya at nakagayak na.
"good morning too, ate. Ang ganda ng gising ngayon a!" nakangiting sabi niya.
"Of course, it's another day, another blessing kay God." sagot ko at kinindatan ko siya.
"Amen!" sagot ni Julian sa tabi ko.
Pagkatapos namin magbreakfast ay sumakay na kami ng kotse at nagpunta na sa church na pinuntahan ko 'rin kagabi.
Pagdating namin doon ay kakaiba pa'rin ang pakiramdam ko. Andun pa'rin yung excitement sa pagpasok ko ng simbahan. Matagal-tagal 'din na panahon nung huli akong nagsimba dito.
"Let's go inside? Baka nagp-praise and worship na sila." sabi ni Mommy. Pumasok na kami sa loob ng church at naghanap ng mauupuan.
Nagpalinga-linga ako habang hindi pa nagsisimula ang service at may ilang school mates kami na nakikitang nagsisimba 'rin kasama ng family nila.
I saw Patrick, Tricia, Khyla and oh kasama niya ang long time boyfriend niya. Wow sana all. Joke. At madami pang ibang mga East High students.
Napansin ko naman ang kapatid kong si Amanda na may kinakawayan sa gawing likuran. Kaya naman nang tingnan ko kung sino, mabuti naman at babae. Kasi kung lalaki? Hay nako baka masampal ko ang kapatid ko. De joke lang hahahahahahaha. I'm just kidding guys. Chill!
"Sinong kinakawayan mo?" tanong ko.
"Bestfriend ko ate." masayang sagot ng kapatid ko.
"Oh, so may bestfriend ka na?" parang kailan lang kasi nung sinabi niyang wala daw nakikipag kaibigan sakaniya nang dahil sa'kin.
"Yah. Do you want to know her?" tanong ng kapatid ko.
"Invite her nalang sa house para makilala 'rin nila Mom and Dad." sagot ko. I want to know kung sinu-sino mga kinakaibigan ng mga kapatid ko lalo na si Amanda. Baka kasi mamaya siya na pala yung pinagbubuntunan ng galit nung mga dating nakakaaway ko. Ayokong mapahamak ang kapatid ko at baka mamaya nabibiktima na pala ng bullying or what. At sana kung sino man yung tinutukoy niyang "Bestfriend" niya ay hindi siya plastikin or traydorin.
Nagsimula na ang praise and worship at laking gulat ko nang makita kung sino ang tumutugtog.
Wait, is that Lyndon and his bestfriends?
Wow. Marunong pala silang tumugtog?
Si Lyndon ang lead singer kasama ng isang babae. May hawak na electric guitar si Faren, si Marchel naman ang nagkekeyboard at si Marrione ang drummer.
"Tayo pong lahat ay tumayo at awitan po na'tin ang Panginoon ng may pagpupuri at pagpapasalamat! Awitin po na'tin ang For All You've Done!" sabi ng babae kaya naman tumayo kaming lahat.
Nagsimula na silang tumugtog at kumanta samantalang ako ay nanatiling shock. Oh my gosh! Hindi lang ako makapaniwala. Bukod sa pagiging sporty at smarty nila, talented 'din pala itong mga 'to.
Hindi sila palatugtog noong junior high kami lalo na ngayong senior high at isa pa, wala akong pakialam sakanila noon kaya wala akong masyadong alam tungkol sa grupo nila. Pwera lang kay Faren. May hidden talent pala sya. Or sakin lang nakatago kasi hindi ko naman alam na may ganiyang talent siya? Ha? Hindi ko gets sinabi ko basta 'yun.
ESTÁS LEYENDO
I'm Going Home
RomanceAnd everyone who lives and believes in me shall never die. Do you believe this? John 11:26
